HELLIOSE IVONNE
ANG MGA nangyari kahapon ay isa sa mga masasaya at nakakakabang pangyayari sa buhay ko.
Pagkatapos nilang maligo sa ilog, umuwi sila kaagad. Baka raw mapagalitan pa sila ni Uncle Ves at ang mas malala pa, baka sunduin sila ni Deze, mahirap na baka makaakyat ang chakang 'yon at makita pa ako.
New day, new beginning, ika nga nila.
Napahikab ako saka nag-stretching ng katawan. Sinuklay ko ang buhaghag kong buhok saka tinalian ito. Malakas ang ihip ng hangin sa labas kaya mas mabuting nakatali ang buhok.
Naisipan kong lumabas at doon tumambay. Masarap ang simoy ng hangin at kahit magdamag pa ako roon, hindi ako mabo-bored. Maganda ang paligid at hindi nakakasawang tingnan.
Napapangiti ako habang inaalala ang mga nangyari kahapon. Muntikan na talaga. Ewan ko lang kung tama ang iniisip ko tungkol sa kanila ni Xendrenos o baka gawa-gawa ko lang dahil mga lalaki sila. Ang ibang lalaki kasi hahanap lang ng tamang timing para maisagawa ang kanilang masamang balak lalo na kapag nasa weak point ang mga babae. Naku, sana hindi ganoon sina Xendrenos at Jay, and na-prove naman nilang mabait sila kahapon.
Mas masaya sana kung kasama nila si Kuya Hellion, miss na miss ko na kaya siya.
At bakit pa ba nakikialam si Dezeverra? Dapat nga hindi na siya nangingialam sa buhay ng iba. Pakialamerang feeling main character lang ang peg?
Napahampas ako sa sanga nang maalala ulit ang sinabi sa akin ni Xendrenos nang sabihin ko sa kaniya na nawawala ang retrato ni Sunny.
"Tapos na kayo?"
"Oo, tapos na, gusto mo maligo ulit? Willing kaming samahan ka."
"'Wag na. By the way, may sasabihin ako sa'yo."
"Ano 'yon?"
"Pagkagising ko kaninang umaga wala na ang retrato ni Sunny. Ewan ko kung saan napunta, but trust me, wala akong kinalaman sa pagkawala ng retrato. Pati nga ako nagulat kung bakit nawala. Basta wala akong kinalaman... Bakit ka napatawa?"
"Ako ang kumuha no'ng gabing 'yon. Hindi na kita sinabihan dahil madidisturbo lang kita at nakalimutan ko ring sabihin sa'yo ngayon."
"She really defended herself, Dre."
"'Wag nga kayong tumawa! Nakakainis kayo!"
"Nakakatawa lang kasi na worried ka sa isang bagay na dapat senisilosan mo—"
"Hindi ako nagseselos o ano man dahil wala naman akong dapat selosan, Xendrenos. Pagmamay-ari mo 'yon. Kung mawala man, ako ang pinakamalapit sa bagay na 'yon. Baka ako pa ang pagbintangan niyong kumuha no'n."
"Kalimutan mo na. Kinuha ko para sa ikatatahimik mo."
Parang tanga ako kahapon. Tama si Jay, denipensahan ko ang sarili ko kahapon. Seryosong bagay kaya ang pagnanakaw, at malaking mantsa 'yon sa pagkatao ko kung pinagbintangan nila ako na ako ang kumuha kahit hindi naman ako. Mabuti na lang at nagkalinawan kahapon.
"TULONG!"
Napapitlag ako sa kinauupuan ko nang may narinig akong isang tinig na hindi malayo sa kinaroroonan ko ngayon.
Nagmasid ako sa paligid para hanapin ang taong nagmamay-ari ng boses pero wala akong nakita. Pumasok agad sa isipan ko na baka hindi rito malapit sa tree house ang lokasyon ng taong humihingi ng tulong.
"TULONG!!"
Tuluyan akong napatayo. Napakapit ako sa sanga pero ang pandinig ko ay nagbabantay sa posibleng pagsigaw ulit ng tao sa 'di kalayuan. At sino naman kaya 'yon? Bagong survivor? Kung ako ang makakakita sa kaniya puwedeng ipadala ko siya kay Xendrenos kung sakaling makapunta siya ulit dito.
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Science Fiction[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...