17

12 2 0
                                    

Sobrang ganda ng mood ko kinabukasan at excited na akong pumasok pero bago pa man makalabas ng bahay ay nagulat ako ng makita ang pag park ng sasakyan ni jake doon.

Nagkunwari akong tumili ng pacool siyang bumaba ng sasakyan.

"Goodmorning miss." Kumindat pa siya kaya sabay kaming natawa dahil doon, lumapit ako sa kaniya.

"Goodmorning pogi, aga natin ah?"

Ganoon madalas ang bungad ng umaga ko, wala tuloy badtrip days, minsan sumasabay siya sa breakfast namin kasama sina mama at papa, pagka lunch magkasama kami, minsan hindi kasi may pinupuntahan siya o pinapatawag siya ng papa niya madalas niya akong inaayang sumama pero tumatanggi ako.

Feel ko lang hindi pa ako handang harapin ang parents niya, kailangan ko pa ng mahaba habang preparation bago ko sila maharap.

Asar nga lang ang inaabot ko sa kaniya, may preparation preparation pa daw akong nalalaman.

"You don't really have to prepare anything, they're kind but sometimes annoying."

"Next time na kasi, hindi naman kailangan madaliin."madalas pa siyang nagtatampo dahil doon.

Bumalik din ang tutor lessons niya kahit sinabi kong hindi na kailangan.

"Just think of it like a date,"

"Basta libre mo ah."

"I'm accepting kiss as a payment." Kumindat pa siya kaya mahina ko siyang sinapak sa tagiliran tumawa lang naman ang loko.

Ganoon ulit ang routine namin kapag sabado at linggo, date doon date dito hindi nagsasawa.

"Exam na bukas, magrereview ba kayo?"

"Yup!"

"Sasama ka eli?"

Napatingin ako sa mga kaibigan ng tawagin nila ako.

"Ewan." Sabay silang umirap kaya napangisi ako, alam naman nilang si jake ang lagi kong kasama pag magrereview.

"Ano pa bang aasahan?"
"Huhu hindi na ikaw ang eli namin!"
"Monyoka!"

Tinawanan ko lang sila saka nilingon si jake na kasama ang mga lalaki naming kaklase, kinindatan ko siya ng tumingin din siya sakin at natawa ng makitang umiwas siya ng tingin at nagpigil ng ngiti.

"Landi ng gaga!"napatingin ulit ako sa kaibigan at nakita ang mapanghusga nilang tingin.

"Inggit lang kayo eh,"

Madalas silang ganito at tinatawanan ko na lang, magaganda naman sila at maraming nagbabalak manligaw, hindi lang talaga nila type yung mga nagbabalak, gusto daw nila ng challenge.

May challenge nga naman magkagusto sa taong walang gusto sayo.

Sabay kaming sumigaw ng mga kaibigan ko ng matapos ang exam kinabukasan, may batch 2 pa ang exam bukas pero maaga ang uwian ngayon at may balak kaming gumala.

"Arcade!"

"Akala ko sa sea side?"

Nagtalo talo pa sila kung saan pupunta kaya tumingin muna ako kay jake.

"May pupuntahan ka?"

"Dinner with dad, can you come this time?"nanlaki ang mata ko at mabilis na umiling, sandali siyang ngumuso pero agad ding tumawa "Alright."

Naguilty tuloy ako.

"Can we plan another date next time? Lagi kang nang aaya kung kailan hindi ako prepared." Bawi ko at tumawa din.

"Next time then," ginulo niya ang buhok ko, napasimangot ako. "Uuwi na rin naman si mom."

Natigilan ako at napaisip.

Mabait kaya ang mommy niya?

Malapit na ang graduation, nagsisimula na rin kami sa practice, excited ang lahat lalo na at gagraduate, wala rin masyadong klase kaya puro tambay ang ginawa namin.

Wala akong nagawa noong pinuntahan naming lahat ang sinabi nilang gustong puntahan, akala ko kaming magbabarkada lang hindi ko alam na sasama pala halos buong klase.

Mas maganda tuloy ang gala dahil doon, ang ingay namin lalo na sa arcade, ilang beses tuloy kaming napagalitan.

Nasa likod ko buong gala namin si jake, minsan hinahawakan ang kamay ko o inaalalayan ako, tahimik lang siya minsang nakikitawa at ngisi lang, nakikipag usap naman pero madalas na sa akin lang ang atensyon.

Hindi ko na rin tuloy mafucos ang pansin ko sa mga kasama kong nagkakantahan sa karaoke room dahil sa kaniya, nagaalala akong baka hindi siya nageenjoy.

"You okay?" Bulong ko napapansin ko rin minsan ang pagnguso niya.

"Mm, do you wanna eat something?"bulong niya rin habang pinaglalaruan ang daliri ko.

"I'm fine, nagugutom ka ba?" Bulong ko ulit sandali siyang tumingin sakin at saka umiling. "Sure ka? Pwede naman tayo lumabas sandali."

Kita ko ang pagkislap ng mata niya at agad na tumango, I looked at him with amusement written all over my face when he look at me with his signature smile.

This guy? Seriously?

Tumawa ako ng makita ang pagkapahiya sa mukha niya dahil sa tingin ko.

"Yans labas lang kami sandali, tawagan moko if aalis kayo." Bulong ko kay yancy na nasa tabi ko lang, agad siyang tumango at bumulong din kay amy at nathalie, tinignan lang nila kami at tumango kaya tahimik kaming lumabas ni jake.

Hawak niya ang kamay ko habang hinihila ako kung saan, natatawa lang ako sa kaniya tuwing naiisip ko ang gusto niyang mapagisa kami sa pag gala, ang cute niya talaga.

Sa huling oras ng gala ay kaming dalawa na lang ni jake, hindi na kami bumalik sa mga kasama kahit ilang beses na akong tinawagan ni yancy.

"Pupunta na kami sa next stop, nasaan na kayo sis?"

"Mauna na kayo, ingat!"sabi ko lang at pinatay ang tawag napatingin ulit ako kay jake na bumibili ng popcorn.

Magmomovie marathon kami ng across the universe kahit napanood na namin last sunday to.

"Tapos na?tara." Sabi ko ng lumapit siya sakin.

Kinuha ko ang dalawang coke na nasa kamay niya at binigay niya naman, nasa kaniya rin ang ticket namin.

"Hindi kaba malalate sa dinner niyo nito? It's 4pm na rin."sabi ko ng makaupo na kami.

"It's fine."

"Maghahanda kapa kaya anong it's fine?" Sumimangot ako sa kaniya.

"Hindi naman madalas nagtatagal si dad sa dinner, it should be fine to be late sometimes." He shrugged.

"Ha?bakit naman?"

"He'll ask things and eat then leave."

"Ganoon bakit naman?"

"He sometimes stay longer but he's a busy person after all."

"Mabait ba daddy mo? Sa kwento mo kasi mukha siyang masungit, kinakabahan tuloy akong mameet siya." Halos mautal ako doon.

Mukha kasing strict ang daddy niya base sa kwento niya.

"He's strict." Tumango tango siya na parang wala lang iyon.

"Pero--"

"Be quiet baby the movie's starting." Sabi niya at sinubuan ako ng popcorn, nanigas ako, nanatili sa bibig ko ang popcorn at hindi  na makanguya dahil sa sinabi niya.

Narinig ko pa ang mahina niyang tawa pero hindi ko na pinansin iyon at namumula na lang nginuya ang popcorn saka tinuon ang mata sa screen.

Bwesit ka jake!

_____

Ash_Aries



lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now