14

14 2 0
                                    

"Can you tell me what happened?" Napatingin ako kay mama.

I unconsciously said what my thoughts at ngayon lang natauhan,

Umiling ako sa kaniya bago binaba ulit ang tingin sa notebook.

Dinig ko ang pagbuntong hininga ni mama saka niya hinaplos ang buhok ko.

"If that guy makes you happy I don't mind accepting him." Agad ang paglingon ko sa sinabi niya, gulat dahil hindi naman siya ganoon. "Pero sa itsura mo ngayon mukhang iba---"

"Hindi ma! I-Ilang araw lang po kasi siyang h-hindi p-pumasok dahil may e-emergency sa kanila,"pagdedepensa ko natatakot ako sa maaring gagawin ni mama katulad ng nangyari noon.

I don't want jake to experience the same.

"So you miss him?" Natigilan ako.

I've never experienced such thing, crying over a person I missed? This is the first time.

Natawa si mama kaya napatingin ako sa kaniya.

"Don't tell me... wala kayong label?" Agad ang pagsimangot ko ng sabihin iyon. "Eli, I don't know what you feel about that guy pero sa nakikita ko masasabi kong mahal mo na ang lalaking iyon."

I know I like jake pero mahal? I don't know...

"Hindi ka iiyak sa taong hindi importante sayo."hinawakan ni mama ang pisngi ko at pinisil iyon, agad naman akong napangiwi. "Malaki na talaga ang anak ko, ipakilala mo sa akin ang lalaking iyon kikilatisin ko bago ako magdedesisyon kung tatanggapin ko ba o hindi."

Tumango ako kahit kinakabahan.

Kinuha ni mama ang notebook ko at tinignan iyon.

"Mukhang siya rin ang rason nito, masyado ka namang inspired." Tumawa siya habang binabasa ang mga nakasulat doon, napangiti na lang din ako.

Napansin din ni mama ang picture naming dalawa kaya iyon naman ang napagtripan.

"Gwapo naman siya, may lahi ba to?"

"Taga Australia ang pamilya nila."

"Talaga?naks laki ng nabingwit mo ah?"

"Mama!"

"Ano ngang pangalan nito nak?"

"Jake po,"

"Pogi din ng pangalan oh!"

Dahil doon napag usapan namin ni mama ang tungkol kay jake, nawala na tuloy sa isip ko ang iniiyak ko kanina.

Sinabi ko kay mama kung paano kami nagkakilala at tungkol sa paglipat ni jake dahil sa business nila, sinabi ko din na iniwasan ko si jake dahil ayokong mahulog sa kaniya at baka masaktan lang ako sa huli dahil maaring umalis din ito.

"Aba kung hindi naman pala seryoso iyan sayo dapat lang palang iwasan mo na! Hindi ako papayag--"

"Mama naman?"

Tinawa namin ang buong oras namin sa kwentohan hanggang, nang lumipat kami sa kama ko ay hindi namalayang nakatulog ako.

Nagising lang ako dahil sa katok sa pintong nakabuksan at nakita kong naroon si papa, lumipat ang tingin ko sa katabing si mama na nakatulog din pala.

"Pa," kinusot ko ang mata saka tumayo dahil doon ay nagising din si mama.

"You okay?" Nagulat ako ng tinanong iyon ni papa, sandali akong hindi nakasagot bago dahan dahang tumango sa kaniya.

"Pa? Oh sorry naka tulog din pala ako," si mama at tumayo na saka nag ayos, lumapit siya sa kay papa kaya nabaling ang atensyon niya doon. "you know what pa? Ang dami naming napag usapan ni eli."

Kita ko ang pagngiti niya at tango bago tumingin sakin.

"We have a visitor."

"Huh? Sino? Nakapaghanda na ba ng pagkain?"

"Jake raw ang pangalan niya at nandito para umakyat ng ligaw sa anak natin." Sabay na napatingin si mama at papa sakin at gulat naman akong nakatingin lang sa kanila.

"You should fix yourself first, take your time kung hindi siya makapag antay umuwi na lang siya."si papa at inalalayan na si mama palabas, sinarado na niya din ang pinto ng kwarto ko.

Nalilito man sa nangyayari ay dumeretso na ako sa banyo para gawin na ang dapat gawin, hindi ako magkandaugaga sa pagpili ng maisusuot ko, sa huli hindi ko man trip kinuha ko ang natatanging dress na kaaya ayang tignan kahit nasa bahay lang.

I'm not into dress at ang mga dress lang na naroon ay mga pang occasions na binili ni mama para sakin, hindi ko pa nasusuot ang ibang nandoon kaya pumili ako ng dress na less formal tignan.

It's a plain white dress.

Natagalan pa ako sa pagiisip kung magsasandal ba ako o magtse-tsenilas na lang sa huli nagpaa na lang ako, nagmamadali na rin kasi ako ayoko ng paghintayin pa ng matagal si jake.

Pero nasa hagdan pa lang ako halos himatayin na ako sa kaba ng makita siyang nakaupo sa sala may hawak na bulaklak.

Damn! This is my first time na magpaligaw na may permiso ng magulang kaya doble ang kaba ko ngayon, ano na lang kaya si jake?

Nang makababa ako ay agad na nagtama ang tingin naming dalawa, nakita ko ang paglunok niya nang tignan ako kaya nakagat ko ang labi at naisip ulit ang sinuot na damit.

Do I look okay? Hindi naman siguro ako overdressed?

Hindi ko alam kung ano ang unang gagawin, lalapit ba ako sa kaniya o dederetso sa kusina kung nasaan naririnig ko ang mahinang paguusap nila mama.

"Eli," nagulat ako ng tawagin ako ni jake wala tuloy akong nagawa kung hindi lapitan siya, umiwas ako ng tingin nang makalapit sa kaniya.

"You should've told me what's your plan first," I was a bit shock on my sulking voice. "Nagusap muna sana tayo."

"I'm sorry," tinignan ko siya ng masama, naiinis kong sinuntok ang dibdib niya.

"I was so worried, you know? Hindi mo man lang sinabi na matagal ka palang mawawala edi sana prepared ako!" Hot tears filled my eyes, muli ko siyang sinuntok sa dibdib pero hinuli na niya ang kamay ko.

"I'm sorry, hindi ko rin alam na matatagalan ako I don't have your number so I can't call you, I'm sorry eli..." sandali niyang nilingon ang kusina bago ako dahan dahang niyakap. "I missed you...so much!"

Para iyong gatilyo na dahilan ng pagputok ng baril, bumuhos ang luha ko pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Fck you!" Nasabi ko iyon saka ko siya niyakap pabalik narinig ko lang ang mahinang tawa niya pero mas lalo lang hinigpitan ang yakap sa akin."Don't you ever do it again! Isa pa jake! Sasapakin talaga kita!"

"Okay I promise, Hindi na mauulit."bumitaw siya at hinarap ako. "Here! it's for you." Binigay niya ang isang pumpon ng pulang bulaklak na kanina pa niyang hawak.

Kinuha ko iyon at inamoy, mabango pero naamoy ko din ang kumapit na pabango ni jake dito kaya mas lalo ko itong nagustuhan.

Muli niya akong hinarap sa kaniya at pinunasan niya ang luhang nasa mata ko.

"You don't have to cry, silly!"

"Ikaw ang dahil nito kaya you have to take responsibility for what you did." Muli siyang natawa bago tumango tango.

Muli ko siyang niyakap at ganoon din naman ang ginawa niya.

This is home! I feel so damn comfortable na sa tingin ko'y hindi ko na kaya tong pakawalan.

____

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now