Chapter 3: Deadly Encounter

460 16 5
                                    

HELLOISE IVONNE

HUMIKAB ako kaagad sa aking pagbangon saka kinamot ang mga mata.

"V," mahinang sambit ko habang tini-trace sa ibabaw ng bandage ang marka ng sugat sa aking braso.

Hindi ko lubos maisip na natulog ako sa loob ng apat na araw at nagising na walang kaalam-alam sa nangyayari, walang kaalam-alam na may virus palang kumakalat sa lugar. Ganoon ba talaga kasama ng pagkabagok ko sa bangin na 'yon?

Napabuntong-hininga ako at sa aking paglingon, dumapo ang tingin ko kay Dezeverra.

Tiningnan ko siya habang natutulog. Naka-straight ang katawan at balot na balot ng kumot, pero nga lang nakanganga ang bibig.

The first time I met her, hindi maganda ang kutob ko sa kaniya. Parang hindi kami parehas ng vibe. Ewan ko parang naging mainit kaagad ang mga mata niya sa'kin.

Baka nga ito'y hate at first sight. Pero hindi ko siya kaaway ah. Siya ang unang umaway sa'kin.

And the way she calls me "tanga," gives me a reason to put an eye on her.

Since tulog pa naman siya, nauna na akong naligo. May banyo kami rito pero walang tubig. Kaya bago pa lumubog ang araw dapat nakaigib ka na ng ipanligo mo kinabukasan.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako at nagsuklay ng buhok. Habang nagsusuklay, nagulat ako nang biglang may sumigaw.

"HINDI!"

Napatingin ako bigla kay Deze na hinahabol ang kaniyang paghinga.

Kumunot ang noo ko. "Okay ka lang?"

Matalim niya akong tiningnan. "Really? Tinanong mo pa?" Hinahabol niya pa rin ang kaniyang paghinga pero medyo nahimasmasan naman.

Napapikit ako sabay hinga nang malalim dahil sa sinagot niya sa'kin. "Tinanong ka lang naman ah. Masama ba 'yon?" mataray kong sagot saka pinagpatuloy ang pagsusuklay ko.

"Itinanong mo kasi ang obvious na!" bulalas niya.

Ibinagsak ko ang suklay sa lalagyan nito at marahas akong lumingon sa kaniya. "Bahala ka sa buhay mo!" singhal ko saka lumabas ng kuwarto.

"Ewan ko sa'yo, tanga!" balik sigaw niya.

Bahala siya riyan. Ako na nga itong concern sa kaniya, siya pa ang may ganang magalit. Pero relate rin ako sa kaniya. Binangungot din ako noon at alam kong masama sa pakiramdam 'yon, lalo na kung kahindik-hindik ang bangungot na 'yon.

Bumaba ako ng hagdanan. Pero hindi ko naman alam kung saan ako pupunta.

Habang naglalakad ako pababa, napatingin ako sa mga kuko ko. Ang haba na pala at kailangan nang putulin. May nail cutter kaya sila rito?

"Aray," daing ko nang may bumangga sa balikat ko bago pa ako makalapag sa sahig.

"Haharang-harang ka kasi sa dinadaanan ko," walang emosyong turan ni Xendrenos nang nilingon niya ako. Paakyat siya habang ako'y pababa ng hagdanan. Nakasuot siya ng sando, na pinatungan ng leather vest, at pantalon.

Tumaas ang kilay ko. "Ang lawak-lawak ng daanan oh. At ang imposible naman na hindi mo ako nakita, sir?" sarkastikong sagot ko saka napaturo pa sa hagdanan.

Umigting ang panga niya saka mabagal na lumapit sa'kin. Nagtitigan kaming dalawa hanggang sa umatras ako, pero sa kasamaang palad, bumangga na ang likod ko sa railing ng hagdanan. Shemay.

Ikinulong niya ako sa pagitan ng kaniyang mga bisig nang ipatong niya ang dalawang kamay sa railing.

Umiwas ako ng tingin nang sumama ang titig niya sa'kin. Halos hindi ako makahinga.

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon