XENDRENOS LUVEN
TINAGA ko ang isang infected sa ulo saka sinipa pababa ng hagdanan. That was the last infected I've killed. Sa dami nila, halos hindi ko mabilang ang mga infected na nakasalubong at napatay ko.
Natatanaw ko na ngayon ang daan papunta sa rooftop at ilang hakbang na lang ay makikita ko na sina Jay, Jiana, at Kuya Hellion at sabay kaming tatakas na apat.
Mabilis akong naglakad papunta sa hagdanan. Hindi ako puwedeng tumakbo dahil napakatahimik ng hallway at maririnig talaga ang mga yapak ng mga paa ko.
At habang naglalakad ako, maya't maya naman ang pangingilid ng luha sa mga mata ko.
Parang may dala-dala akong isang toneladang bato sa aking puso dahil sa pagkamatay ni Helloise. Gustohin ko mang manatili sa kaniyang tabi at umiyak magdamag, hindi puwede. Hindi ko matutupad ang kagustuhan niyang mabuhay ako. Kahit anong bigat ng dinadala ko ngayon, kakayanin ko para mabuhay at matupad ang kahilingan niya.
Hinihingal kong pinihit ang seradura ng pinto ng rooftop saka binuksan ito. Mabuti na lang hindi naka-lock. Dalawa ang rooftop door ng city hall at tanaw ko mula rito ang isang rooftop door. Ni-lock ko ang pinto saka iginala ang tingin sa paligid.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang napagtantong...
Wala sina Jay, kuya, at Jiana. Takte. Nasaan sila?
Tumakbo ako sa kung saan pero walang tao. Habang nililibot ang buong rooftop, wala akong nakitang bakas nilang tatlo. Panay lingon at tingin ko sa pinto dahil baka may sumulpot na infected at atakihin ako.
Bumagsak ang balikat ko nang tumigil ako sa gitna ng rooftop. Huminga ako nang malalim at mabagal na bumuga ng hangin.
Ako na lang mag-isa.
Wala na akong kasama.
Wala na sila.
Ito pala ang pakiramdam ng mag-isa ka na lang na nabubuhay: gulong-gulo ang utak; hindi alam kung ano ang gagawin; nagkabuhol-buhol na ang desisyon sa buhay; at nawalan na ng ganang magpatuloy sa buhay.
Parang biglang nawalan ng ilaw ang puso ko at naging madalim.
Nanunubig ang aking mga mata nang tumingala ako sa kalangitan. Makulimlim ito at nagbabadyang umulan.
Ito na ba ang katapusan ko?
Dito na ba matatapos ang kabanata ng buhay ko?
Mapakala akong tumawa. Takte. Hindi pala ako mamamatay sa kagat ng infected, kundi mamamatay pala ako dahil sa kalungkutan at paghihinagpis.
Unti-unting bumaba ang tingin ko at dumapo ito sa hanggang baywang na dingding ng rooftop. Hindi ko alam pero may pumasok na ideya sa isipan ko na parang gusto kong gawin.
Wala sa sariling inayos ko ang aking bag sa likod saka humakbang patungo sa gilid. Deretso ang aking tingin habang humihinga nang malalim. Tumigil ako, saka sumampa sa ibabaw ng dingding.
Nakatingin lang ako sa mga abandonado at sirang building sa 'di kalayuan. Napapalunok ako habang kinakapa ang baril sa aking bulsa.
Tumulo ang luha ko nang ikinasa ko ang baril. Humagulgol ako habang unti-unting ipinoposisyon ang muzzle nito sa aking sentido. Napapikit ako nang inilapat ang daliri sa gatilyo.
"Gusto ko lang ipaalam sa'yo na wala na sa'kin ang puso ko."
"Hah? Wala na? Bakit naman?"
"Kasi na sa'yo na."
"Good night, Helloise. I love you."
"I love you, too."
"Sana nga matupad ang sinabi ko kanina na magkasama tayong matulog sa isang kama na may mainit na kumot at unan habang suot-suot ang ating mga wedding rings."
"Oo, Suby, gagawin natin ang lahat para maisakatuparan ang pangarap na pinapangarap nating dalawa."
"Tapos magkakaroon tayo ng limang anak."
"Hinay-hinay naman! Hindi pa nga tayo nakatakas sa lugar na 'to, mga anak na kaagad ang nasa isipan mo."
"Basta walang iwanan ha. May pangarap pa tayong tutuparin."
"Oo naman. Walang iwanan."
"Mahal kita, Helloise, at 'wag mo na akong iiwan ha."
"Mahal din kita, Xendrenos, at hindi na kita iiwan kahit kailan."
"Sinasagot na kita."
"Tayo na?"
"Oo, tayo na talaga."
"Yes!"
"Suby, alam mo ba, kung may bahay na tayo, gusto kong may tree house rin sa bakuran natin."
"Oo naman, Mupy. 'Yan din nga ang gusto ko kasi mahilig talaga ako sa mga ganito."
"Napakaraming memories ang nabuo sa tree house na 'to. At gusto kong balikan kapag nasa maayos na buhay na tayo."
"Ano ang dream wedding mo, Mupy?"
"Dream wedding? Gusto ko sa simbahan tapos ang theme ay white wedding, 'yong suot nating lahat ay puti."
"Maganda 'yan, Mupy. Tapos 'yong reception ay sa beach."
"Oo, Suby. 'Yan talaga ang pinapangarap ko noon pa."
"Matutupad din natin 'yan, Mupy, tiwala lang."
"Kahit ano'ng mangyari, ingatan mo ang sarili mo ah. Matuto kang mahalin ang sarili mo."
"Ako dapat ang magsabi sa'yo niyan, Mupy. Love yourself and let me love you. Nandito lang ako palagi para sa'yo."
"Mahal na mahal kita, Helloise. Ikaw ang buhay ko."
"Mahal din kita, Xendrenos. Mag-iingat ka palagi."
"Hanggang dito na lang ako, Suby. Hindi ko na kaya..."
"U-Umalis ka na... Suby, umalis ka na..."
"H-Hindi... Hindi kita iiwan... Mupy, naman eh..."
"Mahal kita, at pakiusap mabuhay ka para sa'kin."
"Mahal na mahal din kita, Helloise. Ikaw lang ang Mupy ko. Mabubuhay ako para sa'yo."
"UMALIS KA NA! IWAN MO NA AKO RITO! ILIGTAS MO ANG SARILI MO!"
Bumalik lahat ng mga alaala ko noong magkasama pa kami ni Helloise, noong buhay na buhay pa siya.
Napasinghap ako at napapikit ng mga mata. Humahagulgol ako habang iniisip ang mga pangarap na binuo naming dalawa.
We both dreamed of our bright future. We daydreamed of the tomorrow we could have. We promised to never leave each other.
But all of those aspirations are now in vain.
Now that I'm all alone, what else could I do?
Wala na akong gana pang tuparin ang mga pangarap namin sa isa't isa. At paano ko naman matutupad 'yon kung wala siya?
I guess this is where my life ends.
There's no one with me now, but myself alone.
"Pakiusap mabuhay ka para sa'kin..."
Pasensya na, Mupy, kung hindi ko na matutupad ang pangako ko sa'yo. Siguro ito na ang oras para samahan kita sa kabilang buhay.
It's time to meet you in paradise, Mupy, where we could be together for all eternity.
May narinig akong bayolenteng pagkalabog ng pinto. Nandito na ang mga infected. Wala na akong kawala. Kung mamamatay man lang ako dahil sa kagat nila, puwes, hindi ako papayag.
Once na makalabas sila sa pintong 'yan, kakalabitin ko ang gatilyo.
"Xenxen, don't do it!"
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Science Fiction[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...