Chapter 29: Remembered

142 5 0
                                    

HELLOISE IVONNE

"SIYA ang lolo mo Helliose, at kilala na kita noon pa."

Nilayasan ako ng mga salita. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Dahil siguro epekto pa ito ng pagkahulog ko sa bangin noon. Hindi ko masyadong maalala ang mga bagay sa nakaraan.

Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ngayon lang sinabi ni uncle na kilala niya ako noon pa? Sinadya ba niya o baka wala lang talaga siyang pakialam?

"Hindi pa siguro naaalala nang tuluyan ni Helloise ang nakaraan niya, uncle," pagsalo ni Xendrenos sa sitwasyon ko.

Bumuntong-hininga si uncle. "Mukha nga. Oh siya, akyat muna ako. Magpapahinga at susuriin ko pa ang diary ni Junoe. Mag-iingat kayo rito sa ibaba."

Tumayo si uncle saka umakyat na sa tree house. Naiwan kaming lahat sa ibaba na may nalamang impormasyon.

Umakyat si Xendrenos sa tree house. "Uncle, alis muna kami. Hahanap kami ng pagkain natin mamaya," paalam niya saka bumaba agad.

"Tara. Mas mabuting tayong lahat ang hahanap ng pagkain para marami tayong madala," sambit ni Xendrenos saka kinuha ang sibat niya.

Dinala na rin namin ang mga armas namin. Kung ano ang ginamit namin noong nakipaglaban kami sa mga infected sa bahay noong nakaraang araw, 'yon na rin lang ang ginagamit namin kaya iniingatan namin 'to nang maigi.

Nagsimula kaming maglakad. Dala-dala ko ang baseball bat ko.

Pero biglang nawala ang mood ko nang makitang todo dikit si Jiana kay Xendrenos. Nakakapit pa sa braso ni Suby ang bata. Nagmukha siyang nakababatang kapatid ni Xendrenos.

"Kaya pala ganoon ang trato ni uncle sa'yo, kilala ka pala niya, at apo pa ng kaibigan niya," biglang sambit ni Deze nang tumabi siya sa'kin.

Hinawi ko ang sangang nakaharang sa daanan ko. "Siguro nga. Pero hindi ko siya matandaan. Siguro dala pa ito ng pagkahulog ko sa bangin noon."

"Pero naaalala mo na ba ang nakaraan na nakalimutan mo?"

Saglit akong bumaling sa kaniya. "Medyo. Medyo bumabalik na sila pero hindi pa lahat."

Napatango-tango si Deze. "Ah... Okay naman pala."

Tumango lang ako saka tiningnan ang paligid. Nagulat ako nang biglang may tumabi sa'kin. Si Xendrenos.

"Ba't ba dikit nang dikit sa'kin si Jiana?" bulong niya sa'kin.

Napatingin ako sa direksyon ni Jiana at nahuli ko siyang pasulyap-sulyap sa gawi namin. Wala na siyang kasama ngayon sa paglalakad pero parang lumalapit siya kay Jay. Narinig ko namang napalatak ng dila si Deze.

"Hindi mo ba nahalata?"

"Nahalata ang ano?"

"Na crush ka ng bata."

Hindi makapaniwalang bumaling sa'kin si Xendrenos. "Wee 'di nga? Akala ko kuya ang turing niya sa'kin eh."

Napairap ako. "Kuya ka riyan. Base sa tingin niya pa lang sa'yo, parang may something na eh."

Kunot-noo akong bumaling sa kaniya nang nanahimik siya sa tabi ko. "Oh? Ba't hindi ka makapagsalita?"

Binali niya ang sanga na dinaanan namin. "Wala naman. Hindi ko lang in-expect na may karibal ka na." Ngumisi siya.

Tumamad ang tingin ko sa kaniya. "So masaya ka pa?"

"Magiging masaya lang ako kapag ako ang minahal mo."

Napahampas ako sa balikat niya. "Ang drama mo."

Pero sa totoo lang, unti-unti na akong nahuhulog sa mokong na 'to. But we have to take it slow. I have to take it slow because we're not in a good situation right now. Nasa delikadong sitwasyon pa rin kami at malapit sa kamatayan. Pero hindi hadlang ang epidemyang ito sa pagmamahalam namin.

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon