Prologue

956 23 1
                                    

I just have one dream...

A dream to fulfill the wish of most people.

To have a spotless, flawless, bright skin that no one can ever resist.

****

Binuklat ko ang isang notebook na naglalaman ng aking mga sekreto. Not the personal ones, but those things that happen before, during, and after my experiments.

Marami nang mga gamot na nagpapaputi ng balat. Kaya lumikha ako ng isang medisina na iba sa mga gamot na kinagisnan na ng mga tao. Hindi lang ito nagpapaputi, kundi tinatanggal nito ang mga hindi kaaya-ayang bagay na tumutubo sa balat gaya ng tigyawat, white and black heads, at nagpapaliit din ito ng mga pores kaya magiging makinis at maputi ang balat ng isang tao kapag makainom nito.

Napapangiti ako habang nagsusulat sa aking diary.

Napabahing ako nang kumati ang ilong ko. Napapunas ako ng tissue saka inishoot ito sa basurahan. Allergic kasi ako sa alikabok at madali akong sipunin. Sa katunayan, sinisipon ako ngayon at kailangan ko na palang uminom ng gamot.

Tumayo ako at nagtungo sa isang cabinet para kumuha ng gamot. Nandito kasi sa laboratoryo nakalagay lahat ng mga gamot ko kaya hindi ko na kailangan pang pumunta sa kuwarto ko para kunin 'yon. At parang kuwarto ko na rin pala 'tong laboratoryo dahil halos hindi na ako lumalabas dito.

Pagkabukas ko ng cabinet, inabot ko kaagad ang lalagyan ng gamot. Napabuga ako ng hangin nang makitang isa na lang ang gamot ko sa sipon. Kailangan ko nang bumili sa botika.

Bago ako lumabas, napatingin ako sa counter na puno ng mga kemikal. Mga kemikal na ginagamit ko sa aking eksperimento. Kompleto silang lahat at nabili ko sa mahal na presyo.

Napangiti ako nang dumapo ang tingin ko sa isang bote na laman nito ang pinal na gamot na aking nilikha. Mamaya ko na siya gagamitin kapag gumising na ang experimental subject ko.

Pagkalabas ko ng laboratoryo, nagpaalam ako sa aking anak na pupunta ako sa botika.

Sumakay ako sa sasakyan dahil medyo malayo ang botika mula sa bahay namin. Habang bumabiyahe, naalala kong may mga kulang pala akong mga kemikal kaya bibili na lang ako roon.

Tumagal ako ng ilang minuto sa botika dahil sa haba ng pila. Pero mabuti lang nakasakay ako agad pauwi.

Dumeretso ako sa aking laboratoryo saka inilagay ang gamot at ang mga kemikal sa kanilang mga lalagyan.

I rubbed my palms together while grinning. Kating-kati na akong subukan ang medisina na aking nilikha sa isang nilalang na pinulot ko sa daan.

Kinuha ko ang isang napakaimportanteng dokumento kasama ang ballpen sa lamesa. Pero napakunot ako ng noo nang medyo umiba ang pakiramdam ko nang tumingin ako sa mga kemikal na ginagamit ko sa eksperimento. Mukhang may hindi tama.

Pero nagkibit-balikat lang ako saka naglakad palayo.

Now that I'm in the phase 2 clinical trial, I need a human for testing. Grabe, ilang hayop din ang napatay ko noon para masigurado ang safety ng gamot. At ngayon, aalamin ko na kung magwo-work ba ang gamot sa tao.

Pumunta ako sa isang maliit na kuwarto na ang tanging dingding ay kurtina. Hinawi ko ito at tumambad sa'kin ang isang babae na nakahiga sa kama at kagigising lang. Tinurukan ko siya ng pampatulog para kumalma at nilagyan naman ng busal ang bibig para hindi sumigaw noong dinala ko siya rito. Nagpupumiglas siya sa kama habang masamang nakatingin sa'kin.

"Ssshhh..." mahinang bulong ko sa babae habang hinihimas ang ulo niya. Teenager siya na hindi pinagpala sa kakinisan at kaputian ng balat kaya swak-na-swak siyang tester sa aking medisina. "Hindi kita sasaktan. Palalayain din kita mamaya. At hindi pa 'yan, bibigyan pa kita ng pera. Five thousand pesos." Ngumiti ako.

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon