Chapter 13: Evil Hanky

167 6 0
                                    

DEZEVERRA KIN

"BULL'S eye!" bulalas ko nang tinamaan ko ang target sa gitna.

Kanina pa ako nagpapana rito. Pagkatapos ng umagahan, dumeretso ako rito at inilabas ang inis ko na kahapon ko pa itinatago. Of course, I let it out yesterday nang panain ko ang dakilang tanga na si Helloise, pero one-fourth pa lang 'yon at hindi pa buo.

"Another bull's eye!" Tumama ulit ang pana sa gitna ng target.

Why did you came here, Helloise? Nasira ang buhay ko nang dumating ka!

Masaya na sana ako dahil nasa akin lang lahat ng atensyon nina Uncle Ves, Kuya Hellion, at lalong-lalo na si Jay, hanggang sa dumating ka at inagaw sa'kin lahat ng 'yon!

I want you gone in my life, Helloise, and I'll make it happen.

Hindi ko pa rin nakalimutan ang pangyayaring 'yon. Pagkatapos gano'n na lang? Gano'n lang nila basta-bastang tinanggap si Helloise dahil nakita siya ni Xendrenos sa paanan ng bangin? Napakatanga nilang lahat!

Ano ba ang meron kay Helloise na wala sa akin? Ang kaputian ng balat? Ang matangos na ilong? Kung ako lang sana ang nakakita sa kaniya noon, tiyak na wala na siya sa lecheng mundo na 'to!

For the last shot, tinamaan ko ulit ang gitna ng target. Walang mintis! Dito ko lang nailalabas ang inis ko sa lecheng buhay na 'to.

"Baka mapagod ka sa kapapana sa pangalan ni Helliose." Dinig ko ang pagtawa ng isang lalaki sa likuran ko.

Lumingon ako sa kaniya. "Kahit abutin pa ako ng madaling araw, hindi ako mapapagod kapapana ng tangang 'yan!" Itinuro ko ang target na may nakasulat na pangalang "Helloise."

"Bakit ba ang init ng ulo mo kay Helloise, Deze? Mabait naman siya ah," tanong ni Kuya Hellion saka lumapit sa akin at umupo sa hagdanan ng veranda.

Pagkarinig ko ng 'mabait' parang masusuka ako. Hindi siya mabait. Marunong lang siyang makisabay at makisama sa mga tao rito kaya nakuha niya ang simpatya nilang lahat. In short, sipsip. Isa siyang napakalaking tanga sa paningin ko. At kailan man hindi huhupa ang kumukulong dugo ko sa kaniya.

I smirked saka tumingin sa malayo. "Unang kita ko pa lang sa kaniya, kumulo na agad ang dugo ko. At mas lalong kumulo iyon nang tinanggap siya agad ni uncle. May kakaiba akong naramdaman sa kaniya. Tiyak na hindi maganda," sagot ko saka tinusok-tusok ang lupa gamit ang pana.

Napatawa siya. "Grabe ang radar mo ah. Wala naman akong nakitang mali sa kaniya."

Napabuntong-hininga ako.

"Galit ka ba sa kaniya dahil sa nakaraan mo?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Puwedeng oo, puwedeng hindi.

Napatawa ako nang mahina. "Kuya Hellion, wala na ang nakaraan. Tapos na 'yon."

"Kahit tapos at nangyari na, hindi pa rin 'yon mawawala nang basta-basta dahil napagdaanan mo ang nakaraang 'yon at naging parte ka no'n," seryosong sambit niya na ikinatigil ko naman.

Napagdaanan ko ang napakasakit na nakaraan at hinding-hindi ko makakalimutan 'yon hanggang magunaw 'tong mundo.

It happened because of him.

"Pero sana walang madadamay na inosente dahil galit ka sa nakaraan mo," pagpapatuloy niya.

Napatingin ako sa kaniya. "Alam mo Kuya, minsan naisip ko rin na sadyang may mga taong suwerte at may iba namang hindi mapalad. Katulad sa'kin. Dapat ko munang pagdaan ang pangyayaring iyon bago ako nakaligtas, pero si Helloise tinanggap nila agad. So unfair kaya 'yon."

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon