Chapter 15: Tell Bunbun a Secret

159 4 0
                                    

XENDRENOS LUVEN

NAPABUNTONG-HININGA ako saka isinara ang gate ng bakod namin. Itinusok ko ang sibat sa lupa at naglakad patungo sa bahay. Pumasok ako at umupo sa sofa.

Napahinga ako nang malalim saka napasuklay ng buhok. Dumapo ang tingin ko sa relo na nakasabit sa ibabaw ng main door namin.

"5:30 PM. Gabi na at hindi ko pa nahahanap si Helloise. Saan kaya siya napadpad?" mahinang usal ko sa sarili.

"Dre, you don't have to do this. It's not safe outside. Babalik siya."

"Paano siya babalik? Ni hindi nga niya siguro alam ang daan pabalik dito. Mas delikado para sa kaniya ang pagalagala sa labas kaya dapat ko siyang hanapin."

"But she chose to go."

"Hindi, pinaalis natin siya. Kung iniisip mo ang panganib sa labas, iniisip ko ang kaligtasan ni Helloise. Aalis na ako."

I remembered the conversation I had with Jay. Pinigilan niya ako sa binabalak kong sundan si Helloise at hanapin ito. Pero nagpumilit ako at hinanap siya. Ilang oras ako sa kagubatan, pero hindi ko siya nakita. Sana hindi siya nakaharap ng isang infected. Hindi pa naman siya gaanong expert sa pakikipaglaban sa mga 'yon.

Helloise became an important part of my life. She brought back the real me, which I thought would never come back. Sa kaniya ko lang nailabas lahat ng hinanakit sa dibdib ko at nakatulong sa'kin ang mga sinabi niya noong nag-usap kami sa ibabaw ng puno.
 
I realized so many things after my girlfriend attacked her. Kahit galit ako sa kaniya noon, unti-unti kong naiintindihan ang sitwasyon. Tuluyan ko na ring naintindihan ang sinabi sa'kin ni Jay noon.

I never really changed, but the tragedy of love took away the merriness of my soul. But Helloise brought back that jovial side of my soul and made me the real Xendrenos again.

I really owe Helloise big-time. 

Bumaling ang tingin ko sa lalaking umupo sa tabi ko. Ramdam ko ang pag-alsa ng sofa dahil sa bigat niya. Hindi siya nagsalita, pero mas ayokong magsalita.

"Dre, I'm sorry," panimula niya, "I'm wrong, I have come to think na inisip ko lang ang panganib sa labas pero hindi ang kapakanan ng iba. Helloise is a dear friend to me, but fear conquered me."

Tumingin ako sa lamesa na nasa harapan ko. "That's fine, Jay, at least na-realize mong mas mahalaga ang buhay ng isang tao. Alam kong delikado ang ginawa ko pero aware naman ako sa mga makakaharap ko sa daan."

"Yeah, that's right. So how was the search? Did you find her?" Bahagya siyang humarap sa akin at ipinatong ang braso sa sandalan ng sofa.

Marahan akong umiling. "No trace of her. Maggagabi na pero hindi ko siya nahanap. Sa bawat minutong lumilipas, mas nagiging delikado ang sitwasyon niya," tugon ko.

Tinapik niya ako sa balikat. "Don't lose hope. Next time, sasama ako."

"Are you that determined to save her? Suicide na 'yang ginagawa n'yo," singit ni Deze sa pag-uusap namin habang hawak-hawak pa ang isang kutsilyo. "Who knows kung namatay na siya or whatever. Bakit n'yo pa isusugal ang buhay n'yo para sa kaniya?"

Nagpanting ang tainga ko sa sinabi niya. Wala siyang karapatan na magsabi ng ganyan dahil hindi niya alam kung ano ang kalagayan ni Helloise ngayon. Her presumption was useless. Walang kasiguraduhan.

Napatayo si Jay at itinuro ang babae. "Don't say that, Deze. Are you sure na patay na talaga si Helloise? We are putting our lives in danger to save another life," depensa niya.

"At 'yan ang hindi ninyo dapat gawin," sagot niya habang iwinawagayway pa ang kutsilyo sa harapan niya. "You are putting your lives on something you don't even know if you'd survive or not, at hindi n'yo pa alam kung buhay pa ang ililigtas n'yo o patay na. Suicidal."

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon