HELLOISE IVONNE
Pinatay niya ang lalaki.
Pinatay niya ang adik!
Tumagos talaga ang kahoy sa ulo ng adik. I've never witnessed a murder like that before.
But he saved me.
Pero bakit itim ang dugo ng adik? Bakit napakaputi ng balat niya? Bakit pula ang kaniyang mga mata? Bakit duguan ang bibig niya?
Ano'ng klaseng droga ang nilagok niya?
Pero adik ba talaga 'yon?
"Gusto niya bang magpakamatay? Alam niya namang maraming mga infected sa labas 'di ba?"
"Does she really know the situation we're currently in?"
"Ewan ko—Gumagalaw ang mata ng babae oh. Gising na ata."
Pagkamulat ko, tumambad sa'kin ang dawalang taong tutok na tutok sa pagmumukha ko. Muntik na akong tumalon sa kinauupuan ko dahil sa kanilang dalawa.
"Are you okay?" tanong ng lalaking medyo may kapayatan. Parang pang-oppa ang style ng buhok nito, singkit at light brown ang mga mata, maamo ang mukha, may maliit na nunal sa kaliwang pisngi, maputi ang balat at parang hindi makabasag pinggan. Nakasuot ito ng simpleng puting t-shirt at shorts.
"Naputulan ka ba ng dila?" segunda naman isang babaeng masakit tumingin, kayumanggi ang balat, nakasimangot, at halatang maldita. Hanggang kilikili ang haba ng kulay brown niyang buhok. Bumagay naman sa kaniya ang yellow na dress na kita ang kurba ng kaniyang katawan. "Hoy! Kinakausap ka namin!"
Sumama ang tingin ko sa babae nang sinigawan niya ako. Hindi pa ako gaanong naka-recover kaya hindi agad ako nakapagsalita.
Dumapo ang tingin ko sa isang lalaking nakahalukipkip na nakasandal malapit sa pintuan. Nakasalubong ang mga makakapal niyang kilay habang matalim na nakatingin sa'kin. Spiky ang style ng buhok niya, at mala-bad boy ang porma—black sando at vest, at itim na cargo pants.
Siya 'yong lalaking pervert na kumidnap at humabol sa'kin sa gubat, at ang pumaslang sa adik kanina.
"Siya 'yong pumatay sa adik kanina!" Umupo ako nang tuwid habang nanlilisik ang mga matang nakatingin sa lalaki. "Siya 'yong kumidnap sa'kin! Walang hiya ka!"
Akma akong tatayo para atakihin ang lalaki nang bigla akong hinawakan ng mala-oppa-ng lalaki sa magkabilang balikat at puwersahan akong isinandal pabalik sa upuan.
"Ugh," daing ko. Masama ko siyang tiningnan saka pinilit na makawala ulit pero sobrang lakas ng kapit niya sa balikat ko at sumasakit na ito.
"Kumidnap sa'yo? Adik?" Nanunuyang sambit ng lalaking makapal ang kilay saka naglakad patungo sa'min. Kahit nakangisi, matalim pa rin ang tingin niya sa'kin. "Baliw ka ba?" Tumawa siya nang nakakaloko. "Hindi ka kinidnap, at lalong-lalo na na hindi adik ang pinatay ko. Wala akong pinatay na tao!" sigaw niya sa pagmumukha ko na may kasamang panduduro, pero hindi ako nagpatinag. Nilabanan ko ang tingin niyang tagos sa buto. Itim ang kaniyang mga mata, matangos ang ilong, at manipis ang mga labi. Mala-anghel ang kagwapuhan ng isang 'to.
"Xendrenos!"
Napatingin kaming lahat sa matandang lalaking bumababa sa hagdanan. Sa tingin ko ay nasa mid-thirties na siya, at may receding hairline ito. Nakasuot ng salamin, polo shirt, at pants.
Lumuwag ang kapit ng lalaking pumigil sa'kin saka sila umatras ng babaeng katabi niya.
"'Wag mo siyang sigawan. Kausapin mo siya nang masinsinan, maliwanag?" Mahinahon pero may otoridad niyang wika sa lalaking Xendrenos daw ang pangalan.
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Science Fiction[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...