Chapter 44: Healing Wounds

170 6 0
                                    

XENDRENOS LUVEN

ISANG buwan na ang nagdaan pagkatapos naming bisitahin si Jiana. At sa isang buwan na 'yon, unti-unti kaming nag-a-adjust sa bagong environment namin.  

Nagtatrabaho kami part-time ni Jay sa Seredios City Hall bilang bookkeepers. Hindi kami pinayagang mag-full time dahil gusto ng mayor na makapagtapos kami ng college at makahanap ng magandang trabaho. And next month mag-e-enroll na kami sa Seredios State University. Excited na nga kaming dalawa ni Jay.

Today, we will visit one of the most prestigious research centers in Seredios City. The Seredios Laboratory and Research Institute (SLRI). Dito namin ibibigay ang research ni Uncle Ves tungkol sa Aestheticus Virus para makompleto na ang experiment at magawan na ng paraan ang salot sa Vedestra. 

"Jay! Excited ka na ba?" masiglang sambit ko saka pinuntahan siya sa couch. Nanonood siya ng TV.

Bumaling siya sa'kin. "Kinda, but I'm scared. What if it wouldn't work?" may pag-aalangang tugon niya. 

Umupo ako sa tabi niya. "At least na try natin 'di ba? Gagawa ng paraan ang mga scientists para matapos na ang problema sa Vedestra. Trust me."

Tumango lang siya saka tumayo. "I'll just drink a glass of water, and then we'll set off to the research center."

Tumango ako at umalis na siya. Napatingala ako sa kisame nang sumandal ako sa couch. 

"Let's go," aya ni Jay nang lumabas siya mula sa kusina.

Sumakay kami ng taxi hanggang sa makarating sa Seredios Laboratory and Research Institute. Pumasok kami sa loob ng building.

"Magandang araw, mga sir. Ano po ang kailangan natin?" bungad ng guard sa'min sa lobby. 

Napatikhim ako. "May ibibigay sana kami sa mga doctors dito. May kilala ka ba na puwede naming bigyan?"

Nagdududang tiningnan kami ng guard mula ulo hanggang paa at pabalik at hindi nagsalita ng ilang segundo. Hindi rin ako nagpatinag sa inasal niya. Tiningnan ko siya nang seryoso at hindi iniwas ang tingin. Pinakita ko sa kaniya na seryoso kami sa pakay namin. 

"Maghintay lang kayo rito, sir," bilin ni manong guard bago umalis na puno ng pagdududa sa mga mata. 

Nang malayo na siya, nagkatinginan kami ni Jay. "Is he suspecting us as weirdos?" nagtataka niyang tanong. 

Napabuga ako ng hangin. "Mas malala pa sa 'weirdos.' Baka nga iniisip niya na hindi normal ang pag-iisip natin."

Umismid si Jay saka tumango. "That's a point."

"Hi, I'm Dr. Alfonso Sodanes. How can I help you?" 

Sabay kaming lumingon ni Jay sa lalaking nagsalita. Nakasuot siya ng puting coat at may nakasabit na stethoscope sa kaniyang leeg. He must be the doctor the guard called. 

Ngumiti ako at tipid lang na ngiti ang ibinigay ni Jay. "We're here to give you a copy of the formula for a sedative for zombies researched and formulated by a pharmaceutical scientist named Vestro Colava," si Jay ang sumagot.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Dr. Sodanes nang marinig ang sinabi ni Jay. "Please come to my office," agarang wika niya saka nagmadaling umalis. Saglit kaming nagkatinginan ni Jay saka sumunod sa kaniya.

Pumasok kami sa isang opisina. Dumeretso siya sa kaniyang desk saka umupo. "Please occupy the seats."

Umupo kami ni Jay sa dalawang upuan sa magkabilang gilid sa harapan ng desk niya. 

Lumapad ang kaniyang ngiti. "Did you say Vestro Colava?"

Tumango ako. "Yes, doc."

"Vestro is my old friend!" Napatawa siya. "Where is he?"

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon