4

48 4 0
                                    

before everything...

Young Amelia's POV

I put on my uniform while looking at my reflection in the mirror.

Ngumisi ako bago tumalikod at hinanap ang sneakers ko, alam ko hindi siya babagay sa uniform pero nasa nagdadala yan maganda naman ako.

Pagkatapos kong isuot ay kinuha ko ang bag at lumabas na nang kwarto.

Wala na sila mama at papa pero hindi ko na pinansin iyon at lumabas na nang bahay, dumeretso ako sa garahe at nakapamewang na tinignan ang koleksyon ko na skateboard at bikes.

Nang nakontento sa tingin kinuha ko ang isang skateboard at sinakyan iyon papuntang school.

Hindi iyon gaanong malayo kaya hindi ako natagalan nang nakarating sa campus.

"Goodmorning kuya!"bati ko sa guard at sumaludo naman ito.

Nginisihan ko ang mga kakilalang nadadaan at bumabati.

"Eli!!!!! My Frieeend!"napatingin ako sa mga kaibigan nang makita silang nasa pinto ng classroom tumatambay.

"Oi! Akin na lang to ah!"ngumisi ako nang kinuha ang sandwich na hawak nang isang studyanteng dumaan.

"T-teka eli---"

"Bakit?"ngisi ko at tinaasan siya ng kilay pero umiling na ito at nagmamadaling umalis.

Nakipag apir ako sa barkada nang makalapit.

"Ganda nang gising ah? halatang mababadtrip ka mamaya."sabi ni Nathalie at tinignan ang kabuan ko.

Napangiwi ako.

"Wag mong simulan." Kinuha ko ang skate board at tinignan iyon.

"Ganda ah, halatang masisira na naman kasi itatapon mo."tinaasan ko ng kilay si amy ng dinugtungan pa niya. "Sabi ko naman manahimik na lang kayo!"

Napalingon kami ng may tumikhim sa likod, sabay kaming napaayos ng tayo nang makita ang prof namin.

"Goodmorning sir."sabay naming bati

"Girls fix your buttons at pumasok na kayo magsisimula na ang klase."

Pumasok na kami habang inaayos nila ang bukas na uniporme nila, naupo ako sa pinakalikod at nilagay ang bag sa upuan bago naupo.

Pinatong ko ang paa sa katabing upuan, tinaasan ko lang ng kilay ang dapat naka upo doon ay agad na itong umalis para lumipat ng mauupuan.

"Sit properly naman sis," tinignan ko lang si yancy sa sinabi niya.

"Goodmorning class!" Pumasok ang prof, nagsitayuan ang lahat napabuntong hininga ako at tamad na tumayo para bumati pabalik.

Napatingin ang lahat sa pinto nang may kumatok doon, nauna na akong maupo.

"Sir?"

"You're here, come in Mr. Adler."

Napangiwi ako at pinikit ang mata.

Matagal pa ba to?

Naiinip na ko

"I'm Jake adler, nice meeting you."

Napahikab ako.

"Attitude Ms. Levine please, anyway Mr. Adler you can sit next to her."napangiwi ako at tinaasan ng kilay ang lalaki, pero tinaasan lang rin ako nito ng kilay at lumapit na sakin.

"Can i take the sit, miss?"

"No you can't."ngumisi ako at umiling saka pinatong ang dalawang paa ko roon.

"Yes I can."ngumiti siya at gamit ang isang daliri tinulak niya ang paa ko pababa ng upuan.

Wtf?

Tinignan ko siya nang masama ng ipasa niya ang bag ko sakin at pasimple siyang naupo sa tabi ko.

Hindi ako makapaniwalang suminghap, napatingin ako sa mga kaibigan ng marinig ang mahina nilang tawa.

"Tanggal angas pre!"

"Goodluck diyan!"

____

@Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now