"Ate, five years na ang nakalipas mahal mo parin ba siya?" Tanong ni Luna habang buhat buhat si Francine na natutulog. Ako naman ay buhat buhat ko si France na natutulog din.Limang taon na ang nakalipas at malaki na ang mga anak ko. Isang babae at isang lalaki, sina Francine Rianna at France Yukiro. Kamukhang kamukha ni France ang papa niya kaya palagi kong naaalala sa anak ko si Drix. Si Francine naman ay namana ang mata at dimples sa papa niya. Kahit anong pilit kong kalimutan si Drix ay hindi ko magawa gayong kamukhang kamukha niya ang mga bata.
"Mahal ko pa siya pero hindi na katulad ng dati." Sagot ko sa tanong niya.
"Ipasok na natin ang kambal sa kwarto ko para makatulog sila ng maayos." Mahinang sabi ko dahil baka magising ang dalawa.
Nagpaalam na sakin si Luna na matutulog na raw siya. Sinara ko na ang pinto at pumunta sa kama kung saan natutulog ang dalawa kong anak. Kinuha ko ang kumot at nilagay sakanila, magkayakap ang dalawa kaya malaki ang ngiti ko sa mukha.
Sa loob ng limang taon ay maraming nabago sa buhay ko. Mayroon na akong sariling pastry shop dahil sa tulong ni Papa, natutupad ko na ang pangarap ko sa pag ba-bake. Lumipat din si Ethan dito sa Canada at nagpatayo ng bahay sa katabi nitong bahay namin. Walang tigil niyang pinapatunayan ang pagmamahal niya sakin pero kahit anong gawin ko ay hindi ko masuklian ang nararamdaman niya. I only see him as my friend and brother, nothing more, nothing less.
Humiga na ako sa kama, nasa gitna si Francine na nakatalikod sa akin at nakayakap sa kambal niya. Si France ang tumayong kuya para sakanilang dalawa dahil siya ang unang lumabas sa sinapupunan ko. Nakakatuwa pa dahil ang araw na pinanganak ko sila ay ang araw kung kelan naging kami ni Drix noon. Kinuha ko ang cellphone ko dahil hindi pa naman ako inaantok. 12 hours ang time difference sa Pilipinas kaya umaga pa ngayon doon. Hindi ko narin binubuksan ang fan account na ginawa ko noon para kay Drix dahil mas tinuon ko ang pansin at atensyon ko sa mga anak ko at sa sarili ko.
Napagdesisyonan ko na buksan ulit ang account na iyon at biglang bumalik sa akin ang mga ala-ala nong nagpapapansin ako sakanya sa mga comments. May halong sakit at saya ang nararamdaman ko ngayon habang binabasa ko ang mga replies at comments niya dati. I stalked his account once again at nagulat nang may panibago siyang dating issue. My brows furrowed dahil sa pangalan na nasa article.
'Hot issue!! A famous model Zoey Ashin Vida is dating the famous idol Drix Taylor? A fan saw them hugging each other after the Gold 7 concert. This photo was taken of their fan. For more information, follow our social medias account.'
May litrato ni Drix at Zoey na nakayakap sa isa't isa. Dali dali kong binuksan ang messenger ko at nagbabasa ng mga chats nila sa gc namin.
Ashtrielle: Gago HAHAHAHAHAHAHA may dating issue kayo ni Drix, Zoey
Chloe: lol HAHAHAHA
Nyx: Napaka issue ng mga fans niyo HAHAHAHAHAHAHA kanina pa kami natatawa ni Vaughn dito habang nagbabasa sa mga comments nila
Aria: Magjowa pala kayo eh HAHAHAHA
Zoey: What the hell?! Kakagising ko lang at ang dami ng mga calls from other agencies asking about the rumor. Even my manager was angry because of the rumor, they didn't know that me and Drix we're actually cousins.
Tia: R u going to clear your name?
Zoey: no HAHAHAHA I'm with Drix right now and we we're laughing because of the nonsense rumor spreading. He told me that paninindigan daw namin yung issue at hayaang mag overthink ang mga fans namin, his mindset is really childish.
