Chapter 11: He's Back

182 6 0
                                    

HELLOISE IVONNE

NAPADILAT ako ng mga mata nang may narinig akong kaluskos. Hindi muna ako gumalaw habang nakatalukbong ng kumot. Pinakiramdaman ko ang paligid.

Tunog ng nagbubugsong hangin at mga insekto ang naririnig ko mula sa labas pero hindi na ako nakarinig pa ng kaluskos.

Dahil do'n, nawala ang antok ko. Parang nakaramdam ako ng kakaibang galaw sa loob ng kuwarto.

Ibinaba ko ang kumot nang dahan-dahan. Maliwanag ang silid dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok sa mga bintana. Damang-dama ko ang lamig na pumapalibot sa'min.

Gumalaw ako at humarap sa kanan sabay hila ng kumot pataas sa leeg ko, pero nanlaki ang mga mata ko nang wala akong naaninagan na tao sa kama ni Deze. Kinusot ko pa ang mga mata ko para makasigurado sa akala ko pero wala talaga siya.

Marahan akong bumangon. Tiningnan kong mabuti ang kama niya pero wala akong makitang tao.

Saan kaya nagpunta ang babaeng 'yon?

Maingat akong humakbang at naglakad kasi lumalagitnit minsan ang sahig na gawa sa kahoy.

Inilibot ko ang buong silid pero hindi ko siya makita. Tumalikod ako, pero napahinto bigla nang may nakita akong liwanag sa gilid ng mga mata ko. Liwanag ng isang candila. Marahan akong lumingon at doon ko naalala na may veranda pala ang silid namin. Heto na naman tayo, maglalakad nang tahimik para hindi mahuli.

Dumungaw ako sa pintuan ng Veranda at nakita ko kaagad ang likod ni Deze. Naka-indian sit siya na nakatalikod sa gawi ko. Humakbang ako papalapit sa kaniya. May isang candila sa tapat niya at saka may binabasa siya pero hindi ko makita kung ano, kaya lumapit pa ako sa kaniya nang kaunti.

Nanlaki ang mga mata ko sabay takip ng bibig nang makita ang binabasa niya. Isang diary ba 'yon? May mga doodles at hindi masyadong maintindihan na mga salita. Hindi ko masyadong mabasa kasi medyo hindi klaro ang 'diary' sa kinatatayuan ko.

Shemay, nakita kong nakasulat ang pangalan ko sa isang pahina. Nagsusulat ba siya ng diary sa madaling araw? Ibang klase rin ang babaeng 'to ah.

Bumugso ang malamig ng hangin kaya napayakap ako sa sarili.

"Ang tanga siguro ng nagsulat nito. Susulat na nga lang, hindi pa maintindihan. Kaya bukas na lang kitang basahin ulit," mahinang reklamo ni Deze.

Biglang nanlamig ang buong sistema ko sabay panghihina ng aking tuhod. Dumagundong ang dibdib ko na parang binubugbog na drum.

Mabilis akong tumalikod saka naglakad nang mabilis pero syempre nag-iingat, baka marinig niya ako.

Agad akong humiga sa kama at tumalukbong ng kumot. Dapat makita niyang tulog ako. Mahirap na kung maabutan niya akong gising. Bunganga wars na naman kami if ever. Nakarating sa tainga ko ang maingay niyang yapak sa sahig.

"Ano ba kasi ang nakasulat dito? Hindi ko talaga maintindihan."

Napangiti ako. Masyado siyang nalubog sa binabasa o sa ginagawa niya kaya hindi niya ako napansin.

May tinatagong diary pala si Deze, makuha nga, mukhang maganda ang laman e.

Tiningnan ko siya gamit ng isang mata ko. Nakatalikod siya pero umalis ulit. Ugh! Hindi ako pwedeng gumalaw. Hindi ko makita ang ginagawa niya. Nakakainis!

Lumagitnit ang kama sa tabi ko. Humiga na siya.

Ano kaya ang nakatago sa diary na 'yon? I know the contents of common diaries, love rants, nonsense rants, all kinds of rants and rants-rants. Pero ramdam ko na kakaiba ang laman ng isang 'yon. Tapos isa pang nakakapabagabag sa akin ay 'yong mga reklamo niya kanina. Hindi niya raw naintindihan? Diary niya tapos hindi niya maintindihan?

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon