HELLOISE IVONNE
"ANG pangit mo sa damit mo, Helloise."
Napapikit na lang ako nang marinig ang komento ni Deze sabay buga ng hangin. Nakaupo siya sa kama at ako naman ay nakaharap sa salamin para tingnan kung maayos na ang porma ko o hindi. Nakasuot lang naman ako ng orange t-shirt at maong pedal shorts, so bakit ako pumangit? Dumapo ang tingin ko sa noo kong may sugat. Tinanggal ko na ang bandage dahil malapit na rin itong gumaling.
Narinig ko ang mahinang tawa niya na may bakas ng panunuya. "Ang baduy mo tingnan. Para kang tanga."
"Ano ba Deze?" bulalas ko sabay lingon sa kaniya. "Wala namang masama sa suot ko ah. Hindi baduy ang porma ko. Tiyak na hindi ka lang marunong rumespeto sa fashion style ng iba." Inirapan ko siya saka nagmadaling lumabas sa kuwarto. Ayokong makipagsagutan sa kaniya dahil ayokong masira ang araw ko.
Kung alam ko lang na nandoon siya sa kuwarto, hindi na lang sana ako pumasok doon.
"Whatever. Tanga ka pa rin sa paningin ko," pahabol niyang sambit.
Napabuntong-hininga ako nang maisara ko ang pinto.
Naglakad ako sa hallway patungo sa hagdanan papuntang first floor nang mahagip ng tingin ko ang kayumangging pinto. Ito 'yong pinto na kumuha ng atensiyon ko noong unang araw ko pa lang dito.
Parang may kakaiba akong nararamdaman kapag malapit ako sa pintong ito.
Tumigil ako saka tinitigan ang door knob. Naka-lock kaya ito? Ano kaya ang nasa loob ng kuwartong ito?
Dahil sa matinding kuryosidad na namayani sa buong sistema ko, hindi ko napigilan na abutin ang knob at pinihit ito. Ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang hindi ito bumukas. Naka-lock siya.
Sa lahat ng mga kuwarto rito, ito ang pinakakakaiba.
Wala na namang tao sa sala nang makarating ako rito. As usual, hindi ko alam kung nasaan na naman sila. Mabuti siguro ay maglibot-libot muna ako sa first floor ng mansion.
Naglakad ako patungo sa isang lamesa na puno ng mga figurines na gawa sa ceramic at crystal. May mga ilang picture frames na hindi ko naman kilala kung sino ang mga tao sa retrato, pero may nakita akong isang larawan na may isang lalaki at batang nakatayo sa porch. Base sa tindig ng dalawa, close na close sila sa isa't isa. Nakayakap kasi ang bata sa baywang ng lalaki at nakaakbay naman ang lalaki sa bata.
Tiningnan kong mabuti ang retrato at doon nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto kong sina Uncle Ves at Xendrenos ang nasa retrato.
"Stay away from them, Helloise. Baka makabasag ka pa riyan."
Agad akong napalingon sa taong sumuway sa'kin kahit wala naman akong ginagawang masama.
"Xendrenos, ahm..." Nauutal kong sambit. "H-Hindi ko naman ginalaw eh, tiningnan ko lang."
Nakasandal siya sa pader na malapit sa hagdanan at nakahalukipkip habang masamang nakatingin sa'kin.
"Ayoko sa mga babaeng pakialamera at matigas ang ulo." Tumayo siya nang tuwid saka humakbang. "Kaya kung ayaw mong mas lalong uminit ang dugo ko sa'yo, huwag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ko," may diing bilin niya saka naglakad paakyat sa hagdanan na may malakas na yapak ng paa. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa hindi ko na siya makita.
Napabuntong-hininga ulit ako saka yumuko. Shemay... Hindi pa nga ako nag-iisang buwan dito, may dalawang tao na agad na halatang ayaw sa'kin.
Bagsak ang balikat kong lumabas sa pinto saka umupo sa porch ng bahay. Dito na lang ako tatambay, tutal wala naman akong maka-usap nang matino sa bahay na ito.
BINABASA MO ANG
The Vedestra Epidemic
Science Fiction[COMPLETE] A cosmetic scientist, who is living in Vedestra City, discovers a new beauty medicine. A medicine that can make someone's skin spotless white and free from various skin blemishes. He considers his creation a notable breakthrough. But one...