HELLIOSE IVONNE
PINAHIRAN ko ang mainit na tubig na dumaloy galing sa aking mga mata gamit ng nanginginig kong kamay. Lumingon ako habang yakap-yakap ang sarili sa bahay na nagligtas at nagbigay sa akin ng ikalawang pagkakataon para mabuhay. Pero sa pagkakataong ito, kailangan ko itong lisanin para maligtas ang iba.
Natatanaw ko pa si Xendrenos na nakatayo sa bakod habang nakatingin sa akin. Pilitin niya mang lumagpas sa bakod na 'yon, hindi niya pa rin mabubura ang kasalanang nagawa ko at baliktarin ang sitwasyon. Kinamumuhian na ako ni uncle at wala ng chansa na makabalik pa ako sa bahay na 'yon.
"Helloise, bumalik ka. Ako ang kakausap kay uncle na pabalikin ka sa bahay. Kahit ano gagawin ko para hindi ka lang umalis—"
"Xendrenos, 'wag na. Kailangan kong harapin ang parusa na ginusto ko—"
"Ginusto mo ba talaga? Alam kong hindi mo lang napigilan ang kuryusidad mo at hindi mo kasalanan 'yon."
"Kasalan ko pa rin. Alam ko na e, pero sinuway ko pa. Pinairal ko ang kuryusidad ko na kahit alam kong may parusa, sinunod ko pa rin. Kaya ang makabubuti sa ating lahat ay ang pag-alis ko. Paalam."
Marahan akong umiling saka tumalikod sa gawi niya. Natatakot ako. Hindi ko alam ang gagawin, pero ano pa ba ang magagawa ko? Sinuway ko ang utos na nakapagligtas sa akin at ito ang naging parusa ko.
Humakbang ako paabante at naglakad lang nang naglakad. Hindi ko alam kung saan ako patungo. In-adjust ko ang pagkakahawak ko ng aking backpack. Gusto ko mang lumingon sabay takbo pabalik ng bahay, hindi ko magawa. Alam kong pag-iinitan lang ako nina Deze at uncle.
Nakatingin lang ako sa harapan at tanging mga malalaking punong kahoy, damo, at talahib lang ang nakikita ko.
Bumugso ang maalinsangang hangin. Tirik na tirik ang araw na nagbibigay ng mainit na panahon. Mabuti na lang kasi nasa ilalim ako ng isang kahoy na nagbibigay silong sa akin.
Tagaktak ang pawis ko na parang walang tigil sa pagtulo mula sa balat ko. Nakakapagod maglakad at mas nakakapagod kung hindi ko alam kung saan ako papunta.
Luminga-linga ako sa paligid. Hindi ko na makita ang bahay at ang malawak na kapatagan. Doon ko na lang napagtanto na nasa gitna na ako ng gubat at tanging ingay lang ng mga dahong nagka-crack kapag inaapakan ko ang mga ito.
Masyadong tahimik ang paligid. Kahit kaunting galaw ng paa ko ay naririnig ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa tuluyang bumigay ang aking mga paa dahil sa pagod. Napabuntong-hininga ako sabay hilamos ng mukha. Napakamot rin ako ng ulo at napahawak sa aking batok dahil hindi ko alam ang susunod kong gagawin.
Napaupo ako sa paanan ng isang malaking punongkahoy. Binuksan ko ang backpack ko at nanlumo ako nang wala akong makitang bote ng tubig o supot ng pagkain man lang. Mga damit lang ang nakikita ko sa loob.
Huminga ako nang malalim at wala sa sariling sumandal sa puno habang nakatingin sa itaas. Hindi ko namalayan na nanggigilid na pala ang mainit na tubig sa aking mga mata at naramdaman ko lang ang pag-agos nito sa pisngi ko. Kinuha ko ang backpack at niyakap ito.
Paano na ako ngayon? Ano'ng gagawin ko? Hindi ako sanay na mabuhay sa gubat at lalong-lalo na hindi pa ordinaryo ang sitwasyon ko. Hindi ako pwedeng magpakalat-kalat sa gubat na parang nagha-hiking lang dahil pakalat-kalat din ang mga nilalang ng kadiliman.
Napayuko ako at napahilamos ng mukha ko ulit.
Siguro, babalik na lang ako sa bahay at kakapalan ang mukha ko na pumasok doon at humarap kay uncle. Sasabihin ko na kahit ano'ng bagay gagawin ko basta hindi niya lang ako papalayasin at gagawin ko kahit magiging katulong pa ako sa bahay niya.
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Science Fiction[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...