TWO years later...
"Dre, wake up! You'll be late for school!"
Napangiwi ako nang naramdaman ang pagtama ng unan sa mukha ko. Takte. Ang aga-aga nananakit ang isang 'to. Humikab ako saka tumagilid at nahagip agad ng aking mga mata na halos hindi makamulat ang alarm clock sa side table.
7 AM.
Takte...
Marahas kong hinawi ang kumot at agad na bumangon. Hindi na ako nakapagkamot pa ng mata at nagkapag-inat-inat ng kalamnan dahil dapat umabot ako sa 7:30 AM class ko ngayong araw. Lunes na Lunes ayaw kong ma-late.
Parang kidlat akong kumaripas nang takbo sa banyo at walang pagdadalawang-isip na binuksan ang shower. Nanginig ako sabay pikit nang dumampi ang tubig na galing north pole sa aking balat at halos hindi ako makagalaw dahil sa lamig. Sana nagpakabit kami ng heater dito sa banyo.
Mabilis akong naligo at nang natapos ako, napalatak ako ng dila. Sa lahat ba naman ng makakalimutan ko, 'yon pa?
Lumabas ako ng banyo na parang wala lang kahit wala akong saplot sa katawan. Mag-isa lang naman ako sa kuwarto ko at may sariling kuwarto rin si Jay sa kabila.
"Dre, I'll borrow—what the fuck? Have you forgotten your towel again?"
Natigilan ako nang bigla siyang pumasok. Mabuti na lang nakatalikod ako sa kaniya.
"Bakit? Makakalimutin ako eh. May problema ba?" pabalang kong tugon saka biglang humarap sa kaniya.
"Fuck!" mura niya sabay iwas ng tingin at tinakip ang kamay sa kaniyang mga mata, pero kita ko ang eyeball niyang nakatingin sa'kin sa pagitan ng kaniyang mga daliri.
Napaismid ako. "Ang arte nito. Parang ngayon mo lang nakita si junjun."
Dumeretso ako sa closet ko saka kumuha ng towel at pinulupot sa baywang ko.
"My eyes aren't still used to seeing a huge living hotdog," wika niya saka pumunta sa side table ko. May kinuha siyang ballpen.
"Huy! Ballpen ko 'yan!" suway ko sa kaniya.
Kumaripas siya nang takbo. "Hihiramin lang naman eh! I forgot where I left my ballpen yesterday!" At pabagsak na sinara ang pinto.
Napabuntong-hininga ako sabay tampal sa noo. Napakaraming ballpen na ang hiniram niya sa'kin at hindi na mabilang ang ballpen na naiwala niya sa kung saan-saan. Hindi ko alam kung sadya niyang iniiwan ang mga 'yon o sadyang makakalimutin lang talaga siya.
Nagbihis ako ng aking uniform saka inihanda ang sarili. Bago ako lumabas ng kuwarto, napatingin muna ako sa mga pictures ni Helliose na nakadikit sa dingding. Noong nabigyan kami ng cellphone ni Jay, agad kong hinanap ang social media account niya saka kinuha ang ilang mga pictures niya.
Napangiti ako. Ang ganda-ganda niya pa rin sa picture. Kahit sa picture ko na lang siya nakikita, hindi mabubura sa aking isipan ang hitsura niya sa personal, at lalo na't hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya.
Nagpapasalamat din ako na hindi nabura ang social media account ko dahil nandito lahat ng mga pictures namin ni mama at papa, at kay Uncle Ves. Pina-frame ko rin ang mga pictures nila at ipinatong sa side table ko.
Lumabas ako sa kuwarto at dumeretso sa kusina. Si Jay muna ang nagluto dahil tinanghali ako nang gising. Kumain kaming dalawa ng umagahan saka umalis na.
Kapwang second year college kami sa Seredios State University. Computer Science ang course ko at Criminology naman ang kay Jay. Ay magpupulis si sweet guy. Dahil magka-iba kami ng course, minsan lang kami nagkikita sa eskwelahan.
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Science Fiction[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...