29

12 3 0
                                    

"Mag shifting na lang tayo sa pagbabantay ng stall, gagawa ako ng schedule. Tangina niyo pag kayo hindi dumating sa shift niyo tatanggalin ko sa lista, wala kayong grades!"

"Yes pres!!!"

"By pair ba?"

"Yes by pair bawat pwesto! Ako na magpapares! Bawal maarte dito!"

Narinig ko pa ang ibang reklamo ng mga kaklase ko. Nanatili naman akong tahimik sa upuan.

Naghihintay ng text ni jake, sabi kasi niya sabay kaming maglalunch pero biglang nagbago ang schedule niya at hindi daw kami matutuloy.

Napanguso na lang tuloy ako.

"Hi! Pair daw tayo sabi ni pres." Tumingin ako sa kaklase kong lumapit. "I'm ethan, amelia hindi ba? Anong nickname mo? Can I call you lia? Or ame?"

Daldal!

"Just eli."

"Okay just eli!"tinignan ko siya ng masama pero ngisi lang ang sinagot niya. "Biro lang, ako call me just ethan!"

Inirapan ko siya.

"Sungit ni madam eli! Pres ayaw ata akong ka partner ni lavine!"biglang sigaw niya, napangiwi ako ng makita ang pagbaling ng halos lahat ng kaklase ko samin.

Muli ko na lang hinarap ang cellphone ko.

Nakakahiya namang kasama to, ang ingay ingay sobrang hyper.

"Uweek na!!! Anong gagawin niyo?" Kasama ko na ngayon ang mga dating kaibigan sa canteen.

Nagtatampo na raw kasi sila dahil hindi ko na daw sila sinasamahan porket nagkajowa.

Sarap ngang sakalin eh.

"Magbabantay ng stall." Sagot ko at napasimangot ng makita ang pagpasok ni ethan kasama ang mga kaklase namin sa canteen.

"Wag mo kaming demonyohin beh! Nagbabagong buhay kami."

"Nagtatanong pa nga lang!"

Kita ko ang paglaki ng ngisi ni ethan ng makita akong nakatingin sa kaniya pero umirap lang ako.

Kanina pa niya ako binubulabog nakakainis na minsan pero ayoko namang magbigay ng bad impression sa iba kapag binatukan ko to, tingin ko pa naman marami tong admirers baka ma bash ako bigla.

"Oo nga pala nasaan si papi jake at parang ilang araw ko ng hindi nakikita? Busy masyado?"napabaling ako kay yancy

"Oo nga no? Kailan huling kita niyo? Baka may iba na? Mag overthink kana beh, imagine iba na katabi non tuwing may klase." Pang asar ni nath pero inirapan ko lang siya.

"Araw araw kaming nagkikita, We dated noong weekends, sabay kaming pumapasok at gumagawa ng plates. He kissed and hugged me goodbye kanina and he just texted me saying i love you at sabay ulit kaming uuwi mamaya So there's nothing to overthink." Sabi ko at nakangising pinakita ang message ni jake.

"Inggit ka lang eh." Si amy at tinawanan si nath.

"May jowa kana pala?" Napabaling ako sa kabilang mesa at napasimangot ng makitang nandoon na si ethan nakaupo at nakaharap sakin, I didn't even notice him.

"Ako single! interested?" Pabirong sabi ni nath at kinindatan pa si ethan.

"Ako din!"gatong ni amy

Napailing na lang ako ng magsimula silang magkwentohan kaya hinarap ko na ulit ang phone ko. Ang ingay nila!

To: Jakeyy♡

May kasama kaming nakakainis ang ingay ingay, sakalin ko kaya to?

I stopped myself from laughing after sending it to jake.

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now