15

12 2 0
                                    

"Ehem!" Sabay kaming napabitaw ng marinig ang pilit na tikhim ng kung sino.

Si papa, nasa likod niya ang nakangising si mama at kumindat sakin bago nag thumbs up, nangunot naman ang noo ko, agad akong napaayos ng tayo ng mapatingin kay papa na naka tingin kay jake.

"Pa, ma si jake po pala,"nilahad ko si jake na agad namang bumati pabalik.

"Magandang gabi po."nagmano siya sa kanila, excited namang lumapit si mama sa kaniya.

"Ang pogi mo pala talaga? Alam mo ba kinwento ka ni eli sakin! By the way call me tita gen, this is eli's father call him tito andy" Sabi ni mama at nanunukso akong tinignan, napanguso naman ako. "Wag kang mahihiya saamin ha?"

"Thank you po," Namumula akong napaiwas ng tingin ng lumingon si jake sakin kita ko ang pagngisi niya bago binalik ang tingin kay mama na muling nagsalita.

"naghanda kami ng hapunan sumabay ka ng kumain."sabi nito at hinila na si papa papuntang dining.

Nataranta ako ng bigla niyang binalik ang tingin sakin kaya tinuro ko ang dining "T-tara..."

"Where's your slippers?" Binaba niya ang tingin sa paa ko, doon ko lang rin naramdaman ang lamig ng sahig ng makitang nakapaa nga lang pala ako.

"U-uhh teka!" Tumakbo ako papunta sa pinto kung nasaan ang shoe rack namin, agad kong kinuha ang isang pares ng flip-flops saka bumalik kay jake, nakita kong naroon pa rin si papa at mukhang hinihintay din ako. "T-tara na?"

Sandali niyang tinignan ang paa ko bago tumango, nauna ng umalis si papa kaya agad kaming sumunod.

Jake pulled the chair for me at inalalayan akong maupo, nakita ko kung paanong kinikilig na pinagmamasdan kami ni mama, tahimik lang naman si papa na inalalayan din si mama paupo.

Nang makaupo na ang lahat doon lang ulit ako nakaramdam ng kaba, nang tignan ko si jake normal lang naman siyang nakaupo roon.

"Let's eat? I'm sure gutom na ang única hija namin,"mahinang tumawa si mama pagkatapos sabihin iyon, pinaningkitan ko siya ng mata dahil halatang nang aasar talaga.

"For sure, tignan mo kung paano niya pinaghandaan ang hapunan." Napabaling ang tingin ko kay papa at hindi makapaniwala ng makita ang ngisi niya.

Napailing ako at nagsimula na kaming kumuha ng makakain.

Asar! Narinig ko pa ang mahinang tawa si jake sa gilid ko pero hindi ko na nagawang bumaling sa kaniya dahil sa hiya.

I admit na naghanda talaga ako, I put so much effort on my clothes na dapat hindi naman, alam kong kahit nasa bahay mahahalata mong hindi pa rin pambahay ang suot ko lalo na at hindi ko pa ito nagagamit.

I sighed.

"So... jake? I heard from our precious daughter na matagal kang nawala sa school, do you mind if I ask why?"  Napatingin ako kay mama ng itanong niya iyon.

"Uh yes po, I'm sorry about that something urgent came up, umuwi ako ng Australia with my cousins, hindi ko alam na matatagalan kami kaya hindi ako nakapagpaalam ng maayos kay eli."napatingin ako kay jake ng sabihin niya iyon at napatingin din siya sakin.

"Next time magpaalam ka ng maayos, I don't want my daughter crying, she's worried sick---"

"Ma? Your exaggerating." Napangiwi ako at namumula siyang tinignan, bakit kailangan pang sabihin iyon? It was supposed to be our secret!

Narinig ko ulit ang mahinang tawa si jake kaya masama ang tinging binalingan ko siya bago sinuntok sa gilid. "It's not funny!" I whispered.

"Sorry can't help it, you're just too cute."he whispered back, inirapan ko siya.

"Anyway kailan ang susunod na exam ninyo huli na 'to hindi ba?"naging seryoso ulit ang usapan ng magsalita si papa.

"2 week from now pa, nagrereview na po kami."sagot ko

"And I hope you're doing well?"

"Oh you don't have to worry about eli! Tumataas na ulit ang mga scores niya and I'm sure hindi naman siya mahihirapan sa reviews and I heard tinutulongan siya ni jake, hindi ba hijo?"napanguso ako ng sumabat ulit si mama, halatang gusto niya agad si jake.

Well atleast pasado siya kay mama.

"I'll make sure of that po." Sagot naman ni loko sa tabi ko.

Hindi sumagot si papa at tinignan ako na parang hinihintay niya pa rin ang sagot ko kaya napanguso ako at tumango.

"I'm good, kaya ko naman po."sabi ko na lang at nagsimula na nga kaming kumain noong una tahimik pa pero biglang naging business ang usapan nang magtanong si mama.

"What's your family business ulit hijo?"

"Detective agency po."

"Wow, saan naka base ang agency ninyo?"

"Mayroon po sa iba't ibang bansa but our main is in Australia."

Nakikinig lang ako sa pinaguusapan nila dahil hindi naman ako ganoon ka interesado sa business.

Tinignan ko si papa na nakikisali na rin sa usapan, okay na yan atleast medyo okay na rin si papa sa kaniya.

Napangiti ako at tinignan si jake.

He look so amiable, mukha rin siyang excited at parang gustong-gusto niya ang kinekwento. Ang ganda pa tignan ng ngiti niya, napatitig na lang tuloy ako sa kaniya.

Paano niya nagagawang maging ganito ka pogi? Like dude! Ngayon ko lang tuloy na isip na ang swerte ko pala at sakin nagkagusto ang isang to.

Napangiti ako ng tumingin siya sakin with his expectant eyes as if wanting to be praise.

"Ang galing mo naman pala, you achieve something at a young age,"si mama kaya napatingin ako sa kaniya.

What is it? Hindi ako nakinig sobrang na mesmerized ako sa kapogian niya na hindi ko narinig ang kinekwento ni jake.

"It was a small case po so there's nothing really to brag, I'm still nothing compare to my dad." Sagot naman na jake mas lalo tuloy akong nalito.

"Eli wanted to be a doctor ever since then, nagbago iyon into flight attendant but maybe she realized infatuation lang ata yung pangarap niyang maging FA, then after that bumalik ang pagkagusto niyang maging doctor, dati madalas siya sa infirmary hindi dahil may sakit kundi gusto niyang tumulong sa nurses na nadoon, to also learn and I feel so proud of her, she also recieved an award like you, hindi ba it feels great to help people? I hope you both continue doing that." Mabahabang lintaya ni mama, Flustered I look at the food to avoid their gaze.

"That was really a nice job at dapat lang ipagmalaki iyon, hindi rin madaling trabaho ang pagiinbestiga lalo at delikado rin ang trabahong iyon." Si papa tumango si jake at muli akong nilingon.

Mahina akong pumalakpak at napangiti.

I might be being greedy but I don't want us to be apart again.

_____

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now