16

11 2 0
                                    

Nang matapos kaming kumain inaya ako ni mama na maghahanda ng dessert daw, ayaw ko sanang iwan si jake kasama si papa pero hinila na ako ni mama papuntang kusina, nakanguso na lang akong tumingin kay jake na nakangiti pa rin sakin.

"Hayaan mo muna ang mga lalaki na magusap diyan, halika muna rito."tumawa si mama at binigyan ako ng harina. "Magbabake ako ng cookies at tuturuan kita, malay mo maisip mong bigyan si jake ayiiee!"

Napangiwi ako kay mama.

"Ano bang gagawin ko?"tanong ko tinuro ni mama ang gagawin ko, pinagmix ang eggs, flour, butter at kung ano pa.

Hindi ako mapakali at naiisip kung ano ang pinaguusapan nila papa at jake.

Panay tuloy ang lingon ko sa dining kung nasaan sila ni papa, hindi ko sila naririnig pero mukhang seryoso ang usapan nila panay pa ang tango ni jake na parang tinatandaan niya lahat ng sinasabi ni papa. paalala ata, tungkol ba sakin yon?

"Ang gwapo pala talaga ni jake, ano? Swerte mo naman mabingwit mo!"napanguso ako sa sinabi ni mama na tumatawa.

"Hindi naman sadyang maganda lang ako,"ngisi ko habang nilalagyan ng toppings yung cookies, ilalagay na siya ni mama sa oven para maluto.

"Syempre naman, kanino pa ba naman magmamana hindi ba?" Tumawa ako.

Maganda lahi eh.

Marami pang sinabi si mama pero hindi ko na masundan ang iba dahil naaagaw ni jake ang pansin ko, madalas ko siyang nahuhuling tumitingin sa pwesto ko, hindi tuloy ako makafucos.

Nang mailagay na sa oven ang cookies ay doon lang ako napahinga ng maayos, hinintay namin iyon habang nagkekwento si mama ng kung ano ano tungkol sa mga lalaki.

"Ang mga lalaki madalas ang liligawan lang ang haharapin. Hindi seryoso pag ganoon at takot sa mga magulang ng nililigawan, kaya hanga ako kay jake ng dumeretso ito dito ng hindi man lang muna kayo nag uusap, hindi ba?."

Tumango tango ako bilang sang ayon dahil tama naman ang sinabi ni mama.

"Ganoon dapat ang tunay na manliligaw, bago ang anak ang mga magulang muna, medyo may pagka makata din itong si jake ano?" Tumawa ulit siya kaya natawa na lang din ako dahil ganoon din ang tingin ko kay jake.

Masyado siyang pormal, he literally went to my house just to court me, even ask my parent's permission.

It's 21st century hindi na uso ang ganoon.

"Ang mga lalaki kasi madalas torpe, mga duwag at ayaw umamin napaglilipasan na ng panahon hindi pa rin umaamin at minsan nauunahan pa. pangit ang ganoon ugali ng mga lalaki kaya mabuti na lang at medyo straight forward itong manok ko." Napapangiwi na lang ako sa mga sinasabi niya, minsan natatawa pa.

Nalibang ako sa panonood ng cookies at sa mga kinikwento ni mama kaya nawala sa isip ko si jake at papa.

Ang satisfying pa tignan ng mga cookies na lumalaki, noong sa wakas ay nilabas iyon ay napangiti ako ng maamoy ang mabangong alimuyak niyon.

"Kumuha ka muna ng plato nak. santi, pakihugasan na ng mga plato salamat." Kumuha ako ng plato, habang ang katulong naman ay nagsimula na sa paghugas ng plato.

"Ihain mo na ito sa kay jake at papa mo." Binigay ni mama ang isang plato ng cookies sakin kaya tumango ako. "Kuhanin ko lang ang juice,pahanda ng mga baso please."

Kinuha ko ang plato ng cookies at lumabas na ng kusina para puntahan sina papa.

Napangiti ako makita ang seryosong si jake.

"So how was it?"

"It's fine po tito, we manage to build another branch so I think ayos na iyon it's hard though especially hindi naka base sa Philippines ang main, we don't have enough intelligence and connection here. Malaking kaso rin kasi ang hawak ngayon ni dad kaya mukhang matatagalan iyon."

"That's good, I can help you with that, marami akong kilalang inspector at lawyer, most of them were international but choose to base here in Philippines, I can introduce you to them."

"That would be a big help tito." Napangiti ako ng marinig ang tawag ni jake kay papa.

I can see na hindi pa siya masyadong sanay sa tito but he's trying.

Napatigil sila sa paguusap ng sumingit ako sa gitna nila para ilagay ang cookies doon.

"Cookies for you."ngumiti ako at umatras para tignan silang dalawa.

"Kumain ka muna, hijo. Pa! tikman mo, gawa namin ni eli yan" sumingit din si mama at nilagay ang juice sa harap nila.

"Thankyou." Ngumiti si jake at sinubukan ang gawa namin ni mama.

Umupo ulit ako sa tabi niya at hinintay ang sasabihin niya.

"It's good." Nagkatinginan kami ni mama at sabay na napangiti.

"I'm glad you like it, kumain kapa!"

Kumuha ako ng juice at pinagsalin sila sa baso, binigay ko kay papa ang isang baso at isa din kay jake, kumuha naman ako ng cookies para tikman na rin iyon.

Masarap nga siya.

Nagpatuloy ang kwentohang business, nakinig lang ulit ako sa kanila at minsang tinitignan si jake.

Umabot pa kami ng isang oras doon bago nagpasiyang umuwi si jake, it's almost 10 pm, I'm worried lalo at nagdrive pa pala siya papunta dito pero hindi ko naman siya pwedeng ayain na dito na lang matulog sa bahay.

Duh baka hindi na to makabalik sa susunod.

Hinatid ko siya palabas ng gate.

"Magiging okay ka lang ba? Gabi na."

"I'm fine don't worry makikita mo pa ako bukas" Mahina siyang tumawa saka ginulo ang buhok ko, agad ko siyang sinapak.

"I'm serious!"

"I'm serious too!"

Tinignan ko siya ng masama kaya hinarap niya rin ako, natawa siya ulit at nilahad ang cellphone niya sa harap ko.

"Can I have your number now? I'll call you kapag nakauwi na."tumango ako at kinuha sa kamay niya ang cellphone at nilagay ang number ko doon saka ko ibinalik sa kaniya.

Sandali siyang may pinindot doon saka ulit humarap sakin.

"So... I'll go ahead,"sabi niya muli akong tumango, sandali niya akong tinignan bago tumango at binuksan na ang kotse niyang nasa harap namin, kumaway ako sakaniya ng makasakay siya ng sasakyan, ilang sandali siyang tumitig sakin at nagbuntong hininga.

Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.

"Ingat ka!" Muli akong kumaway pero nakatingin lang siya sakin na parang meron pang sasabihin.

Nagulat ako ng binuksan niya ang pinto ng kotse niya at lumapit ulit sakin, halos malaglag ang puso ko sa gulat at kilig ng bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.

"I missed you... so much"

Hindi ako nakaimik ng binulong niya iyon habang sinisiksik ang mukha niya sa leeg ko, damn! Hindi ko na pinansin ang nararamdamang kiliti doon at napangiti na lang saka siya niyakap pabalik.

"I missed you too."

It took him some minutes bago kumalas at hinarap ako, pinikit ko ang mata ng pinatakan niya ng halik ang noo ko.

"I'll see you tomorrow."

____

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now