26

17 3 0
                                    

Naikwento ni jake na sumama daw siya sa daddy niya dahil may inimbestigahan itong isang kaso, medyo natagalan raw sila doon dahil hindi naging madali ang pagiimbestiga.

Pagkatapos ay sinundo niya raw ang alaga niyang si layla.

"It was a bit far from here at natagalan din sa byahe! I'm sorry that I made you wait. Na bored ka ba?" Hindi na mahiwalay si jake sa tabi ko simula ng dumating siya.

Naupo ulit kami sa tent, naglalaro naman si milo at leila sa tabing dagat at naka tingin lang naman kami sa kanila.

Hinarap ko si jake at tinignan siya ng masama.

"Nag alala ako! Hindi ka man lang nag text o tumawag, o kahit mag iwan man lang ng note!" Halos isinghal ko iyon sa kaniya.

Tumawa siya at hinila ako palapit sa kaniya.

"I already told you I'm sorry!"mahina siyang tumawa. "I was dead batt, and there's no signal in El Nido."

Halos manigas ako ng maramdaman ang paghawak ni jake sa bewang ko, unti unti niya akong niyakap sa likod.

Sinubukan kong hindi pansinin iyon at tinignan siya.

"Tawa ka ng tawa! Nakakatawa 'yon?" Pigil ang ngiti akong umiwas ng tingin sa kaniya.

Tumawa lang ulit siya.

Nang oras na ng hapunan sabay sabay kaming lahat kumain sa resto, ang parents at mga pinsan ni jake, maging ang pamilya nila milo kasama namin.

"Nag aaral kana?" Tanong ko sa katabing si milo.

"Opo sa Grade 1 po!" Sabi niya habang kumakain, tumango tango ako. Hindi ko na siya inistorbo at hinayaan ng siyang kumain.

Napatingin ako kay jake ng mahina niyang hinila ang kamay ko.

"Can I have your attention, please?" Bulong niya at biglang sumimangot. "Please!"

Natawa ako at tumango bago siya tuluyang hinarap.

"Hayaan mo na muna si milo, hindi mo na 'ko pinapansin dahil sa kaniya. Is he more important to you now?" Alam kong nagbibiro lang siya pero ramdam ko sa tono niya ang pag tatampo.

"May tinanong lang naman ako sa kaniya." I look at the food on the table, kumuha ako ng cutted apple sa fruit bowl saka ko binigay sa kaniya.

"What about me? Wala ka bang itatanong sakin? Feed me." Binuka niya ang bibig, sandali kong tinignan ang mga pinsan niyang nasa harap namin ng marinig ang bahagyang tikhim ng mga ito.

Bigla tuloy akong nahiya, pero isinubo ko pa rin ang apple kay jake, he look satisfied after that, wala na ang simangot sa mukha niya.

He smugly look at my other side kung nasaan si milo kaya napabaling ako doon, nakita kong nakatingin na ito samin tinignan niya ang fruit bowl bago nagpatuloy sa pagkain.

"Gusto mo din bang kumain nun?" Tanong ko pero umiling siya, mukhang gusto niya ring kumain pero nahihiya siyang magsabi.

Kahit na ayaw niya, kumuha pa rin ako ng isang platito ng mga prutas at nilagay sa tabi ng pinggan niya.

"Kumain ka pa, wala namang magagalit." Bulong ko sa kaniya, tinignan niya ako bago tumingin rin sa kabilang gilid ko kung nasaan si jake, napatingin din tuloy ako sa isa.

Pinigilan ko ang pagngiti ng makitang muli na naman itong nakasimangot.

"Gusto mo pa?" Tanong ko at kumuha ulit ng isang apple pero umiwas na ito.

"Ayoko na!" Sabi niya at bahagya pang tumalikod sakin.

"Okay." Kunwaring hindi napansin ang pagtatampo niya at akmang kakainin na ang apple na hawak ng bigla niyang inagaw.

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now