Epilogue

8K 149 15
                                    


Sol. Three simple letters that describes the most beautiful woman in this universe. She has the most mesmerizing pairs of brown eyes that I could stare at for hours.

Her lips being so soft and smooth and a beautiful shade of soft pink. Her brown hair that flew smoothly through the wind. She's so beautiful but I love her amazing and curious personality, her hilarious humor, her interesting mindset. I could describe her in many ways.

Nandito kaming dalawa ni Sol sa secret house ko. Kung saan nandito lahat ng ala-ala naming dalawa. Nakaupo kami sa favorite spot namin dito sa bahay, kitang kita dito ang papalubog na araw. Ngayon ang araw na balak kong mag po-prose sakaniya. Ngayon din iyong araw kung kelan niya ako sinagot noon na maging boyfriend niya, same place, same time.

Nang papalubog na ang araw ay kinuha ko ang kamay ni Sol para siya ay itayo. Nilagay ko ang kaniyang kamay sa aking batok habang ang mga kamay ko ay nasa bewang niya. Nakangiti siya sa akin habang sinasayaw ko siya sa hangin, walang salita ang namutawi sa aming dalawa at dinadama lang ang hangin na dumadapo sa aming mga balat.

Nasa bulsa ko ang maliit na box na naglalaman ng singsing. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya pero mas nangingibabaw ang saya ko dahil kasama ko siya. Mahal na mahal ko siya. Walang iba, siya lang. Nang papalapit nang lumubog ang araw ay lumuhod ako sa harapan niya at kita ko ang gulat sa mga mata niya.

"D-Drix." Nauutal na tawag niya sa akin. Ngumiti lamang ako sakaniya at kinuha ang pulang box na nasa bulsa ko.

Napahawak siya sa bibig nang makita ito. Binuksan ko ito at bumungad sakaniya ang isang singsing, binili ko ito noon nong nasa Hong Kong ako. Matagal na ito sa akin at hanggang ngayon ay nandito parin. Tumutulo na ang mga luha ni Sol kaya mas lalo kong nilawakan ang ngiti saking mga labi. Pinipigilan ko ang sarili na maluha pero may sariling buhay ito, kusa itong tumulo sa mga mata ko.

"S-Sol...." Tawag ko sa pangalan niya.

Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa mga mata, "When I met you, I knew I'd met my match. It was only a matter of time until we arrived at this moment. I fell inlove with you not knowing what love really was, I stayed inlove with you because there's no one I've ever wanted more than you. When I think of the future, I like to picture us as two trees planted side by side, our roots growing together more firmly as the years goes by.." pagputol ko dahil naiiyak ako. Kanina pa umiiyak si Sol habang nakatingin sa akin at nakikinig.

"When I think about you, I know that no one else will ever hold my heart the way you do. You healed pieces of me when I didn't know I needed healing. You cared for me when I didn't know I could use that extra love. You brought out the happiness in me I didn't know existed. I promise you, no one will work harder to make you happy or cherish you more than me. If you're asking me if my proposition still stands, then my answer is yes. A thousand times, yes. Sol Avery, will your marry me?" Tuluyan na siyang umiiyak nang matapos ko ang sasabihin. Nangangawit na ang mga tuhod ko kakaluhod pero hindi parin ako tumatayo, hihintayin ko ang sagot niya.

Kinakabahan ako sa magiging sagot niya. Umiiyak siya sa harapan ko pero kita ko ang saya sa mga mata niya. Ngumiti siya sa akin at tumango. "You make me the happiest girl in the world. So happy that I start crying happy tears and that's something special I want to hold onto forever. Yes, Drix. I will marry you."

Umiiyak akong kinuha ang singsing sa box at sinuot sa kaniya. Saktong sakto sa kamay niya. Napatayo na ako at hindi ko mapigilan ang yakapin siya ng mahigpit habang umiiyak sa balikat niya. Kung noon ay sinagot niya ako rito para maging boyfriend niya, ngayon ay sinagot niya ako rito bilang fiancé niya.

Do you believe in 11:11 wish?

Because I do. She had always been my 11:11 wish, always. I'm always certain about what I have wanted whenever I wish for it. She is the woman I have always wished for.

His PleasurerWhere stories live. Discover now