9

20 3 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising kaya agad na akong bumangon para gawin ang morning routine ko.

Pagkatapos ay bumaba na ako.

Pagkatapos akong ihatid ni jake kagabi ay agad na itong umalis pagkapasok ko nang bahay, mukha rin siyang nagmamadali.

Humikab ako at naginat habang pababa, naririnig ko na ang boses ni mama at papa mula sa baba kaya siguradong nandito pa sila.

"Goodmorning!"bati ko nang makita silang nasa dining at nagiinom ng kape mukhang tapos na silang kumain.

"Goodmorning hija kumain kana muna," si mama at nilahad sakin ang upuan agad naman akong umiling.

"I'm good, mauna na ako." Tinignan ko si papa pero hindi ito tumitingin sakin at kinuha lang ang isang newspaper at binasa iyon.

Hindi ko na pinansin iyon at tumalikod na para umalis, dumeretso ako sa garahe para kumuha ng bagong skateboard saka na umalis ng bahay.

Nang makarating sa school ay dumeretso na ako nang classroom, bumungad sakin ang maingay na mga kaklase, wala pang prof at sobrang aga pa para sa unang klase.

"Hey remember ayana?"

"Sino 'yan?"

"Ah yung taga taas?"

"Oo, i heard she likes jake,"

Automatic na lumingon ang ulo ko sa mga kaklaseng nagchichismisan, tumaas ang kilay ko ng makitang nadoon rin ang mga kaibigan ko.

"Oh talaga?hindi ba 2 years tanda n'on satin?"

"4 beh, pangapat na taon na niya sa 4th year hindi pa rin nakakapasa."

"Oo, kabatch 'yon dati ni ate."

"Narinig ko pa nga sinabi ng isang teacher na nakakasawa na daw mukha nun."

Tumawa sila.

Dumating si jake at naupo sa tabi ko sandali ko siyang tinignan, pogi talaga tsk!

"Nandyan na si jake!"

"Eli nandito kana pala"

"Hi jake!"

"You okay?" Nilingon ko si jake nang kinalabit niya ako "I'm going to the cafeteria, may pabibili kaba?"

Madalas gusto ko siyang inisin kaya inuutusan ko siyang bumili at dinadamihan ang pagkaing pinapabili pero sa kung ano mang rason gusto kong sumama sa kaniya, tamang tama din at hindi pa ako nagbebreakfast.

Ngumiti ako at tumayo, "sama ako."

Tumango siya at tumayo na din, nilingon ko ang mga kaibigan at sinenyasan silang lalabas lang pero nagsitayuan ang mga ito, maging ang mga babaeng nagchichismis kanina at sumunod sa amin.

Ano yan? Tsk!

"Anong gusto mong kainin? I feel like eating some ramen, gusto mo din ba?"halos matigil ako sa paghinga ng nilingon niya ako at ngumiti.

Damn that smile! Ang sarap pang gigilan ng mukha niya, hindi na ako natutuwa sa reaksyon ko kapag tinitignan at nginingitian niya ako ha?

"Basta ba libre mo, G!" Ngisi ko agad naman siyang tumango.

Nang makarating kami sa cafeteria dumeretso siya sa counter, napalingon ako nang marinig ang bulongan ng mga kaklase ko.

"Speaking of the devil pre!"

"Hoy paparating na."

"Sino?"

"Si ayana, ayon---ay gago tumingin."

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now