Kasalukuyan kaming nakahiga ni Drix ngayon sa kwarto ko habang nakatingin sa kisame. Babalik daw siya sa dorm nila mamayang madaling araw dahil baka mahuli daw siya ng manager niya na tumakas.Nakapatong ang ulo ko sa braso niya at nilalaro niya ang buhok ko. Ako naman ay nakatingin sa kamay naming dalawa at nakatingin sa singsing. Tahimik lang kami at walang nagsasalita pero hindi awkward, we just enjoy each other's company.
"Love," tawag ko sa atensyon niya.
"Mhm?"
Should I ask him about babies?
"Bigla ko lang tong naisip, may hindi pa pala akong alam tungkol sayo."
"What?"
Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy, "I just wonder, do you.... Like kids? Or minsan ba ay naisip mo na ang pagkakaroon ng anak ganon?" dinaga ang dibdib ko ng kaba dahil sa tanong ko at sa kung ano ang magiging sagot niya.
Hindi siya kaagad nakasagot sa tanong ko at malalim na nag-iisip. Nilalaro ko ang kamay naming dalawa habang hinihintay ang sagot niya. Kinakabahan ako.
Ramdam ko ang pag-iling niya kaya hindi ko naman maiwasan ang mapaluha, "Hindi pa. Ayoko pa magka anak ngayon dahil gusto ko muna maabot ang pangarap ko. Tsaka na siguro muna yan kung alam kong pwede na pero sa ngayon ayoko pa. Bakit?"
Umiling lang ako sakanya, "Matulog na tayo." Mahina kong sabi at tumalikod na sakanya. Niyakap niya ako sa bewang kaya mas lalo akong napaluha pero pinipigilan ko ang huwag gumawa ng ingay. Ayokong malaman niyang umiiyak ako.
Ramdam kong mahimbing na natutulog si Drix habang yakap yakap padin ako. Patuloy lang ang pag-agos ng luha sa mga mata ko dahil sa sinabi niya kanina. Ang sakit pero wala akong magagawa. Hinarap ko si Drix at mapait na napangiti.
Tama ata na hindi mo na muna malaman ang tungkol dito. Gusto kong maabot mo muna ang pangarap mo kahit kapalit nito ay ang sakripisyo ko. I'm willing to do anything for you even if that means I have to hide about my pregnancy. I don't want to ruin your career, you dreams. So chase your dreams, Drix, we will support you.
Paggising ko ay wala na si Drix sa tabi ko. Walang gana akong tumayo at pumasok sa cr para maligo para makakain na ng almusal. Naabutan ko si Luna na naka-uniform na habang nag-aayos sa kusina. Napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Gigisingin na sana kita eh. Halikana, kumain na tayo." Aya nito kaya isang tango lang ang iginawad ko at umupo na.
"Nauna nang umalis si kuya Drix dahil tinatawag siya ng members niya. Hindi na siya nakapagpaalam sayo dahil mahimbing ang tulog mo."
Hindi ako sumagot at hinahayaan lang si Luna na magsalita. Binaba niya ang hawak na kutsara at hinawakan ang kamay ko kaya napatingin ako sa mga mata.
"Anong nangyari kahapon sa check up?" Tanong niya kaya hindi ko na muli mapigilan ang mapaluha at napansin niya naman iyon.
"Buntis ako, Luna." Hindi siya nagulat sa sinabi ko at tumango na lamang. Umiiyak nanaman ako. Lumapit sa akin si Luna at niyakap ako kaya mas lalo lang akong naiyak.
Pinapatahan ako ng kapatid ko pero hindi ko magawang tumahan. Naalala ko naman ang naging usapan namin ni Drix kagabi. "Luna, paano to? Hindi pa handa si Drix magkaroon ng anak, paano ako? Paano kami?" Pagsumbong ko.
Ako dapat ang maging malakas para sa aming dalawa ni Luna pero ako yung mahina ngayon.
"Shushh, masama para kay baby kung patuloy ka kang sa pag-iyak jan. Baka magbago ang isip ni kuya Drix tungkol jan alam naman natin na mahal na mahal ka non," pagpapagaan niya ng loob ko pero hindi ito umepekto.
Hinayaan niya lamang akong umiyak sa balikat niya hanggang sa nagpaalam siya sa akin dahil may pasok pa siya. Mag isa nanaman ako. Papasok na sana ako sa kwarto ko para matulog ulit pero may nag doorbell nanaman. May naiwan ba si Luna? Binuksan ko ang pinto at hindi si Luna ang nasa labas.
Lalaki na nakasuot ng makapal na jacket at sumbrero. Sa katawan niya ay hindi siya si Drix. May suot din siyang mask kaya hindi ko mamukhaan kung sino ito.
"Who are you?" Tanong ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa lalaki.
Isasara ko na sana ang pinto nang pigilan niya ako, "Sol, anak ko." Napatigil ako dahil sa boses na iyon.
Unti unti niyang tinanggal ang suot na mask at kalo at laking gulat ko nang makita si Rio Lee dito sa harap ko. Anong ginagawa niyo dito? Akala ko ba nasa Canada siya? Pinapasok ko siya sa bahay dahil baka may makakita pa sakanya sa labas at magkaroon nanaman ng panibagong issue. Nilibot niya ang tingin ng bahay at napatingin sa akin nang peke akong umubo.
"What are you doing here, Mr. Lee?" Bakas ang gulat sa mukha niya dahil sa tinawag ko sakanya.
"Sol, ayusin natin to pakiusap. Kaya kong iwan lahat bumalik lang kayo sakin mga anak ko," pagsusumamo niya.
Ito nanaman tayo eh. Sa paganyan niya lang ay lalambot agad ako pero pinipilit kong magmatigas. Hindi ako tumitingin sakanya dahil baka tumakbo ako at yakapin siya. Kahit gaano pa kasakit ang binigay mo sa amin bakit nag-aalala parin ako. Bakit nasasaktan padin akong makita kang ganito. You abandoned us already but here I am, yearning for your love.
Nanigas ako at nagulat nang lumuhod siya sa harapan ko habang umiiyak. Hindi ko narin mapigilan ang mapahawak sa bibig ko habang patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Ang sakit na ng mata ko kakaiyak. Humagulgol siya habang paulit ulit na binabanggit ang pangalan ko.
"Anak ko, patawarin mo si papa. Patawarin mo ako sa mga pagkukulang ko sainyo ng kapatid mo, patawad kung wala ako nong mga panahong kailangan mo ng tatay. Patawad anak ko, handa akong gawin lahat bumalik lang kayo sa piling ko. Mahal na mahal kayo ni papa." His voice broke while saying those words.
Papa...
Patuloy siya sa pag-iyak at hindi ko na kaya pang magpanggap na malakas dahil alam ko mismo sa sarili ko na durog na durog ako habang nakatingin kay papa. Maybe this is the right time to forgive him. Lumuhod ako at niyakap si papa na patuloy lang sa pag-iyak. Ramdam ko ang pagyakap niya sakin ng mahigpit kaya lumakas ang pag-iyak ko.
Kaytagal kong hinihintay na mayakap ka muli.
"Sorry papa sa mga masasakit na salitang binitawan ko sayo," paghingi ko ng tawag pero ramdam kong umiling siya.
"Naiintindihan kita, Sol. Patawarin mo sana si papa." Napuno ng iyakan ang buong bahay at gumaan ang pakiramdam ko dahil nawalan ng tinik ang puso ko.
I can finally call you Papa again.
Dito na nag lunch si Papa at sabi niya ay hihintayin niya si Luna na makauwi. Nagkukwentuhan lang kami dito sa sala at ikinuwento niya ang naging buhay niya noon. Hindi ko naisip noon na nahihirapan din siya kaya nang makwento niya ang pinagdaanan niya ay medyo sinisi ko ang sarili ko dahil mas pinaprioritize ko pa ang sarili kong nararamdam kesa sakanya. Naikwento ko rin sakanya ang boyfriend kong si Drix at tuwang tuwa siya. Pinakita ko rin sakanya ang mga litrato namin ni Luna kaya buong araw siyang nakangiti. He really looks so happy.
Time went by at hindi namin namalayan na hapon na pala. Bumukas ang pinto at inaasahan kong nandito na si Luna. Tumayo si papa at hinihintay ang pagdating ng kapatid ko.
"Ate, bumili na ako ng ulam ta---" napatigil siya sa pagsasalita nang mapatingin sa gawi ko at sa katabi ko. Nanigas siya sa kinatatayuan niya habang nakatitig sa papa namin.
Lumapit ako sa pwesto niya at inakay siya papunta sa gawi ni papa. Kita kong naguguluhan ang kapatid ko sa nangyayari pero tumango lang ako sakanya at ngumiti.
"Luna, anak ko. Ang laki mo na," napaiyak nanaman si Papa at lumapit kay Luna at niyakap ito. Napangiti ako habang tinitignan sila. Luna look at me pero ngumiti lang ako sakanya, yumakap siya pabalik at umiyak.
Nag-iiyakan na kaming tatlo ngayon. Habang kumakain kami ay tawa lang kami ng tawa habang nagkukwentuhan. Parang walang nangyari dahil ang saya saya namin ngayon. Mom, kung nanonood ka ngayon sa amin, you must be really happy diba?
"Mahal na mahal ko kayo, mga anak ko."
________________________________________________________________________________________________.
YOU ARE READING
His Pleasurer
RomanceI grew up in a poor family, at first we were happy but as time went by, the joy disappeared. Artista ang papa ko pero nang sumikat siya ay tinalikuran niya kaming sarili niyang pamilya, wala siya nong kailangan namin siya. May sakit ang kapatid kon...