Chapter 24: Freckles

133 3 0
                                    

XENDRENOS LUVEN

I LOCKED myself in my room yesterday, never went out, and starved myself for the whole day.

At si Jay natulog kasama ng kuya niya sa veranda.

Naiinis ako kay Helloise dahil mas pinanigan pa niya si Deze kaysa sa akin. Parang nagmukha akong tanga sa harapan nila kasi pinagtanggol ko siya pero pinagtakpan niya pa si Deze. Gusto ko lang naman maitama ang mali. Gusto ko lang naman na aminin ni Deze ang ginawa niya at ipaliwanag kung bakit niya nagawa 'yon.

Bagong araw na naman, at hindi pa sumisikat ang araw, gising na ako. Lumabas ako sa kuwarto dala-dala ang isang maliit na sulo at humanap ng makakain. Kahit gustuhin ko mang magmukmok sa kwarto ko ng ilang araw ay hindi puwede. Walang pagkain sa kuwarto ko kaya kailangan kong lumabas.

Nakarating ako sa kusina at sinimulan ang paghahanap. Inabot ko ang kitchen cabinet sa itaas at binuksan ito. Walang laman. Binuksan ko naman ang katabi nito. At sakto, may dalawang de lata at isang biscuit. Mabuti na lang may naiwan pa rito. Hindi na ako mag-aaksaya pa ng oras para pumunta sa stock room at kumuha ng pagkain. Kinuha ko ang isang de lata at biscuit. Dinala ko ang mga 'yon sa kuwarto ko at doon ako kumain. Wala pa akong balak na lumabas dito.

Ano kaya ang ginawa nila nang magmukmok ako rito? Nag-away na naman kaya sina Helloise at Deze? Sana nandoon si Jay para awatin silang dalawa.

Binuksan ko ang lata gamit ang kutsilyo.

Inubos ko ang pagkain ko at tinapon ang basura sa basurahan. Sumikat na rin ang araw pero ayokong bumaba. Naiinis pa rin ako sa kanila.

Akma akong hihiga nang biglang may kumatok.

"Dre, open the door," tawag ni Jay sa labas.

Bahala siya riyan.

"Dre....."

"Dre!"

"DRE!"

"Ano ba?" sigaw ko sabay tayo habang nakasalubong ang kilay.

"Have you forgotten that we're going to the city to get supplies today?"

Napabuntong-hininga ako. Oo nga pala, ito ang araw para kumuha ng mga supplies. Parang gagapang ako pababa ng kama. Wala talaga akong gana ngayon.

"Dre?"

"Ito na lalabas na!"

"Okay."

Halos hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Nagbihis ako ng damit at inayos ang sarili. Pagkatapos kong magsuklay ng buhok, pinilit kong ngumiti, lumabas ang dimple ko pero walang bakas ng kasiyahan sa mukha ko.

Lumabas ako sa kuwarto at dumeretso sa salas. Nakita ko ro'n si uncle na nagkakape at may binabasang magazine. Lumapit ako sa kaniya saka binati siya. Tumango lang ito at itinuloy ang pagbabasa.

Pumihit ako sa direksiyon papunta sa veranda nang makita ko si Helloise. Nagkasalubong ang mga mata namin pero umiwas agad ako at yumuko. Sa iba na lang ako dadaan. Imbis dumeretso, lumiko ako papunta sa main door.

"Xendrenos, sandali!" tawag ni Helloise, pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

"Xendrenos!"

Napahinto ako nang may humawak sa braso ko, pero hindi ko siya hinarap. "Ano'ng kailangan mo?" matigas kong saad.

Bumitiw siya sa pagkakahawak sa braso ko. "Nagtatampo ka ba?" tanong niya.

"Hindi."

"E bakit iniiwasan mo ako?"

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon