11

12 3 0
                                    

After that lowkey confession araw araw na kaming lumalabas si jake halos hindi na nga mapaghiwalay.

Breakfast, lunch and dinner,
Kahit saturday and sunday.

Madalas kaming magcoffee date kapag saturday tapos gagala kami, magmamall at pupuntang arcade para maglaro, inaya ko siyang magvideoke ilang kanta pa ang nagawa ko bago siya napilit kumanta and damn! Himlay ako sa boses niya.

Kung paano niyang binigkas ang mga lyrics ng kanta sa paraang sobrang gwapo niya tignan, hindi maalis ang titig ko sa kaniya habang kumakanta siya, paulit ulit ang boses niya sa utak ko at wala na atang balak lumabas.

"ANG GALING MO! ANG GWAPO MO PA!" napapalakpak ako pagkatapos niyang kumanta, full package na talaga siya!

Hindi ako kailanman nakaramdam ng ganitong excitement, ngayon lang talaga.

Kapag kasama ko siya, kapag ngumingiti at tumatawa siya, kapag nagsasalita at higit sa lahat kapag nagkakatinginan kami.

"Picture tayo dali!"sabi ko ang hinila siya sa photobooth, hindi naman siya umangal.

Umupo kami sa harap ng camera, nagswipe siya ng card agad akong nagpose para sa picture, sumabay naman sa trip ko si jake kaya maganda ang kinalabasan ng picture.

Inaya ko siya ng isa pa and he agreed, I tried to do an advance move lumapit ako sa kaniya, i put my arms around his neck ang pulled him closer for a cute photo.

Hindi siya umangal kaya mas lalo akong naexcite, tinignan niya ako kaya napatingin din ako sa kaniya, tumawa siya saka hinawakan ang bewang ko at hinila rin palapit sa kaniya.

I giggled because of that.

"I'm glad you're happy." He said

"Thanks for making me happy." I smiled binitawan ko siya at binalingan ang pictures namin, it turned out good kaya nangiti kong tinitigan iyon "Pwede isa pa? Last na talaga!"

Natatawa naman siyang tumango bago kami kumuha ng panibagong pictures, hindi nga lang iyon ang last we took more pictures than we thought, hindi pa sana kami aalis doon kung hindi lang may lumapit para magpicture din.

Naglaro pa kami ng basketball, billiards, street fighters, claw machine, racing game at marami pang iba halos lahat ng games naubos namin saka lang na tigil nang nakaramdam ng gutom.

"Where do you want eat?"tanong niya pagkalabas ng arcade, tumingin ako sa paligid para maghanap ng makakainan.

"McDonald's?"

Tumango siya at dumeretso na nga kami sa mcdo, naghanap ako ng mauupuan habang nag oorder naman siya.

Napangiti ako ng nilapag niya ang pagkain sa mesa namin.

"Let's eat?" Tumango ako at agad na kaming kumain.

Akala ko doon na matatapos ang araw namin pero hindi pa pala.

"Uuwi na ba tayo?"napasimangot ako at tinignan siya habang binubuksan ang pinto ng kotse niya.

"You don't want to?" Agad akong napangiti at umiling, "alright, get in!"

Excited naman akong sumakay ng sasakyan

narinig ko pang bumulong ito.

"Such a baby." Natawa na lang ako, tinignan ko siyang umikot at sumakay ng sasakyan.

Ang pogi talaga!

"Saan mo gustong pumunta?"tanong niya ng makapasok.

"Hindi ko alam kahit saan na,"nagkibit balikat at tumawa lang naman siya.

Sa huli nagdrive na lang din siya kung saan, hindi namin alam kung saan pupunta kaya ang plano niya ay maglate night drive na lang daw kami.

It's already 7 pm.

Wala naman akong curfew at ayoko pa namang umuwi kaya mas mabuti na ring magpakasaya na lang kasama si jake.

