Chapter 38: Jeopardy

112 2 0
                                    

XENDRENOS LUVEN

TINIPON ko lahat ng mga palaso sa iisang lalagyan na gawa sa patpat na pinagtagpi-tagpi gamit ang baging. Ginawan ko ito ng lubid para maisabit ko ito sa aking katawan.

Umaga na at hinihintay ko silang magising. Ako ang naunang nagising sa amin kaya hinanda ko na lang ang mga gagamitin namin sa aming paglalakbay.

Napatingin ako sa kahoy nang may nararamdaman akong tao na bumababa sa hagdan.

"Jay, gising ka na pala," bungad ko sa kaniya.

"My heart almost skipped a beat when I didn't see you up there. Nandito ka lang pala," tugon niya saka umupo sa tabi ko. Kinuha niya ang kaniyang pana at inusisa ito. "Are we going to make it there?"

Napatingin ako sa kaniya. "Kakayanin natin, Jay. Ayokong mabulok dito sa Vedestra. Kahit maliit ang tsansa na magtagumpay tayo, at least nakagawa tayo ng paraan para makatakas dito." Napabuntong-hininga ako saka bumalik sa pag-aayos ng mga palaso. 10/100 ang porsyento na makakaligtas kami sa siyudad. Ang mga store na napupuntahan namin ay nakatayo lang sa palibot ng siyudad, hindi sa sentro mismo.

"Do you know where the city hall is?" tanong niya na ikinatigil ko saka napatingin ulit sa kaniya.

"'Di ba nasa Axon street 'yon? Sa tabi ng Vedestra city police station?"

Umiling siya na ikinabahala ko. Lagot. Noong huling punta ko do'n bata pa ako at kasama ko pa noon si uncle.

Tinapunan niya ako ng tingin. "Hindi, Dre. Pero Oo—"

"Saan ba talaga?" Mas lalo akong lumapit sa kaniya.

Saglit siyang bumaling sa'kin. "Sa Axon Street 'yon noon pero pinagiba ng mayor. I don't know why, pero inilipat yata ang bagong city hall sa ibang lugar," tugon niya.

"Alam mo ba kung saan?"

Nagkibit-balikat siya. "I don't care about the world before. Ano'ng pake ko sa city hall?"

Napakamot ako ng ulo. Paano na 'to? Inilipat ang city hall? Akala ko nando'n pa 'yon eh. Matagal-tagal na rin kasi na hindi ako nakapunta sa city hall dahil iniiwan lang ako ni uncle kay Loisa kapag pumupunta siya roon.

"Ask my kuya," dagdag niya nang hindi ako sumagot. "Baka alam niya kung nasaan."

Tumayo ako saka pumunta sa tree house, pero nakita ko si Kuya Hellion na lumabas mula sa maliit na kamalig kaya bumalik na lang ako sa tabi ni Jay at hinintay siyang makababa.

"Kuya, alam mo ba kung nasaan ang bagong city hall?" tanong ko nang umapak siya sa lupa.

Binalingan niya ako ng tingin. "City hall? Ah, oo! Nasa Bolevard na ang bagong city hall."

"Saan 'yan?" kunot-noong tanong ko.

"Sa Bolevard nga. Basta may plaza sa harapan niya na hindi pa natatapos. Pinalipat kasi ng mayor dahil gusto niya na palakihin ang city hall at gawing five story building ito. Sa Bolevard niya ito ipinatayo dahil malawak ang space doon," sagot niya saka umupo sa tabi ni Jay.

"Ahh salamat, kuya. Ikaw na lang gumabay sa'min mamaya," nakangiting tugon ko.

Tumango siya. "Okay. Nakapunta rin naman ako roon..."

Bumaba na rin sina Jiana at Helloise. Humihikab pang lumapit sa'kin si Helloise saka umupo sa tabi ko. Binigyan ko siya ng biscuit at binuksan naman niya ito.

"Kumusta ang tulog mo, Mupy?" malambing kong tanong sa kaniya.

Nakangiting bumaling siya sa'kin. "Sobrang sarap. Napaginipan pa nga kita eh."

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon