Chapter 31

5.6K 94 0
                                    


After the talk I had with the twins, many things have changed. Mas lalo na nilang binabanggit ang daddy nila at palagi nila akong tinatanong kung paano magmahal ang daddy nila.

Masakit mahalin ang daddy niyo.

Nandito kaming tatlo sa kwarto at nandito ako sa gitna nilang dalawa. Nakapatong ang ulo nila sa magkabilang braso ko at nakayakap sa akin.

"Mommy, do you think daddy will love us?" Tanong ni Francine.

I don't know. Natatakot din ako dahil baka kapag nakita na ni Drix ang mga bata ay hindi niya tatanggapin ito. Natatakot ako na sa mangyayari dahil alam kong masasaktan ang mga anak ko, ang mga
anak namin. Pero sana mamahalin niya ang mga bata. Kahit ang mga bata nalang, wag na ako. Para sa ikakasaya ng dalawa ay handa akong gawin lahat.

"He will. Daddy will love you both."

I heard her giggle that makes me smile. "Daddy is really pogi. I saw his pictures on your phone, mommy. He looks like kuya France."

Napatawa naman ako. Hindi ko binura ang mga litrato namin ni Drix sa cellphone ko dahil iyon na lamang ang meron ako. Alam ng mga bata ang tungkol kay Drix, pati ang trabaho nito. Palagi nilang pinanonood ang daddy nila sa ipad. Lahat ng kanta ng Gold 7 ay kabisado na ata ng mga anak ko, lalong lalo na ang parts ni Drix.

Sa mga nagdaang araw ay palaging nandito si Ethan sa bahay namin para bisitahin ang mga bata. Palagi niyang binibilhan ng mga laruan at mga gusto nila. Masaya ang mga bata sa kaniya pero sa tuwing binabanggit na ang daddy nila ay palagi silang umiiyak. Nais ni Ethan na siya ang tumayong tatay ng mga anak ko pero ayaw nila. Naaalala ko nong isang araw ang sinabi ni France kay Ethan.

"Don't give us gifts if you only want to replace our daddy. We don't want you to be our daddy. No one can replace him so if this is your way to win us then stop it, Tito. We only want our daddy not you."

Alam kong nasaktan si Ethan sa sinabi ng anak ko pero hindi ko mapigilan ang humanga. Sa ganitong murang edad ng anak ko ay napaka mature na niyang mag-isip. May parte sa akin na nasasaktan para kay Ethan dahil ginawa niya lahat para sa mga anak ko pero puro masasakit na salita lang ang natatanggap niya sa mga bata.

Naiintindihan ko ang punto ng mga anak ko at kung ako ang pipiliin ay mas sang-ayon ako sa punto ni France. Hindi naman sa ayaw ko kay Ethan pero hindi ko ata matatanggap kung sakaling siya ang tatayong ama sakanila. Medyo ilang padin ako sakaniya.

Hindi ko akalain na ang bilis ng araw. Ngayon ang graduation day ng mga anak ko at ayaw nilang dalawa na maghanda kami pero mag bo-book kami ng flight papuntang Pilipinas. Ilang taon na rin nang huli kong punta sa Pilipinas. Aaminin kong hindi pa ako handang makita ulit si Drix at hindi ko ata kakayanin. Mahal ko parin siya pero ang labo na. May award ang dalawa kong anak kaya masayang masaya ako, top 1 sila pareho.

"Mommy, look oh! My brother and I have many awards. Daddy will be happy, right mommy?" Excited na sabi ni Francine habang tumatalon pa. Natatawa naman akong pinanood ang anak kaya lumuhod ako para magpantay kami.

"Mommy is very proud of you both. Congratulations babies." Saad ko at niyakap ang dalawa. Tinignan ko sina Luna at Papa na nakangiting nakatingin sa aming tatlo.

"What do you want to eat? Let's eat sa Mcdo?" Tanong ni Luna sa mga bata na agad naman pumayag.

Kotse ni Papa ang gamit namin ngayon papuntang Mcdo. Si Luna ang nasa harap at ako ay nandito sa likod katabi ng mga anak ko. Habang nasa byahe ay panay ang kwentuhan at kulitan ng kapatid ko at si Francine habang si France ay tahimik lang dito sa tabi ko.

"Are you okay, baby?" Tanong ko sa anak ko. Ngumiti naman siya at tumango.

"I'm just happy, mommy. I hope daddy is here so we can celebrate our achievements with him." May bahid na lungkot na sabi ng anak ko.

"You'll see daddy soon. Tomorrow is our flight papuntang Philippines so you can finally meet daddy." Pagpapagaan ko sa loob niya kaya ngumiti siya sa akin.

Bukas ang flight namin papuntang Pilipinas dahil excited na excited ang mga bata. Sabik na sabik na talaga silang makita ang daddy nila samantalang ako ay kinakabahan sa mangyayari. Kumain kami sa Mcdo para i celebrate ang achievements ng mga anak ko. Pumunta rin kami sa Mall para bumili ng mga gusto nilang bilhin, ang inaakala kong laruan ang bibilhin nila ay sa mga damit kami tumungo.

"Mommy, lets buy daddy a shirt." Sabi ng dalawa. Nagkatinginan kami ni Luna pero tumango lang siya at tipid na ngumiti sa akin, nauna na silang pumasok sa loob at namili ng mga damit na ibibigay daw sa daddy nila. Wala naman akong magawa dahil iyon ang gusto nila.

Hinabilin ko na pala kay Jessi pansamantala ang shop ko. Habang wala ako ay siya ang magpapatakbo non. Kaibigan ko si Jessi dito sa Canada at trustworthy naman iyon kaya hindi na ako nag-aalala pa. Alam ko naman na kaya niyang ihandle ang shop ko habang wala ako. Nang makauwi kami sa bahay ay tulog na ang dalawa kay nakisuyo ako kay Luna na buhatin si Francine papasok sa kwarto ko dahil akay akay ko rin si France.

Nang nakahiga na ang dalawa sa kama ay nagpa-alam na si Luna sa akin na matutulog na siya dahil maaga pa ang flight namin bukas. Naka impake na kami ng mga gamit kahapon pa dahil nga hindi na makapag hintay pa ang mga bata na makita ang ama nila. Kumuha ako ng kumot at kinumutan silang dalawa. Inaantok nadin ako kaya pinatay ko na ang ilaw at humiga na sa tabi ng mga anak ko.

"Mommy, wake up. We will miss our flight." Napaunat ako dahil sa boses na narinig ko. Nakapikit pa ang mga mata ko dahil inaantok pa ako. Nakaramdam ako ng mahihinang tapik sa pisngi ko at sa may bandang pwet ko.

"Mommy wake up na. We will meet daddy today, baka ma late tayo mommy. Gising kana po." Tinakpan ko ang mga mata ko nang biglang bumukas ang mga ilaw. Kinusot kusot ko pa ang mata at nakita ang anak kong lalaki sa tabi ng switch ng ilaw at ang babaeng anak ko ay nandito sa harap ko na nakapamaywang pa.

Ang kakulitan nilang dalawa ay namana sa daddy nila, lalong lalo na itong si Francine.

"Mommy, it's your time to take a shower. Go na po, we will be waiting here." Utos ng anak ko kaya napatawa na lamang ako dahil sa kakyutan niya. Lumapit sa amin si France kaya niyakap ko silang dalawa at hinalikan sa buhok.

Pumasok na ako sa cr dahil baka pagalitan nanaman ako ng mga anak ko. Hayy, bakit ang bilis niyong lumaki? Parang kailan lang akay akay ko pa kayo. Maaga nga ang flight namin dahil 12hours ang byahe pero dahil ang private jet ni papa ang gagamitin namin ngayon ay baka mas maaga pa ang dating namin. Hindi nga pala makakasama si Papa sa amin papuntang Pilipinas dahil may schedule siya papuntang Japan sa makalawa. Ako, si Luna, at ang mga anak ko lang ang makauwi sa Pilipinas. Hindi kami mananatili dito, 2 months stay lang kami tapos babalik nanaman sa Canada.

Buong byahe ay natutulog ang mga bata habang ako ay hindi na mapakali dahil papalapit nang papalapit ang araw na maaari kaming magkita muli. Sa limang taon na lumipas ay makikita ko uli siya ng harapan. I did some background check and found out that Gold 7 is here in Philippines and will be having a concert sa saturday and sunday. Bumili ako ng tickets nang malaman ko iyon dahil dadalhin ko ang mga anak ko sa mismong concert ni Drix, ang daddy nila.

This will be my first time attending his concert. Not as his girlfriend but his one supporter.

________________________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now