Chapter 6: What's Inside?

275 8 7
                                    

HELLOISE IVONNE

NAKATINGIN lang ako sa kanila habang naghahanda sila ng mga gamit para gamitin sa kanilang paglalakbay patungo sa siyudad. Matutuloy ang pagkuha nila ng supplies at kahit gustohin ko mang sumama, hindi puwede dahil napakadelikado sa isang kagaya kong walang alam sa pagdepensa sa mga infected.

Nahimatay pa nga ako noong una kong nakaharap ang isang infected na napagkamalan kong adik. So sasama pa ba ako? Hindi na.

Si uncle busy sa pagpili ng mga armas niya, gano'n din sina Dezeverra at Jay. Halos lahat ng kasamahan nila ay lalaki at si Deze lang ang babae.

Napatingin ako kay Xendrenos. Sinusuri niya ang talim ng isang espada saka isinunod naman ang palaso. Parang bad boy talaga siya manamit at gumalaw pero hindi naman daw siya bad boy. May something sa lalaking 'to eh. May dahilan kung bakit nagkaganyan siya. At 'yan ang gusto kong malaman.

"Xendrenos really surprised me yesterday."

Dinig kong wika ni Jay nang tumabi siya sa'kin sa hagdanan. Dito kasi ako tumambay para hindi ako makaabala sa kanila sa sala. Nakaupo ako habang siya naman ay nakatayo.

Napatingala ako sa kaniya. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Tiningnan niya ako. "I caught him laughing alone while fixing the high fence," bulong niya. "And when I tried to ask him, he never answered me and became laconic again. Hindi ko alam pero nanibago ako sa kinilos niya. Since we got here, he was so reserved, harsh, mean, and unlikely to burst into laughter. But yesterday was different. It seemed I've seen a disparate person."

Ako lang ang nakakaalam kung bakit tumawa nang gano'n si Xendrenos. Oo, alam ko dahil ako ang tinawanan niya kahapon.

At alam kong hindi siya ang Xendrenos na nakikita nila ngayon. I feel na nagtatago ang totoong Xendrenos.

Marahan akong napatango saka napatingin kay Xendrenos. "Ah, baka may naisip lang siyang nakakatawa," komento ko.

"Unlikely," tipid na sagot niya.

"Jay, alis na tayo!"

Umalis sa tabi ko si Jay nang walang pasabi nang tawagin siya ni Deze. At si Deze naman ay tiningnan ako nang masama at puno ng pagbabanta na parang takot siyang agawin ko si Jay mula sa kaniya.

"Alis na kami, Mupy."

Bahagya akong napaigtad nang marinig ang boses ni Xendrenos nang dumaan siya sa harapan ko. Dahil sa gulat, napako na lang ang tingin ko sa kaniya habang nakakunot ang noo hanggang sa makalabas siya sa pinto. Ni hindi na ako nakabitiw ng isang salita.

Shems, what was that? Do I need to reply? Puwedeng oo, puwedeng hindi, pero tutugon pa ba ako kung nasa labas na siya?

At bakit sa harapan ko pa siya dumaan kung ang inuupuan niya kanina ay malapit lang sa pinto? Luh. Malayo ang inuupuan ko sa pinto... pero... nevermind.

Hindi ako makapaniwala na nagpaalam siya sa'kin. At parang ang soft ng pagkakasabi niya ng 'Mupy'.

But it's not a big deal, Helloise. Syempre, aalis siya eh so sinabihan ka lang niya na aalis na sila. Oh come on! Don't assume things, Helloise, 'cause when it's proven wrong, it would fucking hurt.

Nang mabagot ako kauupo sa hagdanan, naisipan kong humiga muna sa kama at mag-isip-isip, tutal wala naman akong gagawin dito. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang kagustuhan kong sumama sa kanila. Gusto ko lang bang makatulong o may iba pang rason bukod doon?

Nanatili muna ako sa kuwarto ng isang oras. Nakatingin ako sa lumang kisame nang maramdaman ang pagkabagot dito. Ang tahimik saka wala naman akong kausap.
Bumangon ako saka umupo at naisipan kong bumaba at makipag-usap sa mga kasamahan namin sa ibaba.

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon