Chapter 6

5K 102 3
                                    


Sol POV

Nasa hospital parin si Luna, nagpapagaling. Next week daw ay pwede na siya makaka-uwi, the doctor is still observing her. Dadalhin daw ako ni Drix ngayon sa private island nila para makapag-pahinga din daw ako kaya pumayag naman ako dahil nagpumilit siya, tinawagan ko narin muna si Aria para siya na muna ang magbantay kay Luna. Ang sabi ni Luna ay 'wag na daw dahil kaya naman niya ang sarili at may mga nurse naman ang pumapasok sa kwarto para i-check siya, pero mas okay nadin 'yong sigurado ako.

"Una na ako, Luna, dadating na si Aria rito maya-maya," sabi ko at hinalikan siya sa pisnge.

"Sabi ko naman sayo ate na hindi na kailangan, kaya ko naman sarili ko, e,"

Umiling ako, "Alam ko pero gusto kong makasigurado at paano kung may gusto kang kainin? Hintayin mo nalang si Aria dito," bilin ko.

Ngumiti siya at kinindatan ako, "Enjoy your date!"

A-anong date?!

"Hindi to date, mauna na ako!" Paalam ko at lumabas na ng kwarto dahil baka matagalan pa kami.

From Riri:

Nasa parking lot na ako, I'll wait here.

Hindi na ako nag reply at sumakay na sa elevator. Pagbukas ng elevator ay dumiritso na ako sa parking lot at agad naman nahagip ng mata ko ang kotse ni Drix. Kumatok ako sa bintana ng kotse niya at pinagbuksan ako, pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang nakangiti at maamo niyang mukha.

Ningitian ko siya pabalik at isusuot ko na sana ang seatbelt nang bigla niyang ilapit ang mukha sa akin na halos hindi na ako makagalaw sa sobrang lapit niya!

Tumingin siya sa mga mata ko pababa sa ilong hanggang sa mapunta sa labi ko ang  tingin niya. Ilang segundo pa niyang tinitigan iyon at bigla na lamang ngumisi at inabot ang seatbelt para isuot sa akin. Napabusangot naman ako sa ginawa niya!

I expect something else.

Napakunot noo ako sa sariling naisip. Putangina? Tumingin na lang ako sa labas dahil tiyak kong namumula na ang aking pisnge!

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kaming dalawa at tanging ang musika lang ang nag-iingay. Hindi naman sa awkward pero dahil wala lang akong maisip na pag-usapan. Nakatingin lang ako sa labas hanggang sa makarating kami sa private island nila Drix. Pinark niya na muna ang kotse at naunang bumaba para pagbuksan ako ng pinto, ningitian ko naman ito nagpasalamat. Sabay kaming pumasok at napapikit mata ako habang dinadama ang malamig na hangin na sumalubong sa amin.

Nakaka-relax.

Naramdaman ko ang mainit na hininga ni Drix sa batok ko at huli na nang malaman ko na niyakap niya ako mula sa likod at isiniksik ang mukha sa leeg ko na siyang naging dahilan para tumaas ang mga balahibo ko at ang pagbilis tibok ng puso ko! I didn't expect him to do this! It's funny because I like what he is doing right now! I didn't push him away and just let him back hug me.

I unconsciously smiled and close my eyes. '' Sol, " Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang tawagin niya ang pangalan ko habang hindi inilalayo ang mukha sa aking batok!

Why are you doing this, Drix? Nasa rules ang bawal makipagkita ang pleasurer at ang idol kapag hindi schedule pero heto kami ngayon, nilabang ang mga rules. What he is doing right now makes me fall inlove with him more and I think I made a mistake. I shouldn't be doing this. We shouldn't treat each other this way because I am just his pleasurer.

"Hmm?" Mahinang sagot ko.

"Chansing kana" Napalayo ako sakaniya at inis siyang hinarap. Tumawa naman siya at hinawakan ang kamay ko, " Joke lang, hahaha! " Malakas na tawa niya kaya iniwan ko na siya doon at tumungo sa may kubo, naramdaman ko naman na sumunod ito.

His PleasurerWhere stories live. Discover now