Chapter 30

5.8K 92 0
                                    


"Maam Sol, may naghihintay po sayo doon. Boyfriend niyo ba ma'am? May dalang bulaklak eh." Bungad agad ni Jessi pagkapasok ko sa shop ko. Mga pinoy din ang mga nagtatrabaho dito sa shop ko kaya hindi ko na kailangan pang mag-english. Ako lamang ang taga bake, may assistant naman ako para mabilis.

Tumingin ako sa gawi kung saan niya itinuro ang lalaking naghihintay daw sa akin. Hindi na ako nagulat nang nakita ko si Ethan na may dalang bulaklak at kumakaway kaway sa akin. Malapad ang ngiti niya habang naglalakad ako sa gawi niya.

"What is this for?" Tanong ko nang makalapit sakanya. Inabot niya sakin ang dalang bulaklak at tinanggap ko naman ito.

"Nothing. I just want to give this flower to the beautiful lady I've known." Pagbanat nito kaya tumawa nalang ako.

Nagpaalam na muna ako sakanya dahil may gawain pa ako. Maraming dumadayo rito sa shop ko at talagang nagugustuhan nila ang mga pastry ko. Pwede rin dito ang group study dahil tahimik at meron din kaming mga libro dito na pwedeng basahin ng lahat. Maliban sa pastry ay may mga coffee rin kami dito at sikat itong shop ko dito sa canada. Naaalala ko noon na kakabukas palang ng shop ay marami na agad ang bumili.

Marami pang naka display kaya hindi gaano masyadong marami ang gawain ko ngayon. Pagkalabas ko sa kitchen ay nandito parin si Ethan at hinihintay ako. Nagpaalam na ako kay Jessi na aalis na dahil may usapan kami ni Ethan ngayon na mamasyal. Lumapit ako sakanya at ngumiti nang tumingin siya sakin.

"Let's go." Aya ko.

"Tapos kana ba? You're free now?"

I nodded, "Yes. Wala naman masyadong gawain dito at nandito naman sila, let's go?" Tumango rin siya at umalis na kaming dalawa sa shop.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako sa loob. Pagpasok niya sa loob ay tumingin siya sakin ng matagal.

"B-bakit?" Naiilang kong tanong dahil nakakailang ang pagtitig niya sakin. Walang salita siyang lumapit sakin kaya nahugot ko ang aking hininga dahil sa gulat.

Sobrang lapit ng mukha naming dalawa!

"Seatbelt." Sabi niya at isinuot sakin ang seatbelt bago umayos ng upo at sinuot ang seatbelt niya.

"Kaya ko naman yon. You don't have to do that." Sabi ko nang makabawi sa gulat. Tumawa lang siya at nagsimula nang mag drive.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya sa bintana lang ako nakatingin. Sa loob ng limang taon ay siya ang karamay ko, siya ang tumulong sakin sa mga bata, at siya ang nandoon noong ako ay nanganganak. Siya ang nandito na dapat si Drix ang kasama ko.

Huminto ang sasakyan sa harap ng dagat kaya agad akong napangiti. I love sea. Siya ang naunang bumaba at pinagbuksan ng pinto. Agad akong tumakbo papunta sa dagat at napapikit dahil sa lamig ng hangin. Ang saya sa pakiramdam ng tunog ng alon ng dagat. Napapawi lahat ng problema ko sa tuwing tumingin ako sa dagat. Kay gandang tanawin.

Nasa tabi ko na pala si Ethan at nakangiti habang nakatingin sa akin. Ayon nanaman yung ilang na nararamdaman ko sa tuwing tumitingin siya sakin kaya peke akong umubo at umiwas ng tingin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nothing. I just find you adorable, ang ganda mo."

Mga salitang nais kong kay Drix ko lang maririnig. Word of affirmation of Ethan always makes me think of Drix. Miss na miss ko na siya. Kamusta na kaya siya? He's really successful now and I'm very proud of him. Naabot na niya ang kaniyang mga pangarap.

Hindi ko na lamang siya pinansin at kinuha ang cellphone ko para kumuha ng litrato. Halos mga pictures lang ng kambal at dagat ang nandito sa cellphone ko. Tinawag ako ng Ethan kaya napatingin ako sakanya, huli na dahil kinuhaan na niya ako ng litrato. Tawa siya ng tawa kaya tinatarayan ko nalang siya pero napapatawa nalang din dahil nakakadala ang tawa niya.