"Saang bansa ka nga ulit galing?"tanong ko

"Australia,"

"Wow! maganda ba don?"

"Yeah I guess, I live there for years at nakakasawa na rin doon."

"Grabe ka, nakakainggit nga eh! Kung ako yon hindi ako magsasawa doon."

"Why?"

"Imagine nakatira ka sa lugar na may 4 season, pangarap ko kaya makapunta doon, especially autumn and winter! Nakikita ko sa internet maganda sa Melbourne kapag autum tapos sa sydney pag winter tapos sa brisbane or hervey bay naman kapag summer, saan ba maganda kapag spring doon?"

"Maybe in canberra."

"Oo doon nga at marami pang iba! Madalas ka bang magtravel doon?"

"Sometimes, madalas family trip, how about you? Anong mga magagandang lugar dito?"

"Palawan! Boracay! Maganda din sa baguio, tapos sa bohol din maganda ang mga chocolate hills, sa tagaytay! Legazpi! Intramuros! Maganda dun punta tayo doon next time! At marami pang iba, mas marami lang talaga ang beach dito syempre wet and dry season lang naman meron sa pinas---"napatigil ako ng marinig ko ang mahina niyang tawa, tinignan ko siya. "Bakit ka tumatawa?"

"Minsan ka lang dumaldal ang cute mo pala." Napa awang ang labi ko dahil sa sinabi niya, feeling ko namumula ako, umiwas ako ng tingin at tumikhim!

Cute daw ako?

Hindi naman sa first time kong masabihan ng cute pero iba kasi talaga epekto ni jake sakin, tumawa na lang rin ako.

"Panira ka ng kwento!" Mas lalo lang siyang natawa, napangisi na lang ako. "So anyway bakit ka nga pala lumipat school?" 

naalala kong hindi niya sinagot ang tanong ko dati. 

"My dad wants me here, may business lang." Napatango tango ako pero napatigil ng may narealize.

"So ibig sabihin... baka aalis rin kayo ulit kapag tapos na ang business niyo dito?"matagal siyang natahimik kaya napatingin ako sa kaniya, agad kong iniba ang usapan ng makita ang pagaalinlangan niya sa pagsagot. "Ah 9 pm na pala, baka hinahanap na ako samin!"

Tumingin siya sakin kaya umiwas ako ng tingin at tinignan ang cellphone ko.

"Ihahatid na kita." Tumango ako sa kaniya at nanahimik na.

I keep laughing all day kaya siguro binawian na ako ngayon.

Nakakalungkot isipin na hindi siya magtatagal dito, maari siyang umalis mamaya o kaya bukas, sa susunod na bukas, sa susunod na linggo, sa susunod na buwan, posible siyang bigla na lang mawala ng hindi nagpapaalam.

sa pagaalinlangan niyang pagsagot sa tanong ko kanina posible ngang mangyari iyon.

Hindi pa naman ganoon kalalim ang nararamdaman ko sa kaniya kaya baka pwede pa akong magmove on, nang sa ganoon hindi ako gaanong masaktan kapag bigla na lang siyang umalis.

Ganoon naman palagi eh hindi lahat ng gusto mo makukuha mo kaya mas mabuti ring hindi ako masyadong umasa sa kaniya.

"Eli?" Napabaling ako kay jake ng tawagin niya ako.

"Bakit?" ngumiti ako sa kaniya, ayokong ipakitang naapektuhan ako.

"You okay?"pabalik balik ang tingin niya sa akin at sa daanan kaya agad akong tumango.

"Sa daan ka nga tumangin ano kaba?" Tumawa ako, "medyo inaantok lang ako, ang dami nating ginawa kanina, sobrang pagod lang."

Hindi siya sumagot kaya pumikit ako at nagkunwaring matutulog.

"We're almost near..." tumango lang ako.

Nagsisimula pa lang kami pero mukhang agad rin kaming matatapos.

______

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now