19

13 2 0
                                    

"Kailangan ba talaga yan ma? Pwede naman hindi na mag make up!"reklamo ko at bahagyang iniwasan ang brush.

"Syempre!pano na lang kung pinicturan ka doon tapos mukha kang bruha."

"Aba ma kahit walang make up maganda ako no." Kita ko ang pagngiwi niya sa repleksyon ng salamin kaya napangisi ako.

"Oh paano na lang pag nagkita na kayo ni jake tapos wala man lang kulay tong mukha mo." Banat pa niya, agad naman akong napatingin sa sarili ko.

Well hindi naman masama, maganda naman tignan hindi masyadong makapal, light lang.

Isa pa graduation naman eh, pagbigyan na nga.

Excited ako ngayong graduation, nakakasawa na din mukha ng nga kaklase ko ah.

Tumawa ako ng makita ang ayos nila mama at papa, sobrang pormal nilang tignan.

"Nice new look pa ah?" Pang asar ko ng makita ang bagong gupit na buhok ni papa.

"Kailangan fresh, so how is it?"

"Good! Pogi!" Sabi ko at nagthumbs up sa kaniya.

Sabay kaming pumunta ng school, balak ko sanang magskateboard na lang kaso naka dress ako at pinagalitan din ako nila mama, kaya dinala ko na lang.

Wala na naman silang magawa eh, nagrason na lang ako na gamit ko to mula nung magsimula ang klase hanggang sa makapagtapos, in short nagaaral din to kasama ko kaya gagraduate din siya kasama ko.

Hahaha

nang makarating sa school, sinuot ko na ang damit at toga para sa graduation ceremony pinauna ko sina mama papasok para makapaghanap ng mauupuan. Nang makaalis sila agad kong nilapitan ang mga barkadang tinatawag ako para sa group picture namin, suot na rin nila ang graduation clothes namin.

Balak ko sanang hanapin muna si jake, hindi pa kasi siya nagtetext o tumatawag simula kanina, baka biglang missing in action na naman siya ng hindi nagsasabi kung kailan babalik, sasapokin ko talaga yon.

"Oh 1! 2! 3! SMILE!! OH TANGINA MO YANCY WAG PURO FIERCE MAGSMILE KA NAMAN!"

"TANGINA MO DIN PURO KA REKLAMO MAGPICTURE KA NA LANG!"

"INGAY NIYO!"

"CONGRATULATIONS MGA BABE!"

"GAGRADUATE KABA TALAGA JANZ?"

"HINDI MANONOOD LANG AKO."

nandito naman kasama namin ang ibang mga kaklase, hindi pa nga lang kompleto, sa tingin ko marami na ring tao ng quadrangle kung saan gaganapin ang ceremony.

"Nakita niyo si jake?" Tanong ko sa kanila.

"Ito namang isa puro lovelife iniisip." Tinaasan ko lang ng gitnang daliri si nathalie bago tinignan si amy.

"Nakita ko siya kanina mukhang kasama rin ang parents niya, tangina beh ang ganda ng lahi. Ang ganda ng mama niya." Nang marinig ang salitang mama doon ko lang narealized na ngayon ko nga pala mamemeet ang parents ni jake. Shit!

"D-do I look okay?" Biglang kabado ang boses ko ng tinanong iyon kay amy pero ngumisi lang ang gaga, ganoon din ang ginawa ng dalawa kong kaibigan kaya mas lalo lang akong kinabahan.

Tinawanan lang nila ang nerbyos ko at inaasar pa lalo kaya halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may kumalabit sakin.

"Oh sorry did I scare you?"

Naiwan ako ng mga kaibigan dahil gusto daw nilang hanapin ang mga crush nila para magpapicture souvenirs daw papasalamat sa pagpapaexcite sa high school life nila. Mga bonak talaga.

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now