Chapter 42: Love you, Bro

123 3 0
                                    

VELANDREL JAY


PINAUNA ako ni kuya sa pagtakbo papunta sa dulo ng hallway kung saan matatagpuan ang hagdanan. Nakasunod naman sa'kin si Jiana at sa huli ay si kuya. We were doing our best to not make any noise with our feet, or else we'd be doomed.

Agad akong umakyat sa hagdanan nang hindi lumilingon. My gaze was fixed ahead of me. I had to make sure that I would reach the rooftop and save our lives.

As I reached the fourth floor, I flinched when I saw a group of infected people hovering along the hallway. Kinontrol ko kaagad ang aking hakbang para maging mahina ito saka maingat na umakyat sa hagdanan.

"Jay..."

Napatingin ako kay kuya sa ibaba.

"Dumeretso ka na sa rooftop..." halos wala ng boses na pagkakasabi niya.

I never said a word and continued climbing up. I always obey his words because I trust him, and he knows what's good for us.

Nagpatuloy lang ako sa pag-akyat hanggang sa makarating ako sa fifth floor.

I heaved a sigh of relief when I saw no infected people in the hallway of the fifth floor. So I climbed up until I reached a door.

Hinawakan ko ang seradura at agad na pinihit ito. "Fuck," mura ko nang hindi ko mabuksan.

It's locked!

"What's the problem?" bulong naman ni kuya.

Bumaling ako sa kaniya. "It's locked," imporma ko habang pinipihit pa rin ang doorknob.

"We're all gonna die!" nagpa-panic na sambit ni Jiana saka napasandal sa dingding habang humihinga nang malalim.

Nilapitan ako ni kuya at siya na ang pumihit sa doorknob. "Naka-lock nga. Isa lang ang paraan dito. Tumabi ka," utos niya na ginawa ko naman.

I stood beside Jiana and stared at my brother. Umatras siya at napapikit na lang ako nang tumama ang kaniyang paa sa pinto na malapit sa doorknob.

Jiana hugged me as soon as kuya kicked the door for the second time. Her cold and trembling hands squeezed my arms as I hoped that we would be saved.

Biglaan akong napadilat nang marinig ang mga ungol ng mga infected sa ibaba.

Ramdam ko na ang butil ng pawis sa aking mukha at ang pagbilis ng tibok ng puso ko. I even felt the shivering of my hands and legs.

Please... kuya, open it!

For the third time, puwersahang sinipa ni kuya ang pinto at agad itong bumukas. Nasira ang doorknob at tumalsik naman ang ilang parte nito sa hagdanan.

Agad humakbang ang aking mga paa at nagmadaling lumabas kasama si Jiana. Muntik pa akong masubsob sa sahig dahil sa pagkasabik na makalabas.

Pabagsak na isinara ni kuya ang pinto at naghanap ng bagay para gamiting pangharang sa pinto. Tinulungan ko siya at may nahanap kaming drum ng tubig saka pinuwesto sa harapan ng pinto.

"Xenxen, don't do it!"

Dumapo ang tingin ko kay Jiana nang pigil itong sumigaw at nakatingin sa 'di kalayuan.

My eyes widened as my heart dropped when I saw Xendrenos standing on the top of the wall of the rooftop, facing the depths below, and holding a gun toward his head.

Agad akong kumaripas nang takbo papunta sa kaniya saka inagaw ang baril. I threw the gun away from him.

"Dre! Are you out of your mind?" bulyaw ko nang hatakin ko siya pababa ng pader.

Parang lantang gulay siyang umupo sa sahig saka bigla na lang na humahagulgol. He cried his lungs out while covering his face with his hands.

Nagkatinginan kami ni Jiana.

Bumalik ang tingin ko kay Xendrenos. Why was he crying? What was wrong? What happened?

Wait...

Helloise...

I couldn't see Helloise around!

Where is she?

"Ba't umiiyak si Xendrenos? At bakit hindi ko nakikita si Helloise?" tanong ni kuya nang sumulpot siya sa likod ko.

I faced him. "I'm wondering too. And Helloise isn't around."

My heart began to pound hard as fuck when I realized something. I began craving air as my heart began to constrict as I turned to the wailing man in front of us.

Agad ko siyang pinuntahan saka umupo sa harapan niya. "Dre. Where's Helloise?"

Patuloy lang siyang umiiyak kaya niyugyog ko ang balikat niya. "Where is she? Ba't hindi mo siya kasama? Ba't ka umiiyak? What happened?" puno ng pag-alala ang boses ko habang umaapaw ang kaba sa puso ko.

Napasinghot siya at napapunas ng luha. Marahan niyang inangat ang tingin pero parang nabagsakan ng langit at lupa ang mukha niya. Namumugto ang mga mata at pulang-pula ang pisngi.

