HELLOISE IVONNE
NAPAKALAKI talaga ng pasasalamat ko sa kanilang lahat dahil kahit na may nagawa akong kasalanan, iniligtas pa rin nila ako.
Lumukot ang mukha ko nang maramdamang humapdi na naman ang sugat ko.
Dalawang araw na ang nakalipas at masaya akong bumabalik na ang lakas ko at medyo gumagaling na ang sugat ko sa hita dahil palaging nilalagyan ito ni Xendrenos ng dinikdik na dahon ng bayabas. Kahit masakit at mahapdi, kinakaya kong tiisin para mabilis akong gumaling.
"Handa ka na ba, Mupy?"
Umangat ang tingin ko kay Xendrenos nang magtanong ito. Natapos na siya sa pagdikdik ng dahon ng bayabas at kailangan na nila akong dalhin sa ilog para maglinis ng katawan at sugat.
Tumango ako. Inalalayan nila akong dalawa ni Kuya Hellion at naiwan naman sina Jiana at Jay sa tree house.
Naligo ako. Pero ako lang mag-isa, at nakatalikod naman sila sa akin kaya hindi nila ako makita. Pagkatapos kong maligo, umuwi na kami kaagad. Nilagyan ulit ni Xendrenos ng gamot ang sugat ko at tinalian ito ng tela.
"What happened to you, Helliose? Bakit nagkasugat ka sa hita?" kunot-noong tanong ni Jay na nakaupo sa tabi ko.
"Noong naglalakad ako at hindi alam kung saan pupunta, may nakasalubong akong mga infected." Napahinga ako nang malalim. "Hinabol nila ako at sa kasamaang palad, may lumusot na isa pang infected mula sa gilid at dinaganan ako. Ginawa ko ang lahat para makatakas, at nakatakas nga ako pero napatid ako sa isang bato at tumama ang hita ko sa putol na sanga ng isang halaman at doon ako nasugatan. Nagmadali akong umakyat sa puno at pumermi roon hanggang sa nakita ninyo ako."
Napatango lang sila sa sinabi ko.
Ngayon lang talaga nila ako nakaka-usap nang maayos dahil nanghihina ako noong mga nakaraang araw.
"So, hindi ka nakagat?" taas kilay na tanong ni Jiana.
Nahuli ko ang masamang pagtingin ni Xendrenos sa bata. "So gusto mo pa lang makagat si Helloise ng infected?" pabalang niyang pagsingit.
Mabilis na umiling si Jiana. "No, no. I'm just asking kung nakagat ba siya. At hindi ko gusto na makagat siya. I don't even care about her." Napairap ang bata.
Ang maldita talaga ng isang 'to.
"Hindi ako nakagat," wika ko. "Sana naging infected na ako kung gano'n ang nangyari." Mahina akong napatawa.
"Pero nagpapasalamat ako sa inyo dahil iniligtas n'yo ko kahit may nagawa akong mali," sambit ko habang tinitingnan sila isa-isa. "I owe you my life."
Napangiti naman si Jay. "Even though we got mad, we are still here for you as a friend. As Xendrenos said, 'kahit magalit man kami sa'yo, hindi iyon mababago ang kasalukuyan.' We only have one another, and we need love and unity in order to survive.'"
"Galing ng speech ni pareng Jay ah!" Natatawang saad ni Xendrenos habang nagpapalakpak nang mahina.
Binato ni Jay si Xendrenos ng maliit na bato at nailagan naman niya ito. Nagtawanan kaming lahat maliban kay Jiana na nakasimangot. Bahala siya riyan.
"Patawarin n'yo ko," mahinang sambit ko.
"We've already forgiven you, Helloise," nakangiting sabi ni Jay.
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Science Fiction[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...