Chapter 20

4.2K 80 1
                                    


Warning.

Drix POV

"Ang saya mo Drix ah?" Tanong ni Jack nang makalapit sa pwesto ko. Nandito kami ngayon sa studio at nag papractice ng sayaw. Para mamaya ay makapag film na ng dance practice video para sa bagong album namin.

Sinong di sasaya eh makikita ko na bukas si Sol. Siguro nasa plane na sila ngayon.

"Wala lang, namomotivate lang ako. Tagal naman matapos ng araw nato." Gusto ko na makita si Sol. Hindi na ako makapag pigil pa na bukas pa kami magkikita.

Water break muna kami ngayon dahil kapag bumalik na si Kai ay magsisimula na ang pagfi-film para sa dance practice video na iuupload sa youtube. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa at nag text kay Sol.

My Girlfriend❤️

Drix: Nasa studio ako atm, imisyou love.

Drix: Text me when you get home.

Drix: I love you, babe.

Wala akong natanggap na reply, siguro natutulog to. Hintayin ko nalang mamaya.

"Gago sino yang My Girlfriend? May jowa kana Drix?!" Napaiktad ako nang marinig ko si David sa likod ko. Nasa likod ko pala si David, Gab, at Aiden!

Nang marinig ng iba ang sinabi ni David ay patakbo silang pumunta sa gawi ko at hinihintay ang pagpapaliwanag ko. Si Kai lang ang wala dito ngayon at mukhang malalagot ako nito!

"A-ah ano p-pinsan ko yon, oo pinsan ko." Pagsisinungaling ko pero hindi sila naniwala.

"Ulol may pa I love you babe ka pa tapos pa update tapos may heart pa, pinsan yon? Mapagmahal ka pala sa pinsan?" Sarkastikong sabi ni Ace kaya wala akong choice kundi ang sabihin sa kanila ang totoo.

I sighed in defeat, "Okay, I have a girlfriend. Actually, kakasimula pa lang namin. Niligawan ko siya ng dalawang buwan, hindi ko naman sinasadya na itago to sainyo." Pag amin ko at tinignan ko sila isa isa at halata ang gulat sakanila.

"2 months. So, matagal na pala kayong magkakilala? Bakit ni minsan ay hindi mo manlang sinabi sa amin?" Tanong ni Jack.

"Sa tuwing may lakad ka, siya ba ang kasama mo?" Tanong ni David at tumango naman ako.

"Alam bato ng manager mo?" Umiling ulit ako sa tanong ni Ace.

"Siya ba yong nasa wallpaper mo, Drix?" Tanong naman ni Gab kaya tumango ako.

Tinignan ko si Aiden pero nakatingin lang siya sa akin, seryoso siyang nakatingin sa akin. Galit ba siya? Sa kanilang anim ay si Aiden ang pinaka malapit sa akin dahil siya ang una kong naging kaibigan bago sila. Naiintindihan ko kung nagtampo siya dahil hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol dito.

"Anong ginagawa niyo jan? Magsisimula na." Boses iyon ni Kai na kakabalik lang at kasama na niya ang videographer at yung iba pang assistants.

Tumayo na kaming anim at pumunta na sa kanya kanya naming puwesto para makapag shoot na ng video. Hanggang sa matapos kami dito ay hindi ako pinapansin ni Aiden, maging sa pauwi sa dorm namin. Room mates kaming dalawa kaya nang makapasok kami sa kwarto ay agad ko siyang nilapitan.

"Aiden," sabi ko pero hindi siya nakatingin sa akin.

"Galit ka ba?" Tanong ko ulit pero hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa paglalakad papunta sa kama niya para mahiga. Umupo ako sa dulo ng kama niya.

"Uy, kausapin mo naman ako den. Sorry na kung hindi ko sinabi sainyo na may girlfriend na ako, hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin eh." This time ay tumingin na siya sa akin. Umupo siya at nakipag titigan sa akin.

His PleasurerWhere stories live. Discover now