"Where is he? And what happened?" tanong ko ulit. "WHERE IS SHE?" napataas ang boses ko pero wala lang siyang imik.

"Jay... Let me handle this." I felt my brother's hand on my shoulder and slowly pulled me away from Xendrenos.

Hinihingal akong tumayo sa likuran niya habang nakatingin kay Xendrenos. What's wrong with him? Why isn't he answering my questions?

"Xendrenos. Si Kuya Hellion 'to. Kasama ko sina Jay at Jiana," panimula ni kuya saka hinawakan si Xendrenos sa balikat. "Ano'ng nangyari? Okay ka lang ba?"

Walang kurap na tinitigan ni Xendrenos si kuya. Unti-unting gumalaw si Xendrenos saka niyakap si kuya. Humikbi siya sa balikat ni kuya kaya hinimas naman ni kuya ang likod niya.

I walked toward them and sat beside my brother. "Dre, I'm sorry if I shouted at you," tanging nasabi ko saka yumuko.

Humahagulgol pa rin siya at nakayakap pa rin kay kuya.

"W-Wala na si Helloise. I-Isa na siyang i-infected..."

My world stopped turning for a second when I heard his words. For real? Why? How?

I gasped for air as I calmed myself. "What happened?" I asked softly when, in fact, I wanted to explode.

Bumaling siya sa'kin saka kumalas kay kuya. Napanunas siya ng luha. "Habang tumatakbo kami, iniinda niya ang sakit ng sugat sa kaniyang hita. Tapos bigla siyang natumba, 'yon pala nahuli ng isang infected ang paa niya. Agad ko namang pinatay ang infected, pero nakagat na niya si Helliose. Hindi ko sana siya iiwan pero pinaalis niya ako. Gusto niya akong mabuhay." Suminghap siya.

Yumuko siya at napapunas ulit ng luha. "Nakarating ako sa rooftop at akala ko nandito na kayo pero wala. Akala ko namatay na kayong lahat kaya nawalan na ako ng pag-asang mabuhay, tutal mag-isa na lang ako kaya naisipan kong magpakamatay." Huminga siya nang malalim saka inangat ang tingin sa'min. "Pero nagpapasalamat ako na dumating kayo. Akala ko talaga mamamatay na ako."

"We're here, Dre. Don't worry. We're here for you..." Niyakap ko siya at tumulo naman ang luha ko.

My heart was crushed by the sudden death of Helloise. My tears began to flow like a waterfall. Naaalala ko lahat ng mga pinagsamahan namin. I wasn't able to thank her or say goodbye to her. Hindi ko akalain na hindi ko na siya makikita kahit kailan.

Tumayo si kuya at tinulungan kong tumayo si Xendrenos. Pinaypay ni kuya si Jiana at nang makalapit si Jiana, nag-group hug kaming apat.

I flinched when I heard a banging sound coming from the... door.

"Ano 'yon?" tanong ni kuya saka kumalas sa yakap.

As I roved my eyes around, I heard another banging sound somewhere.

Fuck... It was coming for the rooftop's door.

Napatingin kami sa pinto kung saan kami dumaan kanina papunta rito.

Mas lalong lumakas ang kalabog at nakikita namin ang paggalaw ng pinto.

Beads of sweat started to wet my face. My hands trembled as I groped for my brother's presence. My heartbeat was faster than a drumroll.

We stuck together and fixed our attention on the banging door in front of us.

"We're all gonna die..." I heard Jiana hopelessly mumbled. She then began to sob silently.

Ramdam kong hinawakan ni kuya ang aking kamay at hinawakan ko naman ang kamay ni Jiana.

"W-What are we gonna do now...?" sambit ko pero bakas sa boses ko na nawawalan na ako ng pag-asa. Palakas nang palakas ang pagkalabog sa pinto at kaunti na lang ay masisira na ito.

"Lalaban tayo," matapang na tugon ni kuya. "Lalaban tayo hanggang kamatayan."

"Lalaban ako, kuya." Dinig kong sambit ni Xendrenos sa kabila.

Napasinghap ako. "I'll fight 'til I die," I muttered.

Kinuha ko ang aking itak at ganoon din sila. Pumusisyon ako malayo sa pinto at tumabi naman sila sa'kin.

My tears streamed down my cheeks as the door burst open and infected people came rushing toward our spot.

Mahigpit kong hinawakan ang itak at nang lumapit na sila, napasigaw ako sabay hataw ng itak sa isang infected.

There is no way out.

There is no escape, only a dead end.

There is no hope of being alive, for death is the only thing that is waiting for us at the end of this fight.

My machete beheaded an infected person and whacked the brains of another one.

*bang*

*bang*

*bang*

*bang*

Xendrenos probably picked up the gun and used it to kill the infected people.

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon