12

13 3 0
                                    

Linggo hindi ako pumayag sa aya niya imbis pumunta ako ng track para maglaro, kailangan kong ng distraction.

sinubukan kong iwasan si jake kahit na madalas niya akong kinakausap, tipid lamang ang sagot ko sa kaniya at kapag inaaya niya ako agad akong tumatanggi at nagbibigay ng walang kwentang dahilan.

"Let's eat?"

"Ayoko, magdidiet nako!" Sabi ko at hinarap si amy na nagkwekwento, hindi naman talaga ako interesado pero kailan kong gawin para maka iwas kay jake.

"Labas tayo?"

"Hindi pwede eh, pinapauwi ako ng maaga ni mama."  Sabi ko kahit wala naman talagang ganap sa bahay.

"Did you finished the homework?"

"Oo."

"Have you eaten?"

"Oum."

"May gagawin kaba mamaya?"

"May pupuntahan ako eh."

Madaming beses pa niya akong kinausap at inaya sa kung ano ano at madaming beses ko din siyang tinanggihan.

Mukha ring napapansin na ng mga kaibigan ko ang nangyayari at mukhang tinutulongan pa nila akong makalayo kay jake.

"Uy!barkada time muna next time naman kayo!"

Tipid akong ngumiti kay jake at iniwan na siya doon.

"Bat mo iniiwasan teh?"

"Nagsawa kana beh?"

"Kung ayaw mo na akin na lang ah?"tinignan ko ng masama si nathalie ng sabihin niya iyon.

"Ayoko ng umasa." Sabi ko na lang at dumeretso na sa cafeteria.

"Uy beh bakit?"humabol si amy sakin ganon din si yancy at nat.

"Nalaman kong temporary lang si jake dito and anytime soon aalis din siya, maiiwan lang ako beh ayokong masaktan."mahinang sabi ko sapat na para kami lang ang makarinig.

"Sure ka beh? Hindi ba dapat habang nandito pa landiin mo na?"

"True! Malay mo magstay for you hindi ba?"

"Oo nga!what if habang nilalayuan mo biglang lapitan ni ayana? What if sila ang magkatuloyan? What if imbis na ikaw ang dahilan ng pagstay niya ay naging si ayana--"

"Isang what if pa sasakalin kita!"inambahan ko ng suntok si yancy na natatawang umiwas.

"Ayaw mo na talaga? Final na yan? Kung ayaw mo willing akong pumalit." Agad kong sinabunutan si nath dahilan ng pagungot niya. "Ahh aray! Hindi na joke lang!"

"Deserve!" Tumawa si amy at yancy sa gilid.

"Samahan niyo ko mamaya sa track."sabi ko

"Aano ka na naman don?" Napatingin kami kay yancy

"Tatae beh?"ngiwi ko "gusto mo yon?gusto mo ata yon eh,"

Malakas na tumawa si amy at nathalie, nakakahawa ang tawa nila kaya natawa na rin ako.

"Hindi gago!"

"May LBM yan kaya doon tatae HAHAHAHA!" Dugtong pa ni nath.

"Lalapot lapot yon mamaya!" Mas lalo kaming natawa sa sinabi ni amy.

"Bastos ng bibig mo amy HAHAHAH!"

"Gago amp HAHAHAHAHAHAH!"

Hindi na ako matigil kakatawa at mas lalo lang kaming natawa ng makitang may sumuka sa gilid namin.

"HOY HAHAHA KITANG MAY KUMAKAIN!"

"PAKAIN KO PA SA KANILA YON EH!"

"Tama na nga yan ang dudugyot na ng bunganga niyo!"natatawang saway ko bago humarap sa counter para bumili na.

May mauuna pa dapat pero agad nang umalis ng makita kami hinayaan ko na lang.

Sinuyod ko ang mata sa menu pero natigil lang sa salitang ramen, favorite niya yon...

Napailing ako at bumili na ng makakain ko.

"Oh dahan dahan baka magka lbm!"

Agad kong sinabunutan si nathalie dahil sa sinabi niya.

Ganon pa rin ang ayos namin ni jake, halos dalawang linggo rin ang ganong trato ko sa kaniya, iwas doon iwas dito, tanggi doon tanggi dito. Hindi na rin ako madalas sumisipot sa tutor lesson dapat namin.

At sobrang guilty ko na rin dahil sa loob ng dalawang linggo hindi ko na nakikita ang magandang ngiti niya, madalas siyang seryoso lang at kung minsan naaabutan ko siyang nakasimangot habang nakatingin sakin pero agad naman akong umiiwas.

Hanggang sa hindi na talaga kami nagiimikan, hindi na niya ako kinukulit at inaayang gumala.

Sa tingin ko ilang sandali na lang mababaliw na ako kapag hindi na niya talaga ako papansinin. Oo tinulak ko siya palayo sakin pero ngayon ayoko na  gusto ko nang bumalik na kami sa dati.

Nakasimangot ako habang pinapanood siyang kinakausap ang mga lalaki naming kaklase pero ako na katabi niya ni hindi man lang sinulyapan ng tingin.

Ang huling usap namin ay sa coffee shop, may sinabi akong pinag sisihan ko ng sobra, hindi ko naman alam na iyon na pala ang huli naming usap.

"Pwede ka ng tumigil sa pagtututor sakin. hindi ko naman talaga kailangan yan eh kaya ko na ang sarili ko, saka sayang lang sa oras."sabi ko isang araw ng sinipot ko siya para sa lesson namin, bubuksan pa lang sana niya ang libro ng napatigil dahil sa sinabi ko

"What?"hindi makapaniwalang saad niya habang nakatingin sakin.

"Oo ayos lang, I can pass the exam without being tutored, hindi mo na ako kailangang turuan. You can fucos on your business instead"I said with bitterness in my voice. that's how it supposed to be.

I don't want to be the distraction. His distraction.

"Eli..."tawag niya pero agad akong umiling hindi kayang marinig ang pagmamakaawa sa boses niya.

"I'm trying to understand the situation, kaya sana ganoon ka rin jake, I don't want to be involved with you anymore."huling sinabi ko iyon at walang lingong umalis doon.

And here I am now trying to get his attention, nagmistula akong papansin, kanina pako sigaw ng sigaw para lang mapatingin siya sakin.

"Tanginis nagugutom ako!" Naginat ako at humikab, sa peripheral vision ko nakita kong hindi man lang natinag si jake kaya tumayo ako at nilapitan ang mga kaibigan para ayain lumabas pero ang mga gaga ayaw akong samahan.

"Ikaw na lang beh tinatamad ako."

"Kakain mo lang eh gutom ka na naman."

"May sandwich ako dito kainin mo na lang, ayokong bumaba."

Tinignan ko ang sandwich na binigay ni amy, binigyan naman ako ng bottle water ni yancy at candy naman mula kay nathalie.

Napangiwi na lang ako at bumalik ng upo sa tabi ni jake nagugutom naman talaga ako pero ayoko nito.

Agad akong napangisi ng may maisip, kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero ni eve.

"ELI MAHAL KO!" Nailayo ko sa tenga ang cellphone dahil sa lakas ng sigaw ni eve sa kabilang linya.

"Tangenang ingay!"tawa lang ang sinagot niya sakin. "Nasaan ka? May laro ba sa track?"

Napasulyap ako kay jake nang natigil ang usapan nila ng mga kaklase namin.

"Meron bebe bakit? Lalaro ka?"

"Hindi, may laro ka?"

"Yup! Pero kung aayain moko magdate pwede ko namang icancel!" Hindi ko man nakikita alam kong nakangisi na ang loko kaya natatawa ako napailing.

"Date mo mukha mo, sige basta ba libre mo--"halos mabuwal ako sa kinauupuan ng bigla na lang humarap si jake sakin.

"Eli! Can we talk?"

______

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now