Chapter 20: Returned

143 3 0
                                    

HELLOISE IVONNE

LUMAPAD ang ngiti ko nang matanaw ang bahay sa 'di kalayuan.

Napatakip ako ng mata nang hindi ko na matiis ang nakakasilaw na sikat ng araw sa tapat namin. Malapit nang gumabi at sa tantsa ko, mga alas tres o alas quatro na ng hapon.

Hinahawakan ko si uncle sa braso niya habang binabaybay ang daan palabas ng gubat. Kakaunting mga puno na lang ang dapat naming daanan bago marating ang malawak na open field na kung saan nakatayo ang bahay ni uncle.

"Ingat po, uncle, ah. Maraming malalaking ugat sa daanan natin, baka matisod kayo," pagre-remind ko sa kaniya. Napapasulyap din ako sa dinadaanan ko dahil baka ako pa ang matisod.

"'Wag kang mag-alala, hija, nag-iingat ako."

Kumurba ang ngiti sa labi ko nang marinig ang sinabi niya. Kanina pa kami dapat nakauwi kung umalis kaagad ang mga infected sa paanan ng puno.

Akalain mo 'yon, baka siguro nagtaka pa ang mga infected kung bakit hindi pa bumababa ang mga umagahan nila kaya siguro naghintay pa. Pero joke lang. Ang sabi kasi ni uncle, wala silang pakialam sa paligid at ang tanging alam lang nila ay ang mga tunog sa paligid at amoy ng tao, although nakakakita naman sila pero hindi totally maliwanag ang kanilang paningin.

Walang kakayahan ang mga infected na kumuha ng kung ano mang bagay na hindi nila makain. Kaya dinala ko ang itak na nahulog ko kanina sa paanan ng puno. 

Mga ordinaryong zombies lang sila, pero hindi ang kanilang hitsura. Kung walang dugo sa kanilang mga mukha, klarong-klaro ang mapuputi at makikinis nilang balat. Looks like they had undergone derma, uncle's words. Panay rin ang tingin ko sa paligid dahil baka may sumulpot na infected, ang bilis kaya nilang tumakbo.

Ilang metro na lang ang layo ng bakuran ng bahay ni uncle. Nang makita kami ng mga kasamahan naming nakatambay sa veranda, nagsitakbuhan silang lahat papunta sa gate para salubungin kaming dalawa.

Nakita ko ang abot taingang ngiti ni uncle kaya napangiti rin ako. Ang saya lang talaga kapag may nag-aabang sa iyong pag-uwi.

Pero alam kong si uncle lang ang inaabangan nilang makauwi at hindi ako. Halata naman sa kanilang mga nagtataka at masamang tingin sa'kin.

"Uncle, mabuti't nakabalik ka na. Kanina ka pa nila hinahanap," bungad ng isang babaeng mataba at hanggang balikat ang buhok. May kaputian at kataasan naman siya. Si Loisa.

"Bakit?"

"Umalis sina Hellion, Velandrel, Xendrenos, at Dezeverra para hanapin ka. Sabi nila nawawala po kayo kaya ako po munang inutusan ni Hellion na magbantay rito."

Magbantay? So isa siya sa mga tao rito na pinagkakatiwalaan sa bahay na 'to at probably, kaibigan siya ni Kuya Hellion para temporaryong ipasa sa kaniya ang pagbabantay sa mga kasamahan nila.

Dahil sa higpit ng pagkakatali nila sa gate ng bakod, medyo nahirapan si Loisa sa pagtanggal ng tali.

Nang mabuksan niya ito, pumasok kami agad. Masayang bumati sa kaniya ang mga nasasakupan niya.

"Salamat, Loisa. Sana ay makabalik sila kaagad."

"Wala po ba tayong magagawa para ipaalam sa kanila na nandito na kayo?" tanong ko.

Bumaling ang tingin ni uncle sa akin saka isinuot ang salamin na mula sa bulsa ng kaniyang jacket. "Oo nga, para malaman nila na nandito na ako at makauwi na sila. Hindi tayo puwedeng gumawa ng ingay dahil ma-a-attract natin ang mga infected," sagot niya sa akin.

Tumango na lang ako saka napatingin sa ibaba. Napakamot ako ng ulo habang nag-iisip kung ano'ng puwedeng gawin para matulungan sila, lalo na't delikado sa labas kapag madilim na. Ang mga infected ay hindi nagpapahinga, patuloy lang silang naghahanap ng makakain sa buong araw at sa magdamag.

The Vedestra EpidemicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon