HELLOISE IVONNE
BACK to my normal life! Balik na naman ako sa kuwarto kung saan magkasama kami ni Deze.
Galit pa rin ako sa kaniya dahil hindi man lang siya masaya na ligtas ako at hindi man lang ako nagawang i-welcome. Medyo malungkot, pero masaya pa rin ako dahil naligtas ako uli at lalo nang napatawad ni Uncle Ves ang katigasan ng ulo ko.
Bumangon ako saka nag-inat-inat ng katawan. Pagkatapos mag-exercise, inayos ko ang kama.
Balot na balot pa ng kumot ang buong katawan ni Deze at naririnig ko pa ang kaniyang mahihinang hilik. Wala namang masyadong ipinagbago ang kuwarto namin maliban sa mga damit kong nakatago na at muntik ko nang hindi mahagilap.
Pagkatapos ng bathing routine ko, lumabas na ako ng kuwarto. Ayaw kong makasagutan si Deze na bagong gising. Mas mabuting ako na lang ang iiwas sa gulo para walang gyerang magaganap at para ma-maintain ang peace and order sa lugar na 'to.
Bumaba ako ng hagdanan at tumambad sa akin si Jay na nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro. Katabi niya si Xendrenos na umiinom ng kape at katabi naman ni Jay si Kuya Hellion na nakatalikod sa akin.
"Good morning, Mupy!" masiglang bati ni Xendrenos nang mapansin ang presensya ko. "Upo ka rito, dali!" pag-aaya niya saka sinenyasan akong lumapit gamit ang pagkumpas ng kamay.
Nakita ko naman si Jay na nakatingin sa akin pero hindi ko alam kong ngingiti siya o hindi. Klarong-klaro naman ang ngiti ni Kuya Hellion sa paningin ko.
Umupo ako sa katabing sofa na inuupuan nina Xendrenos at Jay habang nakangiti.
"Maaga kayong nagising ah!" panimula ko.
Nakatuon ang atensyon nina Xendrenos at Kuya Hellion sa'kin, pero pasulyap-sulyap lang si Jay na parang may ginawang kasalanan na ayaw niyang malaman ko.
"Helliose, sorry for what Jay has done to you."
"Kuya!"
"Quiet! Ikaw ha, manahimik ka riyan," singhal ni Kuya Hellion sa kapatid niya.
Ibinaling ulit ni kuya ang tingin niya sa akin. "Xendrenos told me everything na nangyari sa ilog noong nakaraang araw. I can't imagine na masasabi 'yon ni Jay sa'yo."
Ah, 'yon siguro 'yong mga sinabi sa akin ni Jay na may double meaning. Pagbantaan ba naman ako. Akala niya siguro hindi na ako babalik sa bahay, pero diyan siya nagkakamali, nakabalik ako sa hindi inaasahang panahon.
"Naku wala 'yon. Lumabas lang talaga ang pagka-joker ni Jay. Inaasar niya lang ako noon," natatawang tugon ko.
Umismid naman si kuya. "Joker ha. May pa 'do you want us to warm you up' pa siya at 'pleasurable punishment' pang nalalaman. The Jay you saw that day is not the real Jay. Lumabas ang pagka-pervert—"
"Kuya, that's enough! I'm not like that. You're just green minded," singhal ni Jay na magkasalubong ang kilay. Dumadausdos siya sa sofa na parang gusto niyang magtago sa loob nito. Namumula siya dahil sa hiya at lalong hindi na makatingin sa akin. Nang mahuli niya akong nakatingin sa kaniya, agad niyang kinuha ang unan sa tabi sa Xendrenos saka itinakip ito sa mukha niya.
Green minded? Relatable pala kami ng kuya niya.
"Ha? Green minded mo mukha mo! That was the first time I heard you saying that. You're not like that before, pero nagawa mo kay Helloise," dagdag pa ni kuya. Mukhang hindi niya talaga matanggap ang nagawang kalokohan ng kapatid niya.
Ramdam ko ang paglapit ni Xendrenos sa akin. "Gusto ka lang asarin ni Jay noon pero hindi niya in-expect na makakabalik ka kaagad dito kaya nahihiya siya sa'yo. Aware siya sa mga pinagsasabi niya noon," bulong niya.
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Ciencia Ficción[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...