Kaming dalawa na ang susundo sa kambal. Nag stop lang kami sa Mcdo dahil alam kong gusto iyon ng mga bata. Tahimik lang kaming dalawa habang papunta sa school nina France at Francine. Pagdating namin sa paaralan ng kambal ay hindi pa sila lumalabas kaya nag hintay lang kami sa waiting area ni Ethan. Panay lang ang kwentuhan naminy dalawa habang hinihintay ang dalawa.

"Mommy!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon at agad na napangiti nang nakita ko si Francine na masayang tumatakbo papunta sa gawi namin. Nasa likod niya si France na sumusunod lang.

Sa kanilang dalawa ay si France ang napaka seryoso, hindi siya pala salita kumpara sa kapatid niya. My baby boy has this cold personality. Si Francine ang unang yumakap sa akin kaya niyakap ko siya pabalik, nang makalapit sa amin si France ay niyakap ko rin siya.

"Hi Tito Ethan." Masayang bati ni Francine kay Ethan kaya ngumiti ito at kinarga ang anak ko. Malapit ang loob ng mga bata kay Ethan dahil siya ang kasama nila nong baby pa sila, sa tuwing walang trabaho ito ay pinupuntahan niya noon ang mga bata sa bahay at binibilhan ng mga laruan.

"How's school, France?" Tanong ko sa anak ko at kinarga rin ito. He kissed my cheeks so I smiled.

"Everything's fine, Mommy. I'm a little bit tired, can we go now?" Tumango nalang ako at tumungo na sa sasakyan ni Ethan. Nasa passenger seat ako at ang dalawa naman ay nasa likod, kumakain ng Mcdo.

Tahimik na kumakain si France sa likod habang si Francine ay sumasayaw pa at sinasabayan ang music. Natatawa na lang akong nakatingin sakanilang dalawa, napatingin ako kay Ethan at tumatawa rin siya.

"Mommy." Tawag ni France.

"Yes baby?"

"My classmates is bullying me for not having a dad. When can we meet daddy po?" Nasaktan ako sa sinabi ng anak ko. Napatingin ako kay Ethan at halatang nagulat din siya.

"Who's bullying you, baby?"

Inosente niya akong tinignan at kung hindi ako nagkakamali ay nagbabadyang tumulo ang luha niya. Sa kanilang dalawa ay si France ang madalang umiyak kaya nasasaktan ako habang nakatingin sakaniya.

"When can we meet our daddy?" Hindi na napigilan ng anak ko at tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya kaya tumingin ako kay Ethan para manghingi ng tulong.

Saktong nasa tapat na kami ng bahay namin kaya tinanggal ni Ethan ang seatbelt niya at tumingin kay France na umiiyak na. Si Francine naman ay busy sa pagkain ng fries niya habang nakatingin sa kambal niyang umiiyak. Ang sakit sa tuwing makikita mong umiiyak ang anak mo. Akala ko sapat na ako para sakanila pero hindi parin pala. Hahanapin padin nila ang papa nila.

"Shushhh." Pagpapatahan ni Ethan sa bata, "If you want I can be your Daddy." Nakangiting sabi ni Ethan pero mas lalong lumakas ang iyak ng anak ko.

"You're not my daddy! I want daddy, I want him. Not you but him!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses ni France at lumabas ng sasakyan papasok sa bahay namin, sumunod naman sakaniya si Francine. Napatingin ako kay Ethan at halatang nasaktan siya sa sinabi ng anak ko.

Tumingin siya sakin para sabihin sakin na ayos lang. Nag sorry ako sakaniya at sinundan ang anak ko sa loob. Nasa kwarto siya at umiiyak habang si Francine ay pinapatahan ang kapatid niya. Lumapit ako sakanilang dalawa at niyakap silang dalawa.

"France baby, what you did earlier is bad. Hindi mo dapat sinabi iyon sa Tito Ethan niyo." Pangangaral ko sa anak ko.

"I don't want him, Mommy. I want daddy. I'm tired dealing with my classmates bullying me for not having a dad, please let us meet daddy." Umiiyak pading sabi niya. Hindi ko na mapigilan ang maiyak dahil sa sinabi ng anak ko. Niyakap ko siya at pinapatahan.

"Okay. Let's meet daddy, hmm? After your graduation we will meet daddy." Sabi ko at hinigpitan ang yakap sa anak ko. Ngumiti si Francine sa narinig at sumali sa yakapan namin.

Hindi ko alam kung tamang desisyon bato pero para sa mga anak ko ay gagawin ko.

________________________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now