Chapter 12: To be a Warrior

198 7 0
                                    

HELLOISE IVONNE

"HOY TANGA! Bumangon ka na riyan. Tirik na tirik na ang araw, lubog na lubog ka pa rin diyan sa kama mo!"

Marahas kong hinawi ang kumot saka padabog na umupo sa kama ko. Tumirik ang mga mata ko sa babaeng nakatalikod sa akin na nakaharap sa kama niya.

Bagong ligo ang chaka. Naka-long sleeve yellow shirt siya saka naka-cycling pants. Kumunot ang noo ko. Hindi naman siya palaging ganyan pomorma ah, ang trip niyang suotin ay shorts at t-shirt. Ano'ng meron? Ano'ng ganap?

Gusto ko sanang magtanong sa kaniya pero ramdam kong hindi ako makakakuha ng matinong sagot.

Napabuntong-hininga ako. Siguro mag-aayos na lang ako saka magtanong na lang kay Xendrenos mamaya.

"Maghanda ka ngayon. Hindi madali ang madadaan mo ngayong araw," matigas niyang sermon habang nagliligpit ako ng unan at kumot ko.

Huh?

"We'll have our training today kaya maghanda ka na, Helloise." She really emphasized my name with a sarcastic tone huh?

Agad akong lumingon sa kaniya pero ang pagsara lang ng pinto ang naabutan ko. Binagsak kong sinara ang pinto ng closet saka tumungo sa banyo.

May araw ka rin, Dezeverra.

Nandito kami sa open field nag-training. I cringed nang makita ko siyang yumakap kay Jay nang madulas ito at nawalan ng balanse. Kaya pala bihis na bihis ang chakang 'to kasi si Jay ang partner niya sa training or should I say, our moves on how to conquer infected people and save our precious lives!

Nakahawak si Deze ng pana. So, paano siya madudulas niyan? Nakatayo kami sa damuhan tapos madudulas siya? Is this your way to flirt with Jay, Deze?

"Alam mo, ang tagal na ni Deze na nagpa-practice kung paano gumamit ng pana pero hanggang ngayon, hindi pa niya nakakabisado ang tamang paggamit niyan." Napatingin ako kay Xendrenos na tumabi sa akin habang nakatingin sa kanila ni Jay at Deze. Dumausdos ang tingin ko sa ibabang parte ng katawan niya at nakita ko ang isang baril na mahaba na ginawa niyang sungkod.

"Deze, naman! We are always repeating this step. Please nail this into your head!"

"Nagalit na yata si Jay sa kaniya. Pero wala lang sa kaniya e. Mukhang nasisiyahan pa yata," komento ni Xendrenos.

Napatawa ako nang mahina. "Para-paraan si Deze 'di ba? Gagawin niya ang lahat para mapansin siya ni Jay."

"Ok I'm done! You messed my head up. You're not that hardheaded, are you? Or you're just doing this on purpose!"

At nagsimulang maglakad si Jay papunta sa amin. Naglalakad siya na nakakuyom ang kamao at nakayuko, and I think his jaw was clenching. Panay tingin pa sa gilid niya. Pinigilan ko ang tawa ko. Ang hot niyang tingnan sa sando niya.

"Jay! Aayos na ako! Just get back here!"

"Jay, ayos ba?"

"Fuck off!"

Napaatras si Suby nang sinuntok siya ni Jay sa balikat nang dumaan siya sa spot namin. Ang seryoso talaga ng ingleserong 'to. Kinamusta lang e, gumamit agad ng dahas. Napahimas na lang si Xendrenos ng braso niya saka umiling.

Tumawa siya. "Tingnan mo si Deze, nagdadabog."

Napatawa rin ako nang makita siyang namumulot ng mga palaso sa damuhan. Ang tagal kong nanood sa kanila mula pa kanina at ni isa wala siyang tinamaan sa target.

Nawala ang ngiti ko nang makita siyang may hawak na pana at ang nagpakabog ng dibdib ko ay nang humarap siya sa amin na nakatutok ang palaso sa kinaroroonan ko.

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon