Chapter 25

5.2K 91 0
                                    


Sol POV

Tahimik kami ni Drix dito sa loob ng sasakyan niya. Ngayon ang balak kong sabihin sakanya na buntis ako. Hindi ko na kaya ang katahimikan na namutawi sa aming dalawa kaya nagsalita ako.

"I have something to tell you."

"May sasabihin ako."

Nagkatinginan kaming dalawa dahil sabay kami nang sabihin iyon. "Sabay tayo?" Sabi ko at tumango siya.

"3." Pagbibilang ko.

"2."

"1."

"Let's break up." Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko natuloy ang sasabihin ko sana sakanya dahil sa gulat ko.

"W-what?" Naguguluhan kong tanong.

He took a deep breath and look at me, he... His eyes are emotionless, he's staring at me coldly. "Itigil na natin to, Sol. Let's end this. Ano yong sasabihin mo?"

I'm pregnant.

Umiling na lamang ako at hindi ko na mapigilan ang mapaiyak. He wants to end our relationship? Bakit? May nagawa ba ako?

"D-Drix, bakit? Bakit ka makikipag h-hiwalay sakin?" My voice broke and all I can do is cry. Bakit? Bakit naging ganito? Kung kelan sasabihin ko na sayo ang totoo, doon mo pa tinapos ang relasyon nating dalawa.

Hinawakan niya ang kamay ko at tumulo ang luha niya, "Pinapipili ako kung career ko ba o ikaw." Tinignan niya ako sa mata at kita ko ang pamumula nito, "Y-you know that becoming a idol is my dream, r-right? I've been dreaming about this ever since, I.. I don't want to stop now, malapit ko nang maabot eh. I'm so sorry if I can't fight for our relationship, Sol."

I kinda understand his reason. This is his dream after all pero there's a part of me na nalulungkot dahil in order to achieve his dream, kailangan niyang iwan ako.

"P-paano ako?" Yumuko siya at patuloy na umiiyak.

Paano kami ng magiging anak mo?

"Sorry, Sol. I'm so sorry."

All he can say is 'sorry'. I was expecting that he'll fight for us but I was wrong. He chose his career, his dreams. I should be happy for him, diba? I should support him.

Hinawakan ko ang pisngi niya at pilit siyang hinaharap sa akin. Mapait akong napangiti habang nakatitig sa mukha niyang basang basa ng mga luha, his eyes is bloodshot. I wiped his tears and smiled. Kailangan kong ngumiti kahit nadudurog na ang puso ko.

"Naiintindihan ko. Pangarap mo yan e, kaya susuportahan kita. Palagi mo lang iisipin na nandito ako para sumuporta sayo, I'll be your number one fan, okay? Chase your dreams, Drix. Dumiritso ka lang at wag na wag kanang lilingon pa sa akin dahil baka babawiin ko ang sinabi ko at ipagdamot kita. Always remember that I love you so much." Pinilit kong patatagin ang boses ko habang sinasabi ko iyon sakanya. Hindi matigil ang pag-agos ng luha sa mga mata niya kaya ngumiti ako at tumango.

"Aalis na ako but can I hug you for the last time?" Tanong ko at agad niya akong niyakap nang mahigpit. Hindi ko na mapigilan ang mapaluha habang yakap yakap ko siya. This is my last chance. I wiped my tears before letting him go.

"I won't look back because I might not able to walk out from your life. I love you to infinity and beyond." While saying those words I can't help to cry.

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan niya at lumabas. Gaya nga ng sabi ko at diret-diretso lang akong pumasok sa bahay nang hindi siya nililingon. Mabigat ang hakbang ko hanggang sa pagpasok ko sa kwarto ko. Hindi ko mapigilan na ang mapahagulgol sa sakit ng nararamdaman ko. Buong gabi akong umiiyak at parang waterfalls ang mga mata ko dahil hindi siya napapagod sa pag-agos.

This is the end of us.

Napahawak ako sa tiyan ko at patuloy na umiiyak.

"Sorry baby, wag muna natin guluhin ang daddy niyo ah? He's busy pursuing his career. Let's just support your daddy, okay?" Pagkausap ko sa anak ko at hinihimas ang maliit kong tiyan.

Buong magdamag akong umiyak hanggang sa mapagod ang mga mata ko. Pagod na pagod ako. Tanghali na ako nagising at mabuti na lamang at hindi ako ginising ni Luna, may pasok siya ngayon kaya mag-isa nanaman ako sa bahay. Pagod na pagod ang katawan ko at masakit ang mata ko kakaiyak kagabi. Tinignan ko ang sarili sa salamin at para akong binagsakan ng lupa dahil sa hitsura ko.

Habang naliligo ako ay hindi ko nanaman mapigilan ang maiyak dahil naaalala ko ang nangyari kagabi. Bumabalik sa akin ang mga ala-ala na kasama ko si Drix. Panandalian lang talaga ang saya dahil pagkatapos nito ay sakit na ang sasalubong sayo. Masakit ang ulo ko pero pinipilit ko parin na tumungo sa kusina para kumain. I have to eat dahil buntis ako.

Wala pang alam ang mga kaibigan ko na buntis ako. Tanging ang pamilya ko pa lamang ang nakaka-alam. Habang kumakain ako ay hindi ko mapigilan ang isipin si Drix. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Umiiyak din ba siya gaya ko? Nagluluksa rin ba siya? O baka nasa ibang bansa nanaman siya para sa panibagong performance nanaman nila. Umiling ako nang umiling para mawala siya sa isipan ko. The more I think about him, the more my heart hurts. Bawal sa akin ang ma stress dahil nakakasama iyon sa anak ko.

Napatingin ako sa labas nang may paulit ulit na kumakatok at pinipindot ang doorbell. Kahit nanghihina ay tumayo parin ako para pagbuksan ito. I was hoping to see Drix and tell me that he regret his decision but I saw Ethan standing while holding a bouquet of flowers. My smile disappear because of disappointment. Napahawak ako sa doorknob nang bigla akong nahilo, ang sakit ng ulo ko. Bago paman ako mawalan ng malay ay may sumalo sa akin at tuluyan nang nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako dahil sa hindi pamilyar na kisame. Nilibot ko ang tingin sa buong kwarto at nakita ko si Ethan na kausap ang doctor.

"How is she, doc?" Rinig kong tanong ni Ethan.

"She's not okay. She's stressed and she lose weight, it is not healthy for her especially that she's pregnant. Once she wake up, tell her to take the vitamins and medicines I gave her at huwang siya masyadong magpa-stress. Maiwan na muna kita." Umalis na ang doctor kaya nagpasalamat naman si Ethan sakanya. Lumapit siya sa gawi ko kaya pinikit ko ang mata para magpanggap na tulog.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita, "You're pregnant? How come I didn't know about this. You must really love that guy, huh? But, I won't let you go. I'm not gonna stop and let him have you. I want you. I like you. I love you. I'll prove myself to you that I'm better than that boyfriend of yours." Hinayaan ko lang siya sa mga pinagsasabi niya dahil wala naman akong paki-alam. Bahala na kung anong mangyari.

I can't love you, Ethan. Kahit wala na kami ni Drix ay siya parin ang pipiliin ko sa bawat araw at wala sa plano ko ang magmahal ng sino man kung hindi siya. Tanging siya at ang magiging anak lang namin ang mamahalin ko, wala ng iba.

I won't love you.

________________________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now