Chapter 11

4.2K 80 2
                                    

Simula nong pag-uusap namin ni Drix ay palagi na akong may natatanggap na bulaklak at mga chocolates na pinapadeliver dito sa bahay namin. May mga handwritten letters pa, I kept those letters sa isang box. Ang mga chocolates naman ay nasa refrigerator at ang mga bulaklak ay nilagay ko sa vase. Hindi lang din yon ang mga natatanggap ko galing sakanya, paminsan minsan ay may mga deliveries dito na groceries.

"Ate grabe pala manligaw si kuya Drix, sinisigurado talaga na hindi ka magugutom eh." Sambit pa ni Luna.

Puno na ang kusina namin ng mga groceries dahil kay Drix. Naging hectic ang schedule niya matapos nong pagkikita namin dahil may bago silang album na ginagawa ngayon. Kahit na busy siya ay gumagawa pa rin siya ng paraan para magkita kaming dalawa o magkausap.

Tumatakas pa siya tuwing gabi sa dorm nila para puntahan ako dito sa bahay. Sinasabi ko sa kaniya na kung kelan siya free ay kikitain niya nalang ako dahil alam kong galing siya trabaho at kailangan niya ng pahinga pero paulit ulit lang ang sagot niya.

"Ikaw yong pahinga ko eh."

Alas otso na nang gabi nang may marinig akong katok sa labas. Nagkatinginan kami ni Luna at ako na mismo ang lumapit sa pinto, sinilip ko muna kung sino iyon at nang makitang si Drix iyon na nakasuot ng makapal na jacket at itim na kalo ay binuksan ko agad ang pinto at pinapasok siya. Ganito ang routine niya palagi.

"Tigas talaga ng ulo mo, sabi ko naman diba na magpahinga ka. May free time ka naman at palagi naman tayo magkausap sa telepono, nag abala ka pang pumunta dito." Bungad ko agad sakanya.

Napasimangot naman siya na parang bata at ngumuso pa, "Pagod ako galing trabaho pero dahil nandito kana sa harap ko parang bumabalik na energy ko." Ngumiti pa siya sa akin na parang nagpapacute.

Napairap na lamang ako at sinara na ang pinto at sumunod sa kaniya patungo sa living room kung nasaan si Luna na nanonood nanaman ng korean dramas.

"Hi Luna!" Masayang bati ni Drix sa kapatid ko at umupo pa sa tabi nito, ganoon din naman ang ginawa ko.

Agad na napangiti si Luna, "Hi kuya Drix. May kwento ako sayo, kuya"

"Ano yon?" Naeexcite na tanong ni Drix.

Nagkakasundo talaga silang dalawa sa mga kalokohan. Tumayo na lamang ako at tumungo sa kusina para kumuha ng cookies na binake ko kanina at juice. Magaling din akong mag bake dahil iyon talaga ang pangarap ko simula palang pero hindi ko pinursue dahil gipit kami non.

Pagbalik ko sa living room ay nagtatawanan na ang dalawa na parang may nakakatawa silang pinag-uusapan. Nilapag ko sa lamesa ang pagkain na dala dala ko at napatingin sa gawi nilang dalawa, agad napakunot noo ako nang makita ko kung ano ang tinitignan nilang dalawa.

HAYOP YUNG MGA BABY PICTURES KO!

"LUNA!" Saway ko sakanya at binawi ang album na hawak hawak niya, nakangiti pa siyang tinignan ako na halatang inaasar ako.

"Bakit? Natutuwa si kuya Drix sa mga baby pictures mo, akin na yan" nagpipigil pa siya ng tawa habang sinasabi yon.

Si Drix naman ang tinignan ko at nagkatingin lang siya sa akin na may ngiti sa mga labi. Something is off.

"Anong kinuwento mo sa kanya, Luna?" Pag-uusisa ko.

"Kinuwento ko yung naihi ka nong bata ka dahil takot ka sa manok nong nasa bahay tayo ni lola!" Tawang tawa ang kapatid ko habang sinasabi niya yon.

Napanganga ako dahil sa kahihiyan na dinulot ng mabuti kong kapatid! "Ano pa?" Tanong ko muli.

Si Drix na ang sumagot, "Naikwento rin ni Luna na kinuha mo yung poster ko sa isang convenience store noon tapos tinabi po pa daw matulog," natatawa siya habang sinasabi iyon bago nagpatuloy, "Kinikiss mo daw yon tuwing gabi. Ikaw Sol ha, obsessed ka pala sakin."

WHAT THE FREAKING HELL!!

"LUNAAA!" Hinabol ko ang kapatid ko na kanina pa tawa nang tawa, mabilis siyang tumakbo at agad na pumasok sa kwarto niya at nilock iyon.

"Ate i love you so much, mwaaa!" Rinig kong sigaw niya kaya nakanguso akong bumalik sa living room dahil naiwan don si Drix.

Nahihiya akong harapin si Drix dahil sa mga kinukwento ni Luna sa kanya! Napaka daldal talaga non, stapler ko kaya bibig non. For Pete's sake that was years ago! Hindi ko na nga maalala na ginawa ko yon eh!

"Sol," nagpipigil siya ng tawa habang tinatawag ako.

Nakaupo lang ako sa tabi niya at hindi nagsasalita, nahihiya ako! Nilaglag ako ng sarili kong kapatid!

"Uy Sol, galit ka ba? Yon lang naman naikwento niya sakin, wala ng iba promise."

"Hindi totoo yung sinabi ni Luna kanina na hinahalikan ko yung poster mo. Hindi ko na nga maalala na ginawa ko yon eh, atsaka hindi ako obsessed no!" Depensa ko pa habang hindi nakatingin sa kaniya dahil alam kung namumula ako ngayon.

Narinig ko ang malakas na tawa niya kaya nilingon ko siya at tiningnan ng masama, "Napaka defensive mo naman, miss maam, hahaha! Mas nagiging cute ka eh."

"Akin na to Sol ah," pinakita niya sa akin ang isang baby picture ko na kumakain ng ice cream at ang dungis dungis ko! May mga matino naman akong pictures dito bakit yan pa?!

"Wag yan!"

"Ihh ito gusto ko eh,"

"Madami naman akong baby picture na mas matino jan, bibigyan nalang kita."

"Ayaw. Ang cute mo dito eh, ikekeep ko to ha. Lagay ko sa wallet ko, lucky charm."

"Insulto ba yan?" Inis na sabi ko at tumawa naman siya.

"Ay ayaw maniwala oh. You look cute here, it's not an insult, it's a compliment."

Nag stay pa dito ng ilang hour si Drix at nang mag 11pm na ay nagpa alam na siya sa akin na babalik na sa dorm nila. Puro lang kami asaran pero ako yung palaging pikon. Sinara ko na ang pinto at sinigurado kong nakalock iyon bago ko pinatay ang ang ilaw at pumasok na sa kwarto ko.

Nag hilamos muna ako bago nahiga sa kama, nakatanggap ako ng isang text message galing kay Drix kaya napangiti ako.

Riri: Goodnight, Sol. Sleep tight, sana sa panaginip natin sinagot mo na ako. Haha kidding, see you tomorrow!

Right. Wala siyang gagawin bukas kaya naisipan niyang mag picnic kaming dalawa, inaya ko pa kanina sa Luna pero ayaw niya dahil date daw namin to ni Drix. Pupunta daw siya kina Ashtrielle at makikipag laro kay Ellie.

Me: Good night. See you tomorrow♡

Riri: O_O may pa heart? Mahal mo na ako Sol?

Oo.

Me: Baliw. Matulog kana.

Riri: Sige na nga, good night na talaga.

Natawa na lamang ako at inoff na ang cellphone. Nag set ako ng alarm dahil baka ma late ako ng gising bukas. 9 am niya daw ako susunduin dito eh.

Maaga akong nagising at nag ayos na ng sarili. 7 palang ay gising na ako. Alas otso pa naman kaya lumabas na ako sa kwarto ko para kumain ng almusal, hindi ko nakita si Luna siguro tulog pa. Naka floral dress lang ako ngayon at flat sandal, binili ko to nong pumunta kami ni Luna sa dibesorya para mamili ng uniform niya at bumili na lang din ako ng akin. Nagluto ako ng pang-agahan at sakto naman na may bacon dito, binili ni Drix.

Nagluto lang ako ng bacon at tocino, sakto para sa amin dalawa ni Luna. Hindi ko na muna siya gigisingin at mauna na kumain, titirhan ko na lamang siya. Matapos kong kumain ay naghugas ako ng pinggan bago bumalik sa kwarto ko para mag ayos na, may narinig akong nag doorbell kaya kinuha ko na ang bag ko at dali daling binuksan ang pinto. Napangiti agad ako nang makita ko si Drix na nakasuot ng pants at simpleng polo tshirt, hindi rin nawawala ang suot niyang cap at mask. Mahirap na at magka issue pa siya.

"Good morning, Sol. Tara na?" Bati niya agad sa akin na may ngiti sa labi.

Ngumiti rin ako pabalik, "Good morning, let's go." Sinara ko muna ang pinto at bago humarap sakanya.

Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako sa passenger seat at hinintay siyang maupo sa driver seat. Sinuot ko ang seatbelt ko at ganoon din siya.

"You look so beautiful, as always."

___________________________________________________________________________________________________.

His PleasurerWhere stories live. Discover now