22

16 2 0
                                    

Napabuntong hininga ako habang nakatitig sa kisame ng kwarto ko.

Ilang buntong hininga na ang nagawa ko simula ng makauwi ako kanina pagkatapos akong ihatid ni jake, paulit ulit iniisip ang mga sinabi niya kanina.

"Siguro kapag bumalik ka, syempre naman. Pero kapag bumalik ka tapos may iba ka pang nagustuhan ibabalik talaga kita sa tiyan ng mama mo" kunwari ko pang tawa, natawa rin siya doon at umiling.

"I would never do that!"sabi niya habg tumatawa, natahimik siya ulit ng ilang minuto bago nagsalita ulit" Then what if hindi ako makabalik agad? Paano kung hindi na ako bumalik?" Bigla siyang nagseryoso ulit kaya nawala ang ngiti ko.

Natahimik at napatitig na lang rin sa kawalan, napatingin ako sa kaniya ng mas hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.

"Maghihintay ka ba?" Hindi pa man siya natatapos ay umiling na ako.

"Ayokong maghintay... ayoko ng pinaghihintay jake. I would rather move on than wait for someone to comeback, at hindi pa sigurado kung babalik nga ba."siya naman ngayon ang natahimik sa sinabi ko.

Hindi ko magawang kiligin o makiliti sa ginawa niyang pagpatong ng baba sa balikat ko, I tilted my head a bit for him to be comfortable instead.

"I understand."

"You won't be selfish, and ask me to wait for you. Right?"tanong ko hindi siya sumagot, narinig ko ang mahina niyang buntong hininga bago inangat ang sarili para tignan ako.

"I want to be selfish... just for you, eli." Mahina ang boses niya ng sinabi iyon, kung hindi lang siya malapit sakin ay baka hindi ko na narinig.

"Why are you even asking that?"

Even I want to be selfish. Ayokong mawala siya. Ayokong umalis siya.

But do I have the right to ask him that? Hindi ba siya aalis pag sinabi kong 'wag siyang umalis?

Narinig ko ang tawa niya kaya muli akong napatingin sa kaniya.

"I'm just asking, if ever lang naman iyon." Sabi niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko. "I'm sorry for making you worry, babe."

Halos hindi pa ako makatulog lalo na at hindi pa siya tumawag, kaya masama ang loob ko nung maka tulog hanggang sa pag gising.

Agad rin namang nawala ng makitang naroon si jake sa bahay, kausap niya si papa at nakaupo silang dalawa sa labas, maging si mama na paikot ikot sa harap nila habang may kausap sa telepono.

"Sumasakit ang ulo ko sayo ma, umupo ka nga."

Excited akong lumapit sa kanila.

"Goodmorning! You're here?" Bati ko agad naman silang napalingon sakin, ngumiti at tumayo si jake saka lumapit sakin. "Hindi niyo ako ginising."

"Goodmorning! I don't want to disturb your sleep, anyway we're going to palawan for vacation!" He excitedly said nagtataka naman akong natawa at nilingon si papa pero tumango lang ito. "I've already asked for permission from tito and tita, don't worry kasama sina mama at papa, and maybe some of my cousin."

"Wow! When?"

"Later, and I'm here to take you."

"You should eat first hija, I'll ask manang to get your things."si mama at tinigil pa talaga ang pakikipag usap sa phone niya.

Tumango naman ako.

"Tapos na po ba kayong kumain?" Tanong ko sabay silang tumango napasimangot naman ako at tumango na lang rin bago tumalikod para pumuntang kusina.

"I'll go with eli po muna tito." Napalingon ako ng marinig ang sinabi ni jake, nakita ko ang pagtango ni papa at tumakbo na nga palapit si jake sakin.

"You didn't call me last night!" Nguso ko ng makarating siya sa tabi ko.

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now