20

14 2 0
                                    

Hawak ni jake ang kamay kong nasa ilalim ng mesa, kasama namin ang buong klase for a last farewell party pagkatapos ng graduation.

We were congratulating each other and having fun for the last time kasi marami samin sa malayo na mag aaral.

Some were happy while others are crying. Mixed emotion ang party namin kaya hindi ko na rin alam ang mararamdaman ko.

Kanina we took a family picture together with his parents, nalaman ko rin na ang dami naming picture ni jake na magkasama sa camera ng mommy niya.

Tama nga siyang makulit nga ang mommy niya, marami siyang gifts na binigay sakin at ipapadala niya raw kay jake, and she even asked me to have a coffee date with her and my mom, girls only daw.

Natatawa na lang ako sa kaniya.

That's the most unforgettable moment ko kanina but mas hindi nga lang mawala sa isip ko ang sinabi ni jake.

"I love you, eli."

Napatingin ako sa kay jake ng pisilin niya ang kamay ko.

"Should we sneak out?"bulong Tanong niya napalingon naman ako sa mga kasama naming  nageenjoy.

Hindi naman siguro nila mapapansin pagnawala kami.

Tumango ako sa kaniya at walang ingay kaming lumabas ng private room ng isang resto bar kung saan ginaganap ang party namin.

Natawa ako nang makalabas, Para kaming sekretong magjowa.

"Let's buy a drink."

Tumango ako sa kaniya at nilakad namin ang distansiya ng malapit na starbucks mula sa resto bar.

Sabay kaming naglunch kanina kasama ang family niya at family ko para mag celebrate, kabado pa ako kanina pero masaya rin naman lalo na at pareho silang mababait, sobrang kulit talaga ng mommy ni jake, halos buong lunch namin siya ang nagsasalita at nagtatanong kaya naging maingay ang kain namin.

Madalas pa itong pagalitan ng daddy ni jake pero hindi naman siya pinapansin ni tita kaya natatawa na lang kami.

"Saan tayo kakain ng dinner?"tanong ko ng makabili na kami ng maiinom.

He also bought some croissant na agad kong nilantakan, nakatingin lang naman siya sakin.

"Where do you want to eat?"

"I'm craving for homecooked food." Sabi ko I cut a piece of croissant tinusok ito sa tinidor at nilapit sa bibig niya.

He was a bit shock of my sudden move na hindi agad ito gumalaw, nagtataka ko lang naman siyang tinignan.

"Hindi ko alam kung may tao sa bahay eh, ang alam ko nag day off si yaya kaya walang magluluto." Napanguso ako.

Ngumiti ako ng nakita ang namumula niyang tenga ng sinubo ang pagkain, nakita ko rin ang pagngiti niya ng umiwas ng tingin.

"D-do you want to go to my condo? Malapit lang naman dito just a few block from here." Sabi niya agad naman ang pagtingin ko sa kaniya.

"May condo ka?"

"My father bought it the same day I went here."ngumiti siya at halos mapa atras ako ng bigla niyang hiniwakan ang mukha ko at pinunasan ang gilid ng labi ko.

Tingin ko ako naman ngayon ang namumula.

"O-okay din 'yon" sagot ko kinuha ang panyo sa bag at akmang ibibigay na sa kaniya ng makita ang pag dila niya sa daliri kung nasaan ang cream mula sa croissant. "Jake!"

Halos itapon ko ang panyong hawak sa kaniya ng makita ang pagngisi niya, natawa na lang ako ng magpacute pa ito na parang natuwa pa siya sa ginawa.

"What? It taste good!"tumango tango pa ito napailing na lang ako

"Should we buy some groceries? May stocks ka ba?" Sabi ko at uminom sa latte na binili niya.

I saw him look at my drink before looking at his, tinaasan ko siya ng kilay.

"Do you want to drink?"tanong ko muli siya tumawa at tumango kaya binigay ko sa kaniya ang hawak.

"We've been eating outside for this past week kaya hindi ako bumili ng stock sa condo, we more likely have to buy some groceries." I watch him drink on my coffee before looking at his drink, kinuha ko iyon at sinubukan din.

It's black americano.

Nanatili pa kami roon hanggang maubos ang pagkain nang matapos ay lumabas na kami ng starbucks.

"May malapit bang grocery store dito?"tanong ko at inikot ang mata ng tumigil siya sa paglalakad hawak pa rin ang kamay ko. I looked at him in awe, and smiled when I caught him staring at me. "What?"

"There is, malapit lang din sa unit." Tumango ako bilang sagot pero nanatili pa rin siyang nakatayo na parang bang may gustong sabihin at nakatingin pa rin sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay pero umiling siya at muli na akong hinila para maglakad ulit.

He was slowly walking while pulling my hand, tahimik lang siya habang naglalakad mukhang may iniisip na kung ano, kaya sinabayan ko ang lakad niya at sinilip ang mukha niya.

"What are you thinking?"tanong ko kaya napatingin siya sakin.

Sandali siyang hindi nagsalita at narinig ko pa ang mahina niyang buntong hininga bago ako hinarap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko, kaya nagtataka ko siyang tinignan.

"Ang ganda mo!" Saka siya tumawa agad kong hinawi ang kamay niya dahil pakiramdam ko namumula ang mukha ko.

"Bwesit ka!" Sabi ko at naunang maglakad para maiwasan siya.

"You're blushing!" Sinigaw pa niya ang halata at hinabol ako. "Eli, look at me!" Tawag niya pero iniwas ko lang lalo ang tingin ko sa kaniya.

"Tumahimik ka!"

"You just fell in love with me again, didn't you?" Panunukso niya hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya.

"Ang yabang mo! Ikaw ata yong baliw na baliw sakin!" Kahit totoo yon! Aish!

"You're right! But you liked me first!" Sabi pa niya at malapad na ngumisi.

"But you like me more!"

"No, you like me more!"

"Hindi kaya!"

"You don't like me?"

"Ofcourse I do!"

"Aw i like you too!"

"Shut up!"

Nagiinit ang buong mukha ko sa mga pinagsasabi niya, siya naman tawa lang ng tawa, walang hiya 'to!

Asaran ang ginawa namin buong naglalakad papunta ng grocery store hanggang sa condo niya.

Nang bigla na lang kaming natigilang dalawa.

Nasa harap na kami ng kitchen table nakahanda na ang lahat ng binili namin.

"Do you know how to cook?" Tanong ko mabilis siyang napatingin sakin.

"A bit? You?"

"A bit."

Muli naming tinignan ang mga binili sa harap at sabay na lang natawa.

"Maybe we should search it on youtube."

______

Ash_Aries

lost in the midst of loveWhere stories live. Discover now