41

7 2 0
                                    

tinuloy ko ang buhay ko pero hindi ko magawang tuloyang kalimutan ang nakaraan, dahil kahit na anong pilit ko alisin siya sa isip ko ay hindi ko magawa. 

minsan naiisip ko na sana hindi na lang bumalik pa ang alaala ko, na sana hindi ko na siya muling naalala pa. kasi masyado palang masakit, pinilit kong ipakita sa lahat na ayos na, na okay na ako kahit ang totoo hindi naman talaga. 

pero kahit na ganoon ginagawa ko pa rin ang lahat para maging maayos, minsan nagagawa kong tumawa ng totoo, nakakaya ko makisama sa lahat pero hindi maiiwasang makaalala sa nakaraan at muling masaktan, katulad kanina.

trigger ang sinabi ni Ethan para maalala ko ulit siya. 

it feels like there's something heavy inside my chest, na sa sobrang bigat parang ang sakit sakit na.  

I look around inside his condo. pagkatapos kong malaman ang totoo noon, I asked hannah for a favor and that is to live in his condo, pumayag naman ito at hiningi rin ang permiso ng parents ni jake, and for whatever reason they decide to give me his condo instead. hindi ko alam anong mararamdaman ko noon, nakaramdam ako ng tuwa dahil parang muling bumalik sakin si jake ng makapasok ako ulit dito. pero nagalit din dahil parang ang bilis naman nilang pumayag at ipamigay ang pagmamayari ni jake. para mga walang pakialam. but I'm still thankful.

ewan nababaliw na ata ako. hindi ko na maintindihan ang sarili ko. nalilito ako sa mga nararamdaman ko. 

I needed to see a doctor before to calm myself down at kahit papaano nagawa nito ako ayosin pero hindi pa nga talagang tuloyan naghilom ang sugat ng nakaraan. 

muli kong naalala ang sinabi ni Ethan kanina. 

 "alam kong siya parin. pero wag mo namang ikulong ang sarili mo sa taong hindi na babalik, Eli."

 I sighed before I gently sat down in the couch and put my bag in the coffee table. 

he's right, hindi ko dapat kinukulong ang sarili ko sa nakaraan.

ilang minuto akong nanatili naka upo doon at pinahinga ang katawan. 

dahil bukas muli akong babangon at ngingiti sa mga taong nag-aalala para sakin. 

mula bukas...

at ganoon nga ang nangyari bumalik ang buhay ko sa dati na parang walang nangyari.  Ethan asked for forgiveness again and again kahit na sinabi kong ayos na, hindi naging mahirap patawarin si Ethan dahil naiintindihan ko naman siya. 

masaya na ulit ang lahat ilang buwan ang lumipas at natutuwa akong makita ang mga tao sa paligid ko na masaya, unti unti ng lumalaki ang tiyan ni hannah, nag karoon naman kami ng bagong achievements ni Ethan sa hospital, isang taon na lang tapos na kami sa residency namin at nakakatuwang siya ang kasama ko sa pag abot ng pangarap namin he's like my bestfriend after all, pero hindi ko maipaliwanag ang kulang at puwang sa puso na nararamdaman ko. masaya ako oo pero hindi ko parin maintidihan kung bakit may ganito parin akong nararamdaman.

pero bakit? 

 "let's have lunch?" naka ngiting sabi ko kay ethan, kita ko ang pagod sa mukha niya pero pilit parin itong ngumiti at tumango sa akin.

"pero hindi ako pwedeng magtagal e, ginawa akong alalay ni mrs. marites ngayon, absent kasi si jaden." nakanguso niyang sabi natawa naman ako at sinuway siya dahil sa tinawag niya kay mrs. martinez.

"kaya pala mukhang doble ang pagod mo ngayon, kakapasok mo pa lang mukhang pauwi kana." natatawa pang turo ko sa buhok niya na agad niya naman inayos.

"talaga!" inis na singhal niya. "maya't maya kasi paki ano yung ganto, paki ano yung ganon, pakikuha ng ganito ganyan di na napagod pati pagupo di ko na magawa, nakakabanas." nanlaki ang mata ko ng makitang papalapit na sa likod niya si mrs. martinez. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now