HELLIOSE IVONNE
TUMALSIK ang kaluluwa ko nang marinig ang boses ni Dezeverra. Agad kong naitutop ang kamay ko sa bibig habang nanlalaki ang mga mata. Hindi man masyadong malakas ang dinig ko sa sigaw niya rito sa laboratoryo, at least narinig ko at kailangan ko nang lumabas.
Hindi ako mapakali. Basang-basa ng pawis ang mukha ko kaya pinunasan ko kaagad. Nanginginig ang kalamnan ko at parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Napahawak ako sa railings saka kinapa ang dibdib.
Huminahon ka, Helloise... Hindi makakatulong sa'yo ang pagpapanic.
Huminga ako nang malalim saka dahan-dahang kinapa ang switch at pinatay ang ilaw. Dali-dali akong umakyat sa hagdanan na walang iniisip kundi ang makalabas na hindi nahuhuli ng sinuman.
Pagkasara ko ng pinto, ibinagsak ko ang likod sa dingding. Malalim at mabilis ang aking paghinga, halos hindi ko na mahabol, dagdagan pa ng matinding kaba ng puso ko na halos kumawala na sa dibdib ko.
Napahilamos ako ng mukha saka inayos ang sarili. Hindi ako puwedeng magtagal dito. Mahaharap ako sa malaking problema 'pag nahuli nila akong nakatambay rito.
Nagsimula akong maglakad hanggang sa bumaba ng hagdanan. Nadatnan ko silang apat sa sala na naka-upo at medyo hinihingal pa. Dinalhan sila ni Loisa ng tubig at agad naman silang uminom.
Hinanap ko si Xendrenos. Nasa pintuan siya at nag-aayos ng backpack. Binuhat niya ang dalawang malalaking bag saka naglakad. Nagfe-flex ang muscles nito dahil sa mga dalang gamit.
Gosh! He's brawny, bodacious, and enigmatic! Parang need ko ng pamaypay at saka malamig na tubig.
Nagtama ang mga tingin namin ni Xendrenos at sa kaniyang tipid na ngiti, biglang dumagundong ang dibdib ko. Agad akong napaiwas ng tingin saka napakurap.
Sheems, what was that?
Napabuga ako ng hangin.
Ba't naman kasi pabigla-biglang ngumingiti? At bakit ba ako affected? Ngiti lang naman 'yon eh! Marami ng ngumiti sa'kin pero iba yata ang tama ng ngiti ni Xendrenos sa'kin. Nakakatunaw ng puso.
"Sinong kinakausap mo, tanga? Para kang ulol."
Natigilan ako nang marinig ang boses ni Deze. Doon ko na lang napagtanto na bumubuka pala ang bibig ko na parang may kinakausap ako pero wala naman. Dumaan siya sa tabi ko paakyat sa second floor. At bago pa ako makatingin sa kaniya, wala na siya sa hagdanan.
Napabuntong-hininga na lang ako. Siguro tatambay na lang ako sa porch, mas tahimik pa doon at saka walang may bubulabog sa'kin.
Tumibok ulit nang napakalakas ang puso ko nang makita si uncle at maalala ang illegal na pagpasok ko sa laboratoryo.
"Kumusta po ang lakad n'yo?" nakangiting bungad ko habang dumadagundong ang dibdib.
Bumaling sina uncle at Jay sa'kin na may ngiti sa kanilang mga labi. Nakita kong pumasok si Jay sa kusina.
"Maayos naman, Helloise. Saan ka pupunta?" tanong ni uncle.
"Sa labas po, tatambay sa porch," sagot ko pero hindi ako huminto sa paglalakad.
"Teka lang, Helloise, gusto kitang makausap," wika niya.
Nagwawa-wild ang puso kong humarap sa kaniya. Pasimple kong hinawakan ang noo ko para punasan ang pawis na namumuo.
"Ah... Oo naman po. Tungkol saan po ba?" nag-aalangan kong sagot saka humakbang paabante.
I just hope na hindi tungkol sa lab ang pag-uusapan namin.
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Ciencia Ficción[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...