Alaina: Si Sol kanina pa seen ng seen, Sol wag kang magseselos kay Zoey at Drix ha magpinsan ang dalawang yan.
Natawa na lamang ako dahil sa mga pinagsasabi nila sa group chat namin. Nagkamustahan pa kami at nauna na akong magpaalam sa kanila dahil inaantok nadin ako.
"Mommy, wakey wakey." Naging ako dahil sa boses naiyon. Minulat ko ang mata at mukha ni Francine ang bumungad sa akin, katabi niya ay ang kapatid nitong si France.
Ang ganda ng umaga ko sa tuwing kayong dalawa ang nakikita ko.
"Hmm?"
"Today is our first day of school, we don't wanna be late, Mom." Mahina akong natawa dahil sa sinabi ni France. Niyakap ko silang dalawa at niyakap nila ako pabalik.
Tumayo na ako at naghahanda ng mga gamit nila para sa school. I promised to them na ako ang maghahatid sa kanila sa first day of school nila at didiretso ako sa shop ko. Sabay na silang dalawa na pumasok sa bathroom para maligo. Umupo lang ako dito sa sofa sa kwarto namin at hinihintay silang lumabas para mabihisan ko na.
Mayroon silang sariling kwarto pero mas gusto nilang dito matutulog sa tabi ko. Wala namang problema sa akin 'yon at gusto ko rin na katabi matulog ang dalawa kong anak. Bumukas ang pinto ng cr at lumabas una si Francine na suot suot ang bathrobe niya ay sumunod ay si France. Si Francine ang inuna kong suotan ng uniform at matapos ay si France naman.
"Good morning, babies! Kumain na kayo dito, I cooked your favorite ulam." Pagbungad ni Luna sa mga bata at niyakap at hinalikan naman siya nito.
"Good morning, Tita Luna." Sabay na bati ng dalawa.
"What about your lolo? Where's my hug and kiss?" Si papa iyon na kakadating lang din sa kusina kaya patakbong lumapit sakanya ang kambal at niyakap at hinalikan ito sa pisnge.
Sabay sabay kaming kumain at napupuno ng tawanan dahil sa kakulitan ng dalawa kong anak. Manang mana talaga sila sa papa nila. Nakangiti kong pinagmasdan si France na sinusubuan ang kapatid niya, ang cute nilang tignan. Kahit wala ang papa nila sa tabi nila ay masaya ako dahil napalaki ko silang dalawa ng maayos.
Nasa kotse kami ngayon at nasa likod ang dalawa habang ako ay nagda-drive. Naglalaro at nagkukulitan silang dalawa sa likod kaya habang nag da-drive ako ay hindi mapawi ang ngiti ko sa mukha.
"Mommy?" Tawag ni Francine sa atensyon ko. Tumingin ako saglit sa kanya sa salamin bago sumagot.
"Yes, baby?"
"When can we meet, Daddy?"
Natigilan ako dahil sa tanong ng anak ko. Matagal ako bago nakasagot sa tanong nito dahil hindi ko alam ang isasagot. Palagi silang nagtatanong tungkol sa daddy nila at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga tanong nila.
"I told you already, your daddy is busy. He's busy achieving his dreams so let's not bother him muna ha? Let's support your daddy and you can meet him when he's not busy." Iyan palagi ang sinasabi ko sakanila.
"I can't wait to meet daddy." Masayang sabi ni Francine.
"Is he nice, mommy?" Tanong muli ni France.
Tumango ako, "Your daddy is very nice. He loves you both so much so he's doing his best to achieve his dream so you can be proud of him. Daddy is cool, right?"
Kita ko sa salamin na masayang tumango ang mga anak ko. Ang anak namin.
________________________________________________________________________________________________.
YOU ARE READING
His Pleasurer
RomanceI grew up in a poor family, at first we were happy but as time went by, the joy disappeared. Artista ang papa ko pero nang sumikat siya ay tinalikuran niya kaming sarili niyang pamilya, wala siya nong kailangan namin siya. May sakit ang kapatid kon...