Chapter 4: Sorry

354 11 2
                                    

HELLOISE IVONNE

PAGKAGISING ko naligo ako kaagad saka nagbihis at nilisan ang kuwarto. Bahala na si Deze roon. Alam kong iinit na naman ang ulo niya sa'kin 'pag nakita niya ako.

Gumising ako nang maaga para paghandaan ang gagawin ko ngayon.

Siya na nga 'tong nagligtas sa'kin tapos susungitan ko lang siya at sasagutin ng sarkastikong sagot. Parang hindi naman tama 'yon.

Tahimik akong naglalakad sa hallway nang mahagip ng aking paningin ang isang pinto. Biglang nanindig ang mga balahibo ko pero nagkibit-balikat na lang ako saka dere-deretsong naglakad hanggang sa makababa ng hagdanan.

As usual, wala na namang tao sa sala. Nasaan na ba 'yong mga taong nakita ko kahapon? Gusto ko pa sanang maglibot-libot dito sa loob pero kailangan ko na siyang hanapin. Ayoko namang pumasok sa kuwarto niya dahil baka kung ano pa ang gawin niya sa'kin. I don't trust that guy.

Lumapit ako sa isang bintana saka dumungaw sa labas. Biglang dumagundong ang dibdib ko nang makita si Xendrenos sa 'di kalayuan na hawak-hawak ang isang pana. Nag-e-ensayo siya siguro ng pangdepensa sa mga infected.

Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya.

Napalunok ako. Kailangan ko talaga siyang harapin at humingi ng tawad.

Akma na akong hahakbang para lumabas sa pinto nang biglang may kumalabit sa balikat ko.

"Maayos na ba ang kalagayan mo, Helloise?" tanong ni uncle nang nakangiti.

Ngumiti ako sabay yuko nang bahagya. "Opo, maayos na po ang kalagayan ko, uncle. Nakatulog naman kasi ako kaya agad akong naka-recover mula sa nangyari."

"Mabuti. Tara mag-umagahan-slash-tanghalian na tayo," sabi niya saka tumawa at naglakad na.

Napatawa rin ako saka sumunod sa kaniya. Twice a day lang silang kumakain. Oo nga naman, ang hirap kayang maghanap ng pagkain ngayon. Lalo na't malala ang sitwasyon sa lugar na ito.

"Velandrel," pagtawag ni uncle kay Jay nang bumaba ito sa hagdanan.

Napalingon naman ang binata. "Yes, uncle?" Napatingin siya sa'kin at ningitian ko siya pero isang tango lang ang natanggap ko mula sa kaniya.

"Tawagin mo na sina Dezeverra at Xendrenos. Kakain na tayo," utos ni uncle.

Tumango naman si Jay. "Right away, uncle."

Naglakad na kaagad kami ni uncle papunta sa kusina.

Umupo ako sa aking upuan. Kumunot naman ang noo ko nang hindi umupo si uncle. Nang pagkakita kong kumuha siya ng mga kubyertos, tumayo ako kaagad saka tinulungan siya.

"Ako na po, uncle. Maupo na ho kayo," wika ko.

Mahinang tumawa si uncle at sinunod ang sinabi ko. "Pagpasensyahan mo na, Helloise, na dalawang beses lang tayong kumakain sa isang araw." Dinig kong wika niya. "Nagtitipid kasi tayo sa pagkain at mahirap kumuha ng supplies sa siyudad."

Inilagay ko lahat ng mga kubyertos sa lamesa. "Okay lang po, uncle, at least may kinakain pa tayo," sagot ko saka inihain naman ang kanin at ulam. Hindi man marami, pero sakto lang para mabusog kami kahit papaano.

"Morning, uncle."

Napatingin kaming dalawa ni uncle kay Deze na pumasok sa kusina na humihikab pa. Tamad siyang naglakad papunta sa upuan niya saka kumain kaagad. Napataas ang kilay ko. Wala ata sa plano niyang hintayin ang iba.

"Dahan-dahan lang, Dezeverra," malumanay na suway ni uncle habang nakatingin kay Deze, ni hindi man lang niya pinagalitan ang babae. Unbothered ah. Kung okay lang kay uncle ang ginawa ng babaeng 'to, puwes, sa'kin hindi.

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon