Chapter 30: Blamed

127 4 0
                                    

HELLOISE IVONNE

"GUYS! Tara na kasi. Tikman lang natin ang tubig sa ilog, baka puwedeng inumin," pagpupumilit ko sa kanila. Sobrang nauuhaw na ako at alam kong sila rin pero ayaw talaga nilang uminom sa ilog. Mabuti sana kung umulan, may malinis kaming tubig na maiinom kahit papaano.

Nandito pa rin kami sa paanan ng tree house at malaki ang pasasalamat ko na hindi kami natutunton ng mga infected. Pero hindi pa rin garantisado ang kaligtasan naming lahat .

"How many times do I have to tell you na hindi ako iinom sa river na sinasabi mo," mataray na tugon ni Jiana na napatayo. "You are not even sure how safe it is, baka magka-diarrhea pa ako niyan." Umirap siya.

Siya lang ba 'yong inaaya ko? Akala mo prinsesa eh.

"Isang irap na lang talaga, babalibagin ko na 'yang gagang 'yan," bulong sa'kin ni Deze habang masamang nakatingin kay Jiana.

Napatayo na rin ako. "Ikaw lang ba ang inaya ko? Kung sino ang gustong sumama sa'kin, edi sumama kayo. Hindi ko naman kayo pinipilit eh. Basta pupunta na ako roon dahil hindi ko na matitiis ang uhaw ko."

Nagtinginan lang kaming lahat. Walang may nagsalita.

"Sasama ako kay Helloise," pagbasag ng katahimikan ni Xendrenos at napa-hands up pa.

"I'll go too," segunda ni Jay saka tumabi sa'kin.

"Me too," ani Kuya Hellion.

"Ako rin." Napatingin na lang ako kay Deze saka humalukipkip.

"Sama rin ako. Nauuhaw na rin ako eh."

Napatingin kaming lahat kay uncle na bumababa galing sa tree house. Agad naman siyang pinuntahan ni Xendrenos saka inalalayang bumaba.

In the end, lahat kami ay nagdesisyong pumunta sa ilog maliban kay Jiana.

Walang nagawa ang maarte nang iniwan namin siya kaya dali-dali niya kaming hinabol at ngayon nandoon na siya sa unahan ng grupo habang naglalakad.

Tumabi ako kay uncle. "Uncle."

"Ano 'yon?"

"Bakit kahapon mo lang sinabi na kilala mo pala ako dati pa? Sana sinabi n'yo na lang noong nandoon pa tayo sa bahay," wika ko na nakuha naman ang atensyon niya.

Saglit niya akong tiningnan. "Sasabihin ko naman talaga sa'yo noon, pero nang nalaman ko na wala kang may naaalala, tumahimik na lang ako, pero ginawa ko naman ang dapat 'di ba. Mainit kitang tinanggap, pero baka magtanong ka na bakit kita pinalayas noon kahit kilala kita, eh kasi kasalanan mo 'yon at kailangang mong parusahan."

Napatango na lang ako. Ang kumpleto ng sagot ni uncle ah.

"Naaalala mo na ba ako ngayon? Bumibisita rin ako sa inyo noon, noong wala pa ang epidemya."

Napatango ulit ako. "Medyo familiar nga kayo at naaalala ko na rin po kayo."

"Mabuti 'yan."

Tumango na lang ako at hindi na nagtanong pa sa kaniya ulit.

Nakarating kami sa ilog. Katamtaman lang ang agos nito at napakakalmado ng tubig. Puwedeng maligo nang hindi tinatangay ng agos.

"Sino ang unang titikim?" tanong ni Deze.

"Sino pa ba kundi 'yong nag-aya sa'tin na pumunta rito," sabat ni Jiana saka umirap.

Napabuga ako ng hangin. "Oo na. Ako na ang titikim."

Pumunta ako sa gilid ng ilog at tiningnang maigi ang tubig. Clear naman ang tubig at hindi maputik. Nakikita ko pa nga ang mga maliliit na bato sa ilalim.

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon