Chapter 4

5.2K 112 1
                                    

Maaga akong gumising dahil kakausapin ko ang doktor ni Luna matapos kong mag cash out. Tulog pa ang kapatid ko kaya pumasok ako sa cr para maligo, may dala naman akong mga damit bago ako pumunta dito sa hospital.

Matapos kong maligo ay nag toothbrush narin ako, nag-iwan ako ng note sa tabi ng kama ni Luna at lumabas na ng kwarto.

'Aalis na muna ako, babalik din ako agad. Text mo ako kapag may kailangan kang ipabili, love u.'

Sa katabi ng hospital ay may 7/11 kaya doon nalang ako mag ca-cash out.

"Ate, mag papa cash out po ako. Gcash."

"Magkano po, Maam?"

" 75K po, "

She nodded, "Scan mo nalang po ang QR Maam, " sabi niya kaya kinuha ko ang phone and open my gcash app and scan the qr.

Ti-nype ko ang amount at sinend na 'yon, naghintay pa muna ako dahil nag bibilang na siya ng pera. 425K nalang ang balance ko sa gcash and I'm planning on saving those for future purposes. In case of emergency may magagamit kami ni Luna. Nang maibigay na ni Ate ang exact amount ay nilagay ko na sa pitaka ko at nilagay sa bag, tinago ko 'yon dahil baka manakaw. Pumasok na ulit ako sa hospital at dumiritso sa office ni Doc Hyun. Kumatok na muna ako bago buksan ang pinto.

"Oh, Ms. Avery," sabi ni Doc kaya napatingin din ako sakaniya, may kausap pala siya!

"Ah, busy po ba kayo, doc? Lalabas nalang p----"

" No no, it's okay.. Sit here, " turo niya sa upuan kaharap ng table niya. Nasa harap ko naman ang kausap niyang babae na naka krus lang ang mga braso.

"May kailangan ka ba, Ms. Avery?" Tanong ni Doc.

Mag sasalita na sana ako nang magsalita ang babaeng nasa harap ko.

"Lol isn't it obvious? Papasok ba siya dito kung wala siyang kailangan? Stupid."

Naiilang ko naman siyang tinapunan ng tingin pero hindi siya sa akin nakatingin. Pinag singkitan naman siya ng tingin ni Doc bago tumingin ulit sa akin, " Pasensya ka na, may topak lang ngayon kapatid ko... Hoy Tia, nagta-trabaho ako wag kang magulo, tsk, "

Tia just rolled her eyes at tumingin sa akin, hindi ko alam ang gagawin kaya bumaling nalang ako kay Doc Tim para sabihin ang pakay ko. "May pera na po ako, doc, 75k pam----"

" Oh my god! Hinihingan mo siya ng pera, Kuya!? What the heck!? " Sabi ulit ni Tia, naramdaman ko naman na sinipa ni Doc ang kapatid sa ilalim ng mesa kaya napa-aray 'to.

"Tumahimik ka nga, hindi ka ba busy? Do'n ka kay Tom manggulo wag dito, tsk," inis na sabi ni Doc at bumaling sa akin, "You have the money now for your sister's heart transplant, Am I right?"

Tumango naman ako at nilabas ang pera at binigay sa kaniya, he accepted it. "Actually, I also have a good news for you. One of the patient wants to donate his heart to your sister, he already signed the papers, your sister is so lucky, huh."

Napangiti naman ako at parang anytime ay maluluha ako dahil sa saya, "Gano'n po ba? Nakakatuwa naman po, Doc, salamat po,"

"Kelan mo gusto gawin ang operation? I suggest sooner para hindi na masaktan ang kapatid mo,"

"Sweet mo naman, Kuya, wow," bulong ni Tia kaya palihim akong napatawa.

"Kakausapin ko pa si Luna tungkol dito, Doc, babalik nalang siguro ako mamaya," sabi ko.

Nagpa-alam na akong umalis doon, ramdam ko naman na sumunod sa akin ang kapatid ni Doc kaya binalewala ko nalang 'yon at babalik na sana sa kwarto ng kapatid ko nang tawagin niya ako.

His PleasurerWhere stories live. Discover now