XENDRENOS LUVEN
SINUNDAN ko ng tingin si Helloise hanggang sa mawala siya sa paningin ko.
I couldn't believe it. Hindi ako makagalaw dahil sa nalaman ko. Hindi ko inakala na ang babaeng mabait, masiyahin, medyo maldita, at nagpatibok ng puso ko ay ang may gawa ng salot na ito, ang may pakana ng epidemyang sumira ng mga buhay namin.
But why? Ganoon ba talaga kalupit ang tadhana para mangyari 'yon? At isa pa, hindi naman alam ni Helloise kung 'yong mixture nga niya ang ginamit ng lolo niya sa experimental subject o ibang formula.
Pero siya na ang nagsabi na pinaghalo niya ang Cleoprine at Rabies virus kaya may Aestheticus virus kami ngayon gaya ng sabi ni uncle.
Napabuntong-hininga ako saka napayuko at naglakad patungo sa kahoy at sumandal doon. Maraming gumugulo ngayon sa isipan ko. Maraming mga tanong ang sumulpot na hindi ko alam ang sagot.
"Sabi na nga ba! Dapat nilunod ko na lang ang babaeng 'yon!" may diing asik ni Deze saka sinipa ang isang halaman.
"Yeah, sana pinatay mo na lang ang girl na 'yon, Deze," segunda ni Jiana.
"Sinubukan mong lunurin si Helloise noon, Dezeverra?" Napatingin ako kay uncle nang magsalita ito. Nakaupo siya sa isang bato. "Akala ko kusa siyang nalunod noon."
"Tama ang pinagsasabi ko noon, uncle. Pero pinagtanggol siya ni Helloise at pinagtakpan ang mali niya," pagsingit ko.
"Bakit mo nagawa 'yon, Deze?" tanong ni uncle.
Tumaas naman ang kilay ni Deze. "Bakit ako ang naging paksa rito? Wala na 'yon, uncle. Nilunod ko man o hindi si Helloise, hindi na importante 'yon," depensa niya. "Ang importante ngayon ay kung bakit hinayaan lang natin siyang umalis na dapat ay pinatay natin siya dahil siya ang may gawa ng virus na 'to!"
"Deze's right, uncle." Napabuntong-hininga ako nang gumatong na naman si Jiana. "Helloise is the devil after all. She's the reason why we are enduring these rough times in our lives. She's the reason why we are suffering right now, and more importantly, siya ang may kasalanan kung bakit naging ganito ang mga buhay natin."
Nanahimik lang ako at tinapunan ng tingin sina Jay at Kuya Hellion sa isang gilid, nanahimik din. Nakikinig naman sina Jino at Frevie sa isang gilid.
Kahit ano'ng pagsasalita ang gawin ko, hindi 'yon mababago ang sitwasyon ngayon kahit kaunti. Ang dapat naming gawin ay ang manatiling buhay hangga't sa makakaya namin.
"Ano na?! Aren't we doing something to capture that bitch and make her pay for what she did?" Napapikit ako dahil sa inis nang magsalita na naman si Jiana. "Papalampasin n'yo na lang ba 'to? That Helloise—"
"Puwede ba, Jiana, itikom mo 'yang bunganga mo!" bulyaw ko sa kaniya saka itinuro ang bibig niya. "May magagawa ba 'yang bunganga mo para maitama ang lahat ng ito? May magagawa ba 'yang layunin mo na patayin o dalhin si Helloise sa impyerno para maibalik sa dati ang lahat?" Umabante ako. "'Di ba wala? Walang magbabago kahit ano pa ang gawin mo! Walang magbabago—"
"Oo na! Oo na, Xendrenos, walang magbabago, pero may pakiramdam ka ba?" sigaw niya na nagpatigil sa'kin. "What did you feel when you discovered that the girl you treated as a friend and a special someone was the one who caused all of this shit?!" Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sa'kin.
"Nagalit ako! Galit na galit. Pero ano ang magagawa ko? Kahit magalit pa ako ng ilang taon dahil kay Helloise, wala pa ring mangyayari." Huminga ako nang malalim. "Syempre, kukulo ang dugo mo 'pag nakita mo siya, pero ang punto ko ay kung maibabalik ba ng galit mo ang lahat sa dati? Hindi. Hindi talaga. Kaya ang dapat nating gawin ay ang humanap ng paraan kung paano maka-survive. Hindi 'yong pairalin ang galit sa kapwa natin!"
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Science Fiction[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...