JIANA PENELOPE
I WAS thankful that I was saved from the danger outside, pero ang mga tao sa paligid ko ay hindi kabilang sa social class ko. I was born rich, had standards in fashion, and I was selective when it comes to my food. And these people around me were so old-fashioned. And the house? Well, not-so-pretty in my sight. Malaki lang siya pero hindi pasok sa standards ko as a rich lady and a designer.
Nandito ako ngayon sa isang kuwarto at ang kasama ko rito ay sina Helloise at Dezeverra. Dito nila ako dinala pagkatapos nila akong sugatan, at para makapagpahinga ako. Napatingin ako sa bandage na nakatakip sa sugat ko. Kailangan pa ba 'to?
I roved my gaze around the room while sitting on my bed. Ang masasabi ko lang is... this house is medieval. Napataas ang isang side ng labi ko na parang nandidiri. Napakaluma na ng kuwarto at kulang na lang ay aamagin na.
I wanted a room just for me, pero wala silang maibigay. I was used kasi na mag-isa lang sa room because only daughter ako nila mommy at daddy kaya may sarili akong room. I thought there were many rooms in this house dahil malaki. Pero disappointed ako.
Napabuntong-hininga ako. Ano pa ba ang magagawa ko? They saved me, so I should be thankful to them. But I have a life that I used to live. My luxurious life. Pero nawala 'yon nang mangyari ito. But I found someone that can make me happy.
I mashed my blanket saka niyakap ito habang kinikilig, parang 'yong mukhang nakainom ng suka. Naalala ko kasi siya. Ang cute niya, and his dimple was melting me. I like his baddie style and spiky hair. My type of man when it comes to physical appearance.
Hi, Jiana. Ako si Xendrenos Luven Helveno, 21 years old, February 8 ang birthday ko.
Kyahhh! Mas lalo ko pang niyakap ang kumot ko nang napakahigpit. Hindi ko talaga mapigilang isipin siya.
No, Jiana. Hindi mo pa siya kilala. Pero feel ko kasi na siya na ang hinahanap ko. Sa lahat ng mga exes ko, walang matino sa kanilang lahat. I'm still looking for someone to love me more. And baka siya na nga ang taong 'yon.
Kakausapin ko kaya siya ngayon? I'll go downstairs and talk to him, para makilala ko pa siya lalo.
Sige sige!
I jumped off my bed, had my shower, and dressed myself. Pinili ko talaga ang pinakamagandang damit na babagay sa akin. I don't care kung sino ang nagmamay-ari nito as long as I pleased myself.
Lumabas ako sa kuwarto na may ngiti sa labi.
When I turned my back on the door, I faced a familiar man. Hindi lang siya familiar, kundi familiar na familiar sa utak ko.
Mabibilis ang hakbang niya patungo sa akin. Napakaseryoso ng mukha at titig na titig sa daanan.
"Hi..." nahihiyang bati ko sa kaniya. Inilagay ko ang dalawang kamay ko sa likod saka tumingin sa kaniya.
"O, Jiana, okay ka na ba?" agarang tanong niya nang sinalubong ko siya.
Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Malapad naman akong ngumiti. "Okay pa ako sa okay," mahinhin kong wika saka pinaglaruan ang buhok ko.
"Ah mabuti naman pala," sagot niya. "Sige, punta muna ako sa kuwarto ko."
"Teka," wika ko sabay hawak sa braso niya para mapigilan siyang humakbang. His arm was brawny.
"Ano 'yon, Jiana?" tanong niya.
"I just want to say na... ang pogi mo," wala sa sariling saad ko. I'm still staring into his gleaming black eyes.
He smiled. Lumabas na naman ang dimple niya. Ang cute talaga! "Ang galing mo nang mang-uto ah. O sige na, may kukunin lang ako saglit," wika niya. He held my arms and gently pushed me aside to clear his way toward his room.
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Science Fiction